Napapadalas na yata yung pagbibisita nila Mon Mon sa akin? Ang cold nga ni Jag sa akin. Hindi man lang niya ako pinapansin. Noon lang... ang saya namin. Nagtatawanan pa kami. Ngayon... ang laki ng pinagbago niya.
Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganyan nalang ang ugali niya bigla?
Ahh...— oo nga pala. Naalala ko na yung nangyari noon at may gusto sa akin si Jag pero may pinili ko si Ledgas.
"Onee-chan..."
"Ay lollipop!" hindi na ako nagugulat pero sinusubukan ko paring umakto na parang nagugulat parin ako. Alam ko na nasa paligid lang sila
"Lollipop? Gusto ko. Gusto ko" sabi niya habang nakapuppy eyes. Hinihila hila pa niya yung damit ko. Itong batang to talaga. Mas bata pa sa bata. Tsk.
"Ilecs." sabi ko sa kanya. Nagningning naman yung mga mata niya at akala niya siguro, bibigyan ko siya, "Bakit ka na naman nandito, ha?" tanong ko sa kanya. Unti unti namang lumukot yung masiyahin niyang mukha.
"Wahhh! Onii-chan, onii-chan! Ayaw sa akin ni Alona-chan!" naiiyak na pagtatawag niya kina Mon Mon at Jag
"Alona.. -_-" yan nalang ang nasabi ko at napatingin kay Ilecs ng walang emosyon
"Gabi na Ilecs. Tara na matulog na tayo" sabi ni Mon Mon kaya nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Take note: hindi ako natutuwa -_-
"Meron naman kayong kaharian ah. Bakit dito pa?" tanong ko sa kanila. Pero hindi lang nila ako pinansin at sinamahan sila ng maid na pumunta sa mga kwarto nila, "Lumayas kayo dito! Naman eh" nagdadabog pa ako doon mag isa.
Ano bang ginagawa nila? Naninira yata sila ng buhay eh.
Pumasok na nga ako sa kwarto ko at napatingin sa bintana. Katatapos lang ng full moon. May isang buwan pa bago magfull moon ulit. Pero ang ikinatatakot ko, ang red moon at ang eclipse. Ayokong makapatay. At ayoko rin mamatay
Ano kaya ang masasabi nila tungkol sa bampira? Sina Jag, Mon Mon, Ilecs, si mom at dad at si Dhine. Alam kaya nila ang tungkol sa mga bampira? Galit kaya sila sa mga bampira? Paano na ako?
"Matulog ka na, prinsesa ko"
Napaangat ako nang tingin ng makita ko siya. Agad akong tumayo at hinarap siya. Sa wakas at nagpakita na siya ulit sa akin, "Ledgas..." niyakap ko nalang siya dahil...—
Niyakap niya ako pabalik at hinalikan yung buhok ko bago kumalas, "Patawad. Hindi ako nagpaparamdam sayo." nakangiting sinabi niya pero halata mo na malungkot talaga siya. Dahil ba sa kahinaan niya? Sa araw?
Napatingin ako sa kamay niya na may singsing at may gem sa gitna. Hindi siya tinatablan pero, "Ano ang ginawa mo at bakit hindi ka nagparamdam?" tanong ko. Pinaupo niya ako sa kama ko at kinuha niya naman yung upuan doon sa gilid— ng hindi hinahawakan.
"Sa mga sayang nararamdaman naming mga bampira, may kapalit naman itong hinanakit. Meron tayong mga kalaban, prinsesa ko. Kaya proprotektahan kita" sabi niya. Kahit naman na sabihin niya sa akin kung hindi naman niya sasabihin ang totoong rason. Hindi ko siya maintindihan
Kalaban?
"Sino?" tanong ko
"Huh?" pagtatama niya
"Yung mga kalaban, natin" sabi ko sa kanya. Hindi pwedeng siya lang ang pwedeng lumaban. Siya nalang ba?
"Tatanggapin mo ba ang binigay ko sayo?" kalmadong sagot niya. Napaiwas nalang ako ng tingin kasi hindi ako sigurado. Yung pagiging bampira ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/31637816-288-k504667.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?