Argh! Yung Punish na yun! Sino siya para takutin ako gamit ang daga dahilan para mahulog ako sa fountain?! Nakita pa ako ng mga butlers at maids kaya nakakahiya.
"Khine?" kumatok si mom sa pinto ko
Paikot ikot lang ako sa loob ng kwarto ko dahil sa inis ko. Bwisit talaga nung Punish na yun. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Kakayanin ko to. Tatapusin ko ang Royal Challenge ng wala siya
Binuksan ko yung pinto kaya medyo nagulat si mom nang makita niya ako
"Teach me," napabuntong hinga siya at nagsimula nang maglakad kaya sinundan ko naman siya
Mas mahigpit si mom magturo kesa kung sino man. Si Jag, salita ng salita. Masyadong madaldal. Nakakairita sa tenga
Ilalagay ko na nga lang ang galit ko sa libro.
May hawak si mom na stick na pinapalo sa likod ko pag mali yung posture ng likod ko.
"Aray naman" napadaing ako dahil nagpatong na naman siya ng libro sa ulo ko. Pinalo niya sa likod ko yung stick at napapikit nalang ako
"You asked me to do this" tama siya. Kailangan kong tiisin lahat ng 'to
Naglagay ulit siya ng dalawang libro sa magkabilang kamay ko
Hindi na ako nakapagreklamo. Reyna na ang gumawa. Hindi mo na siya matiis. Lalo na si dad. Hindi matiis si mom sa malakas niyang boses
"Time for your break!" she said. Naluwagan ako sa sinabi niya. Sinabihan ni mom yung mga maid na tanggalin yung libro na nasa ulo at kamay ko. Huhuhu. Sakit na nang likod ko! Hindi ko talaga sanay to T^T
Wala dito si dad. Pumunta siya sa ibang kaharian para mapag usapan ang iba pa tungkol sa kanya kanya nilang kaharian.
Pagkaupo ko.. "Ehem." pagtatawag niya sa akin nung agad kong hinawakan ko na yung tinidor at tinusok yun sa beef. Ang arte!
Nagroll eyes lang ako bago ko pinatong yung puti na panyo sa lap ko. Wooh! Gutom na ako
Hinawakan ko na yung tinidor nang tinawag na naman ako ng mom sa pangalan ko. Hindi na ba ako papakainin ni mom? Huhu
"Dapat maging maarte ka pagdating sa paghawak ng mga kagamitan sa hapagkainan" sabi niya. Hinawakan niya yung tinidor at maarte niyang hiniwa yung beef gamit yung kutsilyo. Na.. nakataas kaunti yung hinliliit niya
Kailangan ko bang gawin yan kapag kumakain? Buti pa si Dhine wala dito. Tinignan niya ako na sinasabing gawin ko yun.
Hinawakan ko yung tinidor na nakataas yung pinky ko kahit na hindi ako komportable. Nung una, hindi ko maideretso sa bunganga ko. Muntik ko ngang mabasag yung baso kanina.
Pagkatapos naming kumain, pinunasan ko nang husto yung bibig ko nang tinignan ako ng masama ni mom. Alam mo yun ang arte talaga ng nanay ko? Yung pagpunas niya ng bibig niya, parang tap tap lang? Paano niya mapupunasan yun dumi?
Ginaya ko nalang siya nang mahulog yung panyo. Pinulot ko yun at nagclear throat na naman siya, "Wait for the maids to pick that for you. Not you" she said
....
"Mom.. siguro tama na.. yung lima. Hindi... ko na.. kaya" reklamo ko nang pinalo niya yung stick sa likod ko
"Five is the minimum. 8 is the maximum."
"Mas liliit ka kung ganun mom. Hindi mo ba naiisip?" sabi ko sa kanya. Nag isip isip muna siya bago tanggalin yung mga libro.
Phew..
Tumayo ako ng maayos nang ibigay sa akin ni mom ang isang pares ng 6inch heel. "Then show me" sabi niya. I sigh. Pinaniwalaan niya talaga ako. Naniwala talaga siya
Nakasuot lang ako ng doll shoes nung birthday ni Dhine kasi hindi ako sanay sa heels. Kaya nga yun ang advantage ng pagsusuot ng dress kasi maitatago yung paa mo. Hehe
Sinuot ko na yung heels at tumayo. Humakbang ako ng isa at parang matutumba na ako. Pero sinubukan ko ulit at nakatayo ako ng maayos.
Naglakad ako na suot yung heels kahit masakit sa paa. Ayokong ipakita kay mom na nahihirapan ako. Ayokong ipakita na hindi ko kaya. Kasi ang iniisip ko lang ay ang... kaharian namin.
"Good job, my dear daughter. Keep it up. Iiwan na kita dahil kaya mo naman yan mag isa" said mom and left. Agad kong tinaggal yung heels ko habang pasilip silip pa ako sa labas. Napapatawa naman yung maids sa ginagawa ko
Tapos umupo ako bigla sa sahig para matakpan yung paa ko at nag ayos naman yun mga maids nang pumasok bigla si mom, "And.. be ready for tomorrow. Mag iikot ka sa kaharian para sa mga tao. Everyday. Understood?" tumango ako tapos umalis na siya.
I'm exhausted! Damn this Royal Challenge. Wala na ba akong oras magpahinga? Ano ba kasi ang meron sa mga challenge na yan na pinapagawa sa mga prinsesa at prinsipe. Kung gusto nila ang anak nila na maging prinsipe o prinsesa, dapat tanungin fin nila ang mga anak nila kung gusto nga ba talaga dnila. I mean... ako lang naman ata ang may hindi gusto sa pagiging prinsesa. Tapos, yung archery pa na gagawin ko sa harap ng ibang Royal Family para maipakita ko na pwede akong maging prinsesa ng kaharian na toh? Ano ba ang koneksyon ng pana sa titulo mo?
....
"Mom, I don't want to—"
"Khine, for me. For our kingdom. Please" she pleaded. I sighed.
Hindi siya makakasama sa akin. Yung kapatid ko lang. Handa na ang mga tao sa pagbibisita namin sa kanila. Hinihintay na nila
Lumabas na ako at inalalayan ako papunta sasasakyan namin kung saan, walang bubong, walang bintana, upuan lang ang nandun at mga kabayo sa harap.
Kumaway kaway lang kapatid ko habang nakatunganga naman ako. Sinikuan niya ako at sabihing gawin ko ginagawa niya kaya napilitan na ako
Hindi ko lubos maisip na, ang ganda pala dito. Hindi kasi ako hinahayaan ni mom at dad lumaas ng castle. Hindi pa ako nakakalabas. Hindi ko pa nabibisita ang mga tindahan dito sa labas ng bahay.
Inside the castle, you are being praised. Binabantayan na parang bata. Dalaga na ako! Bakit pa kailangan ng bantay? Buti pa ang mga tao dito, nakangiti silang lahat. Nakakangiti na walang pumipigil sa kanila
I just realized...
I want to stay here outside the castle.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?