Vampire Princess 28 - Nightmare

2.8K 61 2
                                    

"Khine!" napalingon ako sa direksyon nang sumigaw sa pangalan ko. Nakita ko naman si Jag na mukhang seryoso yung mukha

"May naalala ako tungkol sa bampira" mahinang bulong niya at tumingin tingin pa sa paligid

"Talaga? Ano yun?" masayang tanong ko. Baka masasagot na ang mga tanong ko sa sasabihin niya sa akin

"Kapag nagalit daw ang bampira..." paninimula niya kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Akala ko pa naman kung ano na, "Wag kang magagalit ha. Dapat kalmado kalang pag galit ka. Kasi mababasag lahat ng nasa paligid mo. At doon na sila maghahalata sayo" sabi niya sa akin. Halata pa na nananakot siya sa boses niya.

Teka.. nagalit ako noon. Hindi naman nabasag yung bintana. Hindi ko rin suot yung kwintas. Baka naman hindi pwedeng mabasag ng basta basta ang bintana na meron sa kwarto ko? Aish. O baka naman dahil kalahating bampira lang ako ay hindi yun nangyayari?

Hindi rin naman ako madaling magalit kaya bakit niya sinasabi sa akin ito?

Hinila ko si Jag papunta sa kwarto ko at nilock yun, "Ito" sabi ko sa kanya at tinuro yung kwintas na nakasuot sa leeg ko

Lumapit siya sa akin at hinawakan yun, "Ito ang tumutulong sa akin sa pagkontrol ng kakayahan ko bilang isang bampira" sabi ko sa kanya. Parang hindi pa siya nakikinig habang nakatingin lang sa kwintas, "Hindi ako masyadong nauuhaw sa dugo, wala na akong naririnig na maingay. Parang... normal lang ako na tao,"

"Ilang araw na simula nung kinagat mo ako?" tanong niya sa akin

"Magdadalawang linggo na siguro. Bakit?" tanong ko sa kanya. Binitawan niya yung kwintas ko

"Dalawang linggong gutom,"

"Gusto mong..." napatitig ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at mukhang seryoso siya, "Gusto mong subukan nang walang kwintas?"

Bago pa man ako makapagsalita, tinanggal na niya yung kwintas sa leeg ko na siyang ikinagulat ko.

Lumayo siya sa akin at napaupo naman ako dahil sa matinding gutom na naramdaman ko. Dahil dito ay pilit ko namang pinipigilan ang sarili ko na hindi manakit ng tao. Lalong lalo na si Jag na nandito sa kwarto ko

"Jag..." pagmamakaawa ko habang nakahawak sa lalamunan ko. Matagal na simula nung huling uminom ako

Nakakaramdam parin ako ng uhaw kahit na suot ko ang kwintas pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi uminom dahil ayoko talaga,

Sa dalawang linggo na hindi ko pagkain, matinding gutom ngayon ang nararamdaman ko

"Jag.. i-ibalik.. mo... na yan.." sinubukan tumayo pero nanghihina ako dahil nauuhaw na ako. Kagagaling niya lang sa sugat niya at ayokong dagdagan pa ulit

Umupo siya at hinawakan yung baba ko. Pinagpapawisan na ako at naiiyak na sa nararamdaman ko. Gusto ko nang...—

Tinulak ko siya at inagaw yung kwintas sa kanya. Sinuot ko agad yun at unti unti naman akong naluwagan, "Nag iisip ka ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Papatayin mo ba ako?! Gusto mo na naman ba na makasakit ako ng tao?! Ha?!" sigaw ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin at hindi nagsalita

"Sinubukan ko lang.. baka..." hindi na siya nagsalita at binuksan na yung pinto, "Patawad" tapos umalis na siya

Hawak hawak ko yung kwintas habang nakaupo. Ano ang gusto niyang palabasin?! Pinapahamak niya ang sarili ko at ang mismong sarili niya! Hindi ba siya nag iisip?!

***

"Saan nila dadalhin yung sanggol?"

"Sa ligtas daw na lugar"

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon