"Ledgas.. babalik ka diba?"
"Oo. Para sayo, Khine."
"Ayoko nang nag iisa. Alam mo naman yun diba?"
"Babalik ako. Pangako."
"Pinky promise?"
"Pinky promise"
Bumangod agad ako at napahawak sa ulo ko. Si Ledgas na naman. Bakit sa nakita ko, hindi na siya bata? Parang isang 10 years old na lalaki. Sino ba siya? Bakit ngayon pa siya nagpaparamdam?
Napatingin ako sa orasan sa mesa ko para tignan ang oras nang napansin ko ang isang papel na may nakapatong na isang.. kwintas na silver
Kinuha ko yung papel at binasa. Nanlaki ang mata ko at muntik ko nang mahulog yung papel na hawak ko
Bakit? Sino toh? Sino ba siya? Ledgas?
"Makikita mo na ako, aking prinsesa. Tutuparin ko na ang pinky promise ko. Isuot mo to ngayon araw. Pinky promise? -L"
"Pinky promise" sabi ko at sumakit na naman yung ulo ko
"Sabi nila, ang pinky promise daw ay isang mabisa na pang keep ng secret"
"Talaga?"
"Mm.. mmm.. Kasi kung hindi siya tumupad sa promise, dapat macut yung pinky finger niya"
"Gumawa tayo ng promise. Dapat magkasama tayo hanggang sa huli. Walang iwanan"
"Agree! Pinky promise?"
"Pinky promise"
Dalawang bata na naman yung nakita ko. Sa pinky promise nila, pinagdikit nila yung pinky finger nila. Tanda na dapat gawin ang isinikreto
Iniwan niya ako. Hindi siya tumupad sa pangako. "Argh!" sigaw ko. Nalilito na talaga ako. Bakit? Bakit?! Si Ledgas ba yun?!
"Khine?!" napatingin ako sa pinto, "Khine, anak! Ayos ka lang ba?" pinunasan ko yung pawis ko. Si mom, sisigaw eh ang aga aga. Hindi ko pa makakalimutan noong sinampal niya ako. Kahit anong iwas ko sa kanya, yun din yung sobrang lapit niya sa akin
"Opo mom!" sigaw ko pabalik. Bakit... kinakabahan o sumasakit nalang ako bigla pag nababanggit yung pangalan ni... siya
Ayaw din siyang pag-usapan ni Jag kaya hindi ko naman siya matanong. Sino kaya siya sa buhay ni Jag? Magkakilala ba sila? Nagkaaway ba sila kaya ayaw niyang pag usapan?
Hindi na sumagot si mom. Napatingin ako sa orasan ko. Masyado pang maaga.
Bumangon na ako para maligo. Morning routines. Habang nagpapatuyo ako ng buhok, napatingin ako sa kwintas. Kailangan ko ba talagang isuot yan mamaya? Paano kung hindi bagay sa damit ko? Para naman siyang diamond at walang ibang kulay kaya sa tingin ko naman ay babagay sa susuotin ko
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang sarili ko ata napangiti. Ngayon ang araw na hindi ko makakalimutan
Lumabas na ako ng kwarto at lahat sila nakayuko para sa akin. Binati nila ako, binati ko rin sila kahit hindi ko yung ginagawa
"Good morning, Dhine! Good morning— asan si mom and dad?" tanong ko kay Dhine nung nakaupo na ako
Nilagay nila yung bacon at kung ano pang ulam sa plato ko. "Ayun, inasikaso yung gagawin mamaya" sabi niya at umiwas ng tingin. Hahaha. Nakakatawa talaga ng kapatid ko
"Ay nagseselos yung kapatid ko" pang aasar ko sa aknya at nagsimula nang kumain. Ang sarap!
"Hindi.." sabi niya, "Baka kasi mawalan ka na nang oras pag naging prinsesa at ikakasal ka pa para maging reyna" napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Malungkot siya. Ako rin naman eh, nag aalala. Ikakasal na ba talaga ako?
Nilapitan ko siya, "Dhine, hindi porket magiging prinsesa ako o kung ano man. Kahit palaka, syempre kapatid kita. Hindi ako mawawalan ng oras sayo" sabi ko at pinat yung ulo niya
Ngumiti siya. "Ikaw talaga ang best sister sa buong kaharian!" sabi niya at niyakap ako. "Happy birthday, big sister"
Kumalas agad ako ng yakap at sinamaan siya nang tingin, "Ayoko nga nang big sister diba? Hoy! Isang taon lang agwat natin mokong ka" sabi ko sa kanya at sinubuan siya nang maraming pancake
"Yan ba ang pagshashabi ng I love you? Yung pinupuno mo bibig ko?" tanong niya at maingat na pinunasan yung bibig niya. Mas mabuti pa siyang prinsesa kesa sa akin
"Palagi naman kitang love eh"
May kinuha siya sa likod ng upuan niya. Medyo nagulat pa ako nung binigay niya sa akin ang isang box. "Buksan mo yan mamaya ate ha?" nakangiting banggit niya kaya napangiti din ako
Pumunta na ako sa upuan ko kanina at nagsimula nang kumain. Binigay ko sa maid yung regalo ko at inilagay yun sa kwarto ko
"By the way ate, nakita mo na ba yung damit mo mamaya?" tanong sa akin ni Dhine pagkalunok niya sa kinakain niya
Oo nga noh. Ano kayang itsura nun? Sana hindi masyadong engrande. "Regalo yata ni mom at dad yun eh" pagkasabi ni Dhine, ganito agad ang itsura ko -__- Kung galing kay mom at dad yan, malamang, mas mahal pa yun kesa sa buhay nila
"Titignan ko--"
"Titignan natin mamaya!" sigaw niya at inubos na yung pagkain niya. Ganun din ako, natapos na akong kumain at pinunasan ang bibig ko -_-
Hinila agad ako ni Dhine papunta sa isang kwarto na nandun daw kuno yung damit na susuotin ko. Dahan dahan niyang binuksan yung kwarto at mas lalo naman akong kinakabahan. Tong babaeng to talaga, pa thrill pa
"Tada-- Woah! Ang ganda ate!" sigaw niya at lumapit pa doon sa gown. -_-
Malayo palang, alam mo na na dyamante yun nandoon. Medyo light blue siya kaya hindi masakit sa mata.
Lumapit pa ako at nakita ko na talaga siya nang malapitan. Grabe, ang ganda talaga. Hindi ko maipaliwanag kung paano yung... yung... wahh! Ang ganda!
"Bakit doll shoes ata toh? Pwede namang wedge diba? Bakit walang heels?" galit sinabi ni Dhine habang hawak hawak niya yung sapatos. Light blue yung damit at ang mga dyamente yung nagbibigay pa ng ibang kulay. Kulay blue naman yung sapatos
"Yung arrow at bow mo ate." sabi ni Dhine kaya napalinhon ako doon kaya mas lalo pa akong kinabahan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi ko masindiha yung torch? Paano kapag magwala si Ayn tapos matumba ako at mapahiya ako sa harap ng mga Royal Families.
Hindi lang ako ang mapapahiya kundi ang pamilya ko rin. AAHHHHH!!
"Ate... pwede.." napatingin ako kay Dhine na namumula yung pisngi niya. "Pwede bang... isakay mo rin ako kay Ayn next time?" nahihiyang niyang sinabi kaya kedyo napatawa ako konti. Konti lang
"Oo naman. Basta... ikaw ang mag aayos sa akin mamaya" sabi ko
Nakita ko pa yung gagamitin ko. Walang accesories kasi alam naman ni mom na ayoko sa ganun. Pero... yung kwintas. Isusuot ko ba yun?
Pupunta ba siya kaarawan ko? Paano kung oo? Ano ang gagawin niya?
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?