Vampire Princess 40 - King and Queen

3.9K 73 0
                                    


"Ako si Kinara Ecahausta, ay dinedeklarang isa nang ganap na reyna si Khine Alona Ecahausta!" pinatong ni mom yung korona niya sa ulo ko. Nakayuko parin ako at hinihintay si Jag

"Ako si Dino Pusnih, ay dinedeklarang isa nang hari ang dating prinsipe na si Jag Dwayne Pusnih!"

Tumayo kami ni Jag at sabay na nangako sa harap ng tao namin. Pagkatapos nun ay nagpalakpakan na sila, at nagkanya kanya na sa handaan

Magkahawak ang kamay namin habang nakangiti sa nagawa namin. Isa na kaming hari at reyna. Magsasama na ang kaharian namin. Tumayo si mom at dad sa upuan nila, at pinaupo kami doon. Nakatayo naman sa gilid namin si Dhine at Mon Mon

Yumuko ang mga magulang namin ni Jag sa harap namin at nagpunta na sa handaan. Hay. Iba na talaga pag reyna at hari na kayo. Yumuko rin lahat ng taong nandito sa loob sa amin. Hanggang sa umayos na sila at nagkanya kanya

"Bukas na bukas, magsasama na ang mga tao mo dito. Dahil sa malaki laki naman itong palasyo ko, dito na sila titira" sabi ko sa kanya.

"Mhmm.." napatingin ako sa kanya

"May problema ba?" tumingin naman siya sa akin at umiling. Hinawakan niya nag kamay ko

"Sobrang saya ko lang talaga ngayon," sabi niya sa akin kaya napangiti din ako. Ako din, sobrang saya ko din

"Diba hindi ka pa nakapunta sa kaharian namin?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Kalahating oras lang ang biyahe papunta doon kaya hindi na kailangan na tumira sila dito at pag isahin sila." sabi niya, "May istorbo kasi" rinig kong bulong niya

"Ganun ba?" napatingin ako sa mga taong nagsasayawan sa harap namin, "Bibisita ako doon bukas ha" sabi ko. Nakita ko namang tumango siya

"Ate.. ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman mo noong nakatayo ka dito" napatingin ako kay Dhine na parang estatwa na nakatayo

"Nagreklamo ka pa" rinig kong sinabi nung kabila

"Tumahimik ka diyan"

"Ikaw ang tumahimik"

"Rinig parin kita kahit bumulong ka,"

"Aish. Eh kung isayaw niyo nalang yan?" sabi ni Jag sa dalawa

"Yan? Bro, baka tapakan pa yung paa ko eh"

"Isa Hedgehog, ipapapatay kita mamaya" nagtonong prinsesa naman si Dhine kaya ayun. Natahimik si Mon Mon. Hahaha

Tumayo si Jag at lumuhod sa harap ko, "Maaari ba? Aking reyna?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Kinuha ko naman yun at tumayo na

Nakakapanibago sa sarili ko. Parang... isa parin akong prinsesa pero mas mataas nga lang yung posisyon ko.

Sigurado naman ako na... kayang kaya ko

"Ano ang iniisip mo?" napaangat ako ng tingin nung nagsalita siya

"Wala. Hindi lang ako makapaniwala na gagawin ko na yung ginagawa ni mom" sabi ko at napasandal sa dibdib niya

"Ang maki-away sa hari?" hinampas ko siya at natawa kaming dalawa, "Ako rin eh. Hindi ko pinangarap na maging prinsipe o hari. Pero kung ikaw ang prinsesa ko, kahit ano gagawin ko para maging prinsipe" natawa ako sa sinabi niya. May halo pang pagmamalaki yung boses niya eh

Habang nagsasayaw kami, napatigil ako nang mapansin kong nandito na yung dalawa at nagsasayaw dito sa gitna. "Ayaw pala ha..." bulong ko na narinig naman ni Jag

"Masakit na ba yang paa mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa paa ko. Ngumiti ako ng pilit kasi totoo yung sinabi niya. Hindi talaga ako sanay magsuot ng magarang sapatos

Hawak hawak niya yung kamay ko na umupo ulit at pinanood namin yung dalawa. Alam ko na balang araw, magkakaroon na ako ng pamangkin. Hahaha. Hindi pa kasi nila maamin. Tsaka... sa susunod na buwan, ikakasal na sila. Alam ko na sa isang buwan nilang mag aaway, magsasawa din yan.

"Gusto mo na bang magkaroon ng little prince?" napatingin ako kay Jag na saktong sobrang lapit naman ng mukha niya sa akin

"E-eh? A-anong little prince ka diyan?" sabi ko at nilayo ko yung mukha niya.

"Gusto mo na bang matulog? Kasama"

"Ahhh.. Hehehe. Pagod ako Jag. Tsaka, wag na muna natin gawin yang iniisip mo ha? Bata pa tayo." sabi ko sa kanya at sinamaan ng tingin, "Porket kasal na tayo leche ka" dagdag ko pa. Tumawa naman ang loko

"Eh para pang reserve kapag si Hedgehog at Dhine na yung hari at reyna, diba? Tapos yung prinsipe na--"

"Aish. Ano ba talaga ang gusto mo? Wala kang binalak na maghari no kundi yung kasal lang talaga" sabi ko. Umupo naman siya ng maayos dahil buking siya

"Sino ba naman ang may gusto na maging hari? Ako yung pinakaimportante pero ako yung pinakamahina. Parang sa chess lang." pag iinarte niya sa upuan niya

"Little prince little prince ka pa diyan" bulong ko naman at pinatong ko yung kamay ko sa mga palad ko. Gumalaw ng konti yung korona kaya umayos ako. Medyo mas mabigat pala ito kesa sa dati

Magkahawak ng kamay na bumalik dito si Dhine at Mon Mon kaya ngumiti ako ng nakakaloko. Yumuko sila sa amin bago bumalik sa pwesto, "So... ano na Dhine?" pang aasar ko sa kanya

"Mabuti nga at nagka-usap kami ng maayos" sabi niya. Napatingin ako sa kanya at ngumisi

"Tungkol sa kasal niyo?" nakita ko naman na namula siya kaya nalatawa ako, "See? May gusto ka pala sa kanya eh,"

Natahimik siya bigla kaya tumahimik na ako, "Siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag na ikasal kami ni Jag para sa mga wolves" bulong niya

"At alam ko na napipilitan lang siya sa gagawin namin. Sinabi niya sa akin kanina na para lang daw sa Owhana ang gagawin niya" napabuntong hinga pa siya sa huli

Eh? Para saan naman yung sinabi ni Mon Mon sa akin bago nung kasal ko? Umamin na siya eh pero hindi lang nagsink in yung sinabi niya. Hay. Hindi na nga lang ako makiki-alam. Baka mas lalo pang lumala yung sitwasyon nila

Nakita namin si Ilecs na papunta sa amin. Pormal na pormal siyang naglalakad. Teka... ito na ba ang pagbabago niya?

Yumuko siya sa harap namin tapos tinignan kami. "Onee-chan! Onee-chan!" naglakad siya ng mabilis at niyakap ako

Akala ko pa naman binata na siya eh! Yun pala... bata siya. Okay. Naintindihan ko na na bata siya. "Huhuhu. Bakit ganun? Ako nalang ang hindi kasama sa inyo!" hala. Ang childish. Nagkatinginan kami ni Jag tapos ngumiti

"Ilecs.. kahit na wala kang maipapayo sa amin, pwede kitang gawin na tagapayo. Para makasama ka sa amin everyday" sabi ko. Inangat niya yung ulo niya at nakita ko yung teary eyed niyang mukha.

Tapos noong nagsink in sa kanya yung sinabi ko, ngumiti siya ng malaki at niyakap ulit ako, "Yey! Yey!"

Napatawa nalang kaming apat at natahimik din

"Dito na ba magtatapos?" tanong ni Mon Mon pero nakatingin siya sa mga bisita namin

Napatingin din ako sa mga tao

Siguro..

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon