Vampire Princess 13 - Pinky Promise

3.9K 89 0
                                    

Khine's POV

May nakita akong bata. Dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Masaya silang naglalaro.

Ako ba yung babaeng yun?

Panaginip lang to diba?

"Sabi nila, ang pinky promise daw ay isang mabisa na pangtago ng mga secret"

"Talaga?"

"Mm.. mmm.. Kasi kung hindi siya tumupad sa promise, dapat macut yung pinky finger niya"

"Gumawa tayo ng promise. Dapat magkasama tayo hanggang sa huli. Walang iwanan"

"Agree! Pinky promise?"

"Pinky promise" pinagdikit nila yung pinky finger nila

Nakarinig ako nang kaluskos kaya napatingin ako sa damuhan. Nakita ko naman nang isa pang lalaki na masama ang tingin sa lalaki.

Naalala ko na. Ako yung babae si Ledgas ang palagi kong kasama ko noon. Yung isa pang lalaki na nakita ko... ay si Jag

...

"Wag kang mag alala. Hindi ka na iiyak pag kasama mo ako. Ako si Ledgas Rehuby ang proprotekta sayo kaya tahan na"

Napatawa ako sa inaasal ni Ledgas. Pinunasan niya yung luha ko,

"Pinky promise?"

"Pinky promise"

Tatlo na silang naglalaro. Kasali na si Jag pero tahimik lang siya. Kahit na tahimik siya, palagi namang masama ng tingin niya kay Ledgas tuwing magkasama kami.

...

Napunta ako dito sa bubong. Nakita ko na naman yung sarili ko kasama si Ledgas

Pinagmasdan ko sila. Ganito pala ang mukha ko noong bata ako. At ganito rin pala kay Ledgas. Parang walang nagbago sa itsura niya ngayon. May pagkasungit pero alam mong mabait siya.

"Kapag sumasapit yung full moon, yayakapin kita ha?" sabi ni Ledgas

Napatingala ako. Ang ganda nga ng full moon.

"Oo. Kasi malamig" sagot ko naman

"Hindi. Yayakapin kita kasi ***** kita" tapos niyakap ako ni Ledgas

Yayakapin ako ni Ledgas kasi ano? Parang burado parin. Ano ang gusto niyang sabihin? Hindi ko magawan ng salita ang gusto niyang ipahiwatig. Parang sirang radyo na nagpapalabo sa mga sinasabi ni Ledgas

...

"Maglalaro pa tayo diba?" tanong ng sarili ko kay Ledgas

"Ayoko na." sagot naman niya

"Bakit naman?"

"Kasi kalaro natin yung lalaking yun"

Tinutukoy niya siguro yung isa pang lalaking kalaro nila. Si Jag

"May galit ka ba sa kanya?"

Si Jag

"Oo. Inagaw ka niya sa akin"

....

"Ledgas.. babalik ka diba?"

Naiiyak na tanong ko sa kanya

"Oo. Para sayo, Khine."

"Ayoko nang nag iisa. Alam mo naman yun diba?"

"Babalik ako. Pangako."

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon