Vampire Princess 37 - Alive

3K 73 2
                                    

Hegamon's POV

Agad naming sinundan si Dhine na nakarating agad sa kwarto ng ate niya. Dahan dahan siyang lumapit sa kama at ganun din kami.

Gaya nila, hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Naguguluhan kami sa ginagawa ni Dhine

Hinawakan niya yung kamay ng kapatid niya, "Yung dugo ko.." umukit sa kanyang mukha ang isang ngiti na siya ring nagpangiti sa amin kahit gulong gulo kami sa nangyayari,

"Nararamdaman ko. Kumikibo na siya!" sabi niya sa amin habang nakangiti

Lumapit sa akin si Dhine at nakita ko na naiiyak na siya kaya niyakap ko nalang siya, "Buhay siya. Buhay ang ate ko" umiyak na nga siya.

Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko yung paglakas ng tibok ng puso niya dahil sa tuwa.

Hindi ko alam pero bukod sa may pulso na si Khine, sa ibang dahilan pa ako natutuwa

Nakita namin na nabubuhay na yung buhok niya. At bumabalik na sa dati yung kulay ng katawan niya.

Umupo naman si Jag sa tabi niya at hinawakan yung kamay ng prinsesa niya. Halata sa mukha niya yung saya na nararamdaman niya na naiiyak.

Grabe.. nababakla ang pare ko. Hahaha

Kumalas sa akin si Dhine at tinignan ang ate niya. Nakangiti na rin si Ilecs yakap yakap yung laruan niya. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko sa tuwa.

Buhay siya...

Napatingin ako kay Ledgas na hindi parin makapaniwala sa nakikita niya. Maski ako hindi parin naniniwala.

Nawala yung ngiti ko nang nataranta si Jag at hinawakan nang mabuti si Khine, "Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kung magpapatuloy ito, baka sumabog yung puso niya" natatarantang sinabi niya sa amin.

Lumapit na kami kay Khine at hinayaan si Ilecs na tulungan siya. Nakita kong naikuyom ni Khine yung mga palad niya at nagsimula na siyang magwala. Hinawakan namin siya sa mga kamay at paa at nakikita ko rin sa mukha niya yung sakit na nararamdaman niya ngayon

Nakapagtataka kung bakit ngayon lang nagreact ang katawan niya sa lason ng laway ni Dhine. Dahil ba tuluyan nang namatay ang dugo niya bilang isang bampira at napapalitan na ito ng dugo ng lobo?

"Kaya mo yan ate" sabi ni Dhine habang hinahawakan yung noo niya. Kahit na hindi nakakagawa ng ingay si Khine, nandun yung--

"Kumalma na siya..." natutuwang sinabi ni Ilecs kaya dahan dahan naman naming binitawan yung kamay niya. Kumalma na siya.

Napatitig ako sa mukha ni Khine na sobrang kalmado na ngayon, "K-khine?" tawag ni Ledgas

Lahat kami nagulat nang iminulat na niya ang mga mata niya at the same time, natuwa kami sa nakita

Mga matang asul na nagpapatunay na isa na siyang isang lobo

***

"Kumain ka nang marami. Oh ayan. Pati itong gulay. Aba... ang payat mo oh" natutuwa talaga ako dito sa dalawang ito. Si Jag kasi, pinipilit pakainin si Khine ng marami. Eh kakakain niya lang. Tapos ito na naman siya

"Hindi.. gusto niya ng cake. Diba onee-chan?" at sumulpot namang ito si Ilecs, "Hmm.. maghati nalang tayo dito. Eh? Paano naman yung strawberry? Hindi pwedeng hatiin kaya akin nalang.

Napansin ko ang pagkainis ni Khine hahahaha

"Hindi naman magagalit si onee-chan. Pero gusto ko nang cake..."

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon