Vampire Princess 27 - Baby

3.3K 68 1
                                        

Napangiti nalang ako nang nakita kong nagtutulungan ang mga tao namin sa ibang tao mula sa ibang kaharian. Nagkanya kanya narin sina Jag, Ilecs, Mon Mon at Sunshine na kausapin yung mga tao nila. May mga guwardya din na nakasunod sa kanila na kinakairita ko. Para naman kasing pinapanood ang lahat ng galaw ko

Ang laki ng lugar na ito at parang hindi ko nga makita sina Jag sa sobrang dami. Dito na rin nagtitipon tipon ang mga tao mula sa limang kaharian para makuha ang pagkain at rasyon nila. Pagkatapos ay babalik sila sa mga bahay at ligtas na matutulog. Ang trabaho naman namin ay ang panatiliin silang ligtas.

Mabuti naman at hindi sila masyadong nag aalala sa mga bampira. Hindi kaya sila natatakot? Hindi ko pa pala nalaman kung may nasaktan sa pagsalakay ng mga bampira sa kaharian nila.

Baka naman iba ang sinabi sa kanilang rason kung bakit kailangan nilang tumira dito ng pansamantala. Kung sasabihin nila na may bampirang nabubuhay, baka may gulo pang mangyayari

Napansin ko na kinakausap nila Mon Mon at Jag ang mga tao at nakikipagtawanan. Kaya dahil naiinggit ako sa mga ginagawa nila Jag, lumapit ako doon sa mga taong nagkukumpulan nang pigilan ako ng isang guwardya

"Mahal na prinsesa." simpleng saad niya. Halata sa tono ng boses niya ang pag aalala at ang pagbabawal niyang makihalubilo ako sa mga tao

Inayos ko ang tindig ko at tinignan siya ng mabuti, "Bakit?" tanong ko sa kanya. Walang emosyon lang ang nakita ko sa mga mata niya, gaya ng iba pang mga guwardya. Alam kong trabaho nila ang protektahan ako pero hindi ibig sabihin, tatanggalin nila ang emosyon nila

"Baka saktan nila kayo, mahal na prinsesa" sagot niya

Napakunot ang noo ko at napansin niya ang pagkainis ko kaya yumuko siya sa akin, "Patawad, mahal na prinsesa"

"Leon, tama ba?" tanong ko sa kanya. Siya ang napapansin kong guwardya na palaging nasa tabi ko. Mukhang siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan nila mom at dad para bantayan ako.

Ang lahat ng guwardya namin at parte ng Nsihire Kingdom. Isa rin silang mamamayan kaya trabaho din nilang alagahan at protektahan ang kaharian. Hindi pwedeng ako lang palagi

Si dad ang namumuno sa guwardya. Siya ang nagtuturo sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin kaya siya ang may responsibilidad sa lahat ng ito. Minsan talaga may mga mali talaga siyang ginagawa

Hindi pa siya gumagalaw sa pagkakayuko niya, "Opo, mahal na prinsesa,"

"Leon, nais kong iparating mo ang mensahe sa lahat ng guwardya ng Nsihire ang sasabihin ko sayo," umangat ang tingin niya at umayos siya ng tayo, "Nais kong makausap ang lahat ng guwardya mamayang gabi sa likod ng kastilyo para sa isang pagpupulong,"

"Masusunod, mahal na prinsesa" yumuko ulit siya sa akin at nagsimula na siyang tumalikod nang tinawag ko na ulit siya

"Leon," agad naman siyang bumalik sa akin,

Hinawakan ko ang balikat niya at ngumiti, "Alam ko rin na may mga pamilya kayo dito kaya sabihin mo rin sa mga ibang guwardya na pinahihintulutan ko kayong makasama ang mga pamilya ninyo,"

Sa sinabi kong iyon ay yumuko siya ng husto habang pinipigilan niya ang pag iyak niya, "Salamat, mahal na—"

"Aishshshshhhh. Shhh," tumawa ako. Napangiti naman siya at umalis na

Tinanguan ko rin yung isang guwardya na nasa tabi ko at sumunod na kay Leon

Nilapitan ko na yung mga taong gusto kong lapitan kanina pa. Yumuko naman sila noong nakita nila ako pero sumenyas ako na huwag gawin yun. Halata pa ang pagkalito sa mga mukha nila pero hinayaan ko nalang

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon