Nanatili lang akong nakatayo dito sa gitna habang iniisip ang bawat salitang sinabi niya sa akin
Wag akong sumagot ng 'oo'? Para saan? Paano kung gusto ko nang pagkain?
Napatingin ako sa gawi ni Jag na malungkot ang mukha at lumapit sa akin. Tapos na pala siya.
Lumapit siya sa akin at yumuko. "Maari ba? Mahal na prinsesa?" mahinang banggit niya. Nagseselos ba siya? O sadyang ayaw niya na isayaw ko yun?
Inabot niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun. Pinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko at hawak hawak niya yung kaliwang kamay ko. Yung kanan ko naman, nasa balikat niya
Nagsimula na kaming sumayaw. Dito na ako kinakabahan... kung ano ang susunod dito. Mangyayari ba o hindi mangyayari? "May problema ba?" tanong niya. Umiling ako
"Ikaw. Meron" sabi ko sa kanya. Umiwas lang siya nang tingin at napansin ko na namula yung pisngi niya
"Jag.." banta ko. Huminga muna siya nang malalim,
"Dapat kasi ako yun eh. Yun yung moment natin. Pero sumingit yung lalaking yun. Tapos yung Hedgehog na yun, kinuha yung first dance mo" sabi niya at nagpout pa. Hahaha
"Okay lang. Last dance naman kita. Sabi nila, mas memorable daw yung last dance" sabi ko nang may ngiti. Ngumiti na rin siya siya umiwas ng tingin.
"Ang ganda mo ngayon" sabi niya kaya umiwas ako nang tingin kasi alam ko na kulay kamatis na yung mukha ko
Hindi ko alam pero ako lang ba ang nakapansin na pinagpapawisan na si Jag? Malamig kaya ngayon.
Tumigil si Jag at binitawan yung kamay ko. Tinanggal niya narin pagkakahawak niya sa bewang ko kaya nagtaka ako. Napatingin ako sa paligid dahil nag iba yung presensya na nararamdaman ko. Bakit ang weird nila
Lumuhod si Jag na yung isang tuhod. Teka..
Bakit... nangyayari ito—
Wag mong sabihin na..—
Napipilitan lang siya diba? Hindi niya gusto ito. Parte lang ito ng Royal Book—
"Princess Khine. I've been always by your side," anong pinagsasabi niya? Bakit siya nakaluhod?
"Alam ko na, naging mayabang ako. Pero.. alam mo ba na matagal na akong may gusto sayo? Simula noong bata pa tayo." anong bata? Wala nga akong natatandaan sa nakaraan ko! Anong nangyayari? Andami ko nang naiisip. Sumasakit na ang ulo ko
Tumingin ako kay mom at dad. Nakangiti lang silang nanonood. Si Dhine..— umiiwas siya nang tingin.
Wag niyong sabihin na...
Nilabas niya ang isang maliit na kahon galing sa bulsa niya at binuksan yun. Nakita ko ang isang magandang singsing, "Princess Khine, para sa kaharian natin, para sa mga tao. At para sa akin.. maaari mo ba akong pakasalan—"
Ito ba yung sinasabi ni Ledgas kanina na wag akong sumagot ng oo?
Hindi naman talaga ako sasagot ng oo eh! Ito lang naman ang ayokong mangyari sa gabing ito. Andami pang nanonood sa amin...
"Anong nangyayari?" tanong ko. Napatayo si mom at dad, "Papakasalan mo ako?" natatawang sinabi ko kahit na sa kaloob looban ko ay nasasaktan na ako sa nangyayari. Ano baang karapatan nila para magdesisyon kong ano ang gusto ko? Kung ano ang gusto ni Jag? Gusto ko ni Jag? Pagsisinungaling na naman ba ang magiging ugat ng kasalan na mangyayari?
Tumayo si Jag at hinawakan yung kamay ko pero inalis ko yun. Nagulat ang lahat sa nangyari. Ako rin. Nagulat rin ako
"Jag hindi ba nabanggit mo na may mahal kang iba? Napipilitan ka lang hindi ba? Napilitan lang tayo. Kaya nating maghanap ng ating mahal nang walang pumipigil o nagtutulak sa atin" sabi ko sa kanya. May gusto ako kay Jag pero hindi na ito patas. Hindi na ito patas sa kanya
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?