Khine's POV
Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang magising ako.
"Hinihintay mo parin?" rinig kong tanong ni Jag sa akin. Umupo siya sa kama ko. Tumango ako naman ako sa tanong niya at ngumiti
Napansin ko ang presensya niya pagkapasok niya sa kwarto. Ang pagiging lobo, ay kakaiba sa pagiging bampira. Iba ang nararamdaman ko. Parang mas mahina lang ang kakayahan ko kumpera sa pagiging bampira pero pero hindi na ako pwedeng bumalik pa
Mas malakas parin talaga ang taglay na kakayahan ng mga bampira kesa sa mga lobo. May kakayahan ang isang uri na wala sa iba kaya ang dalawang angkan ay parehong malakas
"Kailangan ko siyang makausap. Tungkol sa tunay kong pagkatao," sagot ko naman sa kanya at umupo malapit sa bintana ko.
Humingi ako ng tawad sa lahat dahil sa inaasal ko nung araw na nakatali ako. Naging makasarili ko. Tanging kasiyahan ko lang ang iniisip ko. Ni hindi ko man lang magawang isipin ng mabuti kung bakit nga ba talaga nila nagawa ang mga bagay na yun
Masakit malaman ang lahat pero alam ko na nasaktan din sila sa desisyon na nagawa nila— sa desisyong hindi nila kontrol
Balita ko na tumigil na ang pag atake ng mga bampira sa mga kaharian namin kaya umuwi na ang mga tao nila Jag, Hegamon, Ilecs, pati narin si Sunshine.
"Ano pala ang... desisyon mo kay Sunshine?" tanong ni Jag sa akin
Dahil sa isang lobo na ako, pwede na nilang ipaubaya sa akin ang desisyon sa kung ano ang parusa ni Sunshine sa ginagawa niya sa akin. Pero para sa akin, hindi ko parin maintindihan kung bakit
Umiling ako, "Lobo na ako ngayon Jag. Bampira ako noong nangyari yun kaya wala sa akin ang desisyon. Isa pa, naintindihan ko naman ang nararamdaman ni Sunshine noon. Hindi niya kasalanan," napatinging ako sa kanya, "Papatawarin ko siya, sana kayo rin" napabuntong hinga naman siya
"Susubukan ko," sabi niya lang
Hindi parin ako kinakausap nila mom at dad. Naiintindihan ko dahil wala din silang magawa kundi ang tanggapin kung ano ang nangyari sa akin—sa desisyong nagawa ni Dhine. Ang magandang balita ay hindi pinarusahan ang kapatid ko sa ginawa niya. Isa pa, tuturuan niya daw ako sa mga gawain ng mga lobo at gagawin niya akong kanang kamay niya. Yay! Hindi na ako makapaghintay hehe
Tumayo siya at nilapitan ako, "Iiwan muna kita," hinalikan niya ang noo ko, "May bisita ka"
Pagkasabi niya nun ay may kumatok sa pinto ko. Ngumiti naman ako at hinayaan ang taong kumatok na pumasok sa loob ng kwarto
Si mom at dad
"Salamat Jag," rinig kong bulong ni mom. Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya na akong humarap sa kanila, lalo na kay dad. Hindi ako ang tunay na anak nila tapos nagawa ko pang magalit noon.
Dahil bago lang ako sa pagiging lobo, kailangan kong maging pamilyar sa mga amoy ng tao o lobo na nasa paligid ko bago ko malaman na malapit lang sila sa akin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sila naamoy nung nasa labas sila.
Kakaiba ito sa pagiging bampira dahil agad agad ko nang malalaman yung amoy na nasa paligid ko. Mas agresibo talaga ang mga bampira
Sabi ni Dhine, may kakaiba ding amoy ang mga bampira kaya malalaman agad namin kung nasa paligid sila kahit na may suot silang kwintas. Ito rin ang isang dahilan kung bakit mas alerto ang mga lobo kesa sa mga bampira. Dahil hindi masyadong kontrol ng mga bampira kung ano ang naaamoy nila, nagagamit ito ng mga lobo bilang kahinaan ng mga bampira

BINABASA MO ANG
Vampire Princess
خارق للطبيعةWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?