Hegamon's POV
"Mr. Wolf is very sad. Because... because" hindi na napigilan ni Ilecs ang pag iyak habang yakap yakap niya yung binigay ni Khine na laruan sa kanya, "Miss ko na si onee-chan! Wahhh! Huhuhuhu" niyakap niya ako at umiyak na siya sa mismong damit ko
Hindi ko alam kung napatawad na kami ni Khine sa ginawa naming paglilihim sa kanya. Ako? Ayos lang na magalit siya sa akin. Kasi alam ko naman na mali ako at mali kami
Alam kong sinubukan ni Ilecs ang makakaya niya para tulungan si Khine na mabuhay pero... ito parin ang naging resulta
Kahit na hindi kami pabor sa desisyon ni Dhine at Jag, nangyari na ang nangyari
"Aalis na po ako para ibalik ang mga tao ko sa kaharian." napatingin ako kay Sunshine na nakayuko kay Jag. Simple lang siyang tumango kaya umalis na siya
Simula nung araw na yun, nung nabaril si Khine, bumalik na ang kapayapaan sa mga kaharian naming lahat. Gaya ng sinabi ni Ledgas, tinupad niya nga ang sinabi niya. Wala ni isang bampira ang umatake sa mga kaharian namin. Ngayong araw din naming opisyal na idineklara na ligtas nang umuwi ang mga tao namin
Naaalala ko pa yung araw na kinagat ni Dhine si Khine para gawin siyang lobo
Kinabukasan ng araw na yun ay bumalik si Ledgas para bisitahin ang kapatid niya pero...
"Hindi mawawala ang epekto ng laway ko sa katawan niya! Alam kong meron parin kaya mas lalo siyang mamamatay dahil sa laway mo!"
"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na siya kumikibo!"
Hindi parin pala niya matanggap na kinagat siya ng isang lobo.
Isa pa, hindi niya rin ipinapaliwanag sa amin ang relasyon nila ni Khine.
Ilang araw na ang nakakalipas, hindi parin kumikibo si Khine. Wala kaming naramdaman na pulso sa kanya. Kahit amoy ng pagiging loboniya, wala eh.
Kaya ngayon... nandito kami sa kwarto niya. Nagbabakasakaling magising siya. Kahit na nandito ang mga magulang niya, walang paring pag asa. Bakas nga sa mukha ng mahal na hari ang pagsuko
Nakahiga si Khine sa kama niya at nakapatong sa tiyan niya ang mga kamay niya.
Malapit nang sumuko ang mga magulang niya pero nananatili parin si Jag sa tabi niya. Ayaw niyang sumuko.
Hindi rin namin naaamoy si Ledgas sa paligid pero alam kong binabantayan niya parin ang kapatid niya,
"Bakit ganun?" napatingin kaming pareho ni Ilecs kay Jag, "Bakit mo ako niligtas? Bakit?" hindi na ako matatawa o malulungkot sa pag iyak niya
Mahal niya yung tao. Syempre nalulungkot siya. Pati rin naman kami na kaibigan niya, "Onii-chan, sa tingin mo, gusto ni onee-chan ang cake?" sabi ni Ilecs, "Natutulog lang siya diba?" tumingin siya sa akin pero pinat ko nalang yung ulo niya at ngumiti ng pilit
Hindi ko masasabi kung natutulog lang siya kasi hindi kumikibo ang puso niya...
***
"Wala na tayong magagawa! Kahit anong gawin natin, hindi na siya magigising!"
"Sumusumuko ka na dahil hindi mo siya tunay na anak?! Noon lang ang ganda ng turing mo sa kanya ah!"
"Noon lang yun! Iba na ngayon!"
"Daesth.. ni minsan ba itinuring mong tunay na anak si Khine? O ganyan lang ang pakikitungo mo dahil gusto mo siyang mamuno ng Nsihire?" hindi nagsalita ang hari at umiwas lang ng tining
"Bahala ka sa buhay mo!"
Nakita namin na umalis na ang reyna. Sa galit ng hari ay ginulo niya ang buhok niya at napasuntok sa kanyang trono.
Dahan dahan namin sinara yung pinto. Napasandal nalang ako doon tapos tinignan naman ako ni Ilecs.
"Sa tingin mo, love ni king si onee-chan?" tanong niya at napahigpit naman yung yakap niya sa laruan niya, "Bakit pa kasi hindi nagigising si onee-chan? Hindi naman ako nagkamali diba? Wala na yung bala diba?"
Hinaplos ko ang ulo niya, "You did well Ilecs kaya wag mong sisisihin ang sarili mo okay?" dahan dahan naman siyang tumango
Yung pagsasagutan na narinig namin kanina, galing yun sa mga magulang ni Dhine. Mag iisang linggo na kasi siyang nakahiga. Nagsisimula nang mamatay ang katawan niya. Yung buhok lumalagas na. Tapos namumutla na ang buong katawan niya. Kaya naiintidihan ko ang nararamdaman nilang dalawa
"Ilecs, tapos na tayo sa mga bampira." sabi ko sa kanya, "Tapos na ang trabaho natin. Babalik na tayo--"
"Ayoko ayoko ayoko! Gusto kong kasama si Onee-chan! Gusto ko na maglaro kaming tatlo ni Mr. Wolf!" sigaw niya sa akin tapos tumakbo papunta kay Khine. Umiyak siya doon sa tabi niya
Hay. Hanggang kelan ba kami maghihintay?
Naglakad ako papunta sa kama niya nang mahagilap ng mata ko sa may bintana. Mga bampira at lobo. Napansin na rin ni Dhine at Jag ang presensya nila kaya nagmadali silang bumaba. Sumunod na rin kami sa kanila
"Anong ginagawa niyo dito?!" teka... si Ledgas ba yun? Bakit siya.. nandito?
Akala ko ba wala nang gulo?
"Kelan pa nagkasundo ang mga lobo at bampira?" galit na tanong nung isang babae mula sa panig ng mga bampira. Yung kinalaban noon ni Dhine, si Fay
Nandito naman ang mga lobo ang nakaharang sa may pinto ng kastilyo, "Tumigil ka na Fay! Tandaan mo na ako ang prinsipe ninyo kaya umalis na kayo dito! Wala kayong karapatan na manakit pa ng ibang tao!" sagot ni Ledgas. Teka, hindi nandito si Ledgas para gumawa ng away?
Tama ako. Yung babaeng muntik nang matalo mula kay Dhine
"Prinsesa siya ng mga bampira pero naging lobo siya?! Isa yung paglabag ng ating--"
"Isa pang salita Fay, mapapatay na kita" seryosong saad ni Ledgas kasabay ang matulis niyang tingin. Natahimik naman si Fay at tumakbo na papunta sa kagubatan
"Bakit ka nandito?" galit na pagtatanong ni Jag kay Ledgas. Humarang naman si Dhine sa gitna nila dahil sa alam niyang gulo ang pahahantungan nito
"Kalma lang Jag. Bibisitahin niya lang sana si Ate Khine pero nasundan siya nung Fay. Wala siyang balak manggulo, diba nangako siya?" pagliliwanag ni Dhine nang makita ang mga mata ni Ledgas.
Ngumiti naman si Ledgas ng pilit at tumango nalang si Jag pero halata mo parin sa kanya yung galit
Walang nagsalita sa amin habang naglalakad kami paakyat ng kwarto ni Khine. Kung pwede lang masasapak ko na talaga ang Ledgas na to eh. Nakakapanghinayang lang kasi ang tahimik niya. Noon lang sobrang obssesed niya kay Khine
Napatigil kami ng tumigil si Dhine sa harap kaya nagtaka naman kami, "Anong problema?" tanong ni Jag sa kanya
Tapos bigla nalang siyang tumakbo ng mabilis papunta sa kwarto niya.
"Teka Dhine!" sigaw namin. Hindi na namin siya naabutan pero masama ang kutob namin
Papunta siya sa kwarto ni Khine
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?