Khine's POV
Inaayos ko na ang damit ko. Ito na ang araw na hinihintay ko.
Naamoy ko ang kapatid ko sa may pinto kaya napangiti ako, "Hindi mo na kailangang kumatok," natatawang sinabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hinga niya
Pumasok naman siya sa akin na may hawak hawak na bulaklak
"Ang ganda mo" puri niya sa akin na parang gusto niya akong yakapin. Nilapitan ko siya at niyakap ko na, "Lagi parin kitang papanoorin kahit wala ako sa tabi mo" bulong niya
"Bakit hindi ka nalang manirahan dito Ledgas?" tanong ko nung kumalas na kami sa pagkakayakap. Umiling lang siya kaya nalungkot ako.
"Ang Nsihire ay pinamimunuhan ng isang lobo. Qiera, hindi ako nararapat dito," sabi niyang habang hinahaplos yung buhok ko, "Ayos lang ako. Nandito naman ako para suportahan ka palagi" natawa ako nung napansin kong nababasag na yung boses niya.
"Masaya ako para sayo. Masaya din ang tatay natin para sa'yo. Kahit hindi ka niya nakikita ngayon, alam niyang masaya ka." sabi niya. Nangako sa akin si Ledgas na ipapakilala niya ako sa tunay kong ama balang-araw. Nag-pinky promise kami, gaya ng nakagawian.
Dahil sa ginawa ng nanay namin, hindi ako buhay ngayon. Hindi ko nakilala ang reyna at hari ng Nsihire, si Dhine, si Jag. Hindi ko makilala ang mga taong malapit sa akin ngayon kung hindi dahil sa ginawang sakripisyo ng nanay ko.
"Grabe ka Ledgas! Hahaha. Umiiyak ka! Nakakatawa! Hahahaha" pang aasar ko sa kanya
"Eh? Ikaw rin naman ah" huh? Napahawak ako sa mata ko nang may tubig nga. Tinignan ko siya at sabay kaming tumawa.
"Oy wag kang iiyak dun ah," sabi niya. Napatingin siya sa may pinto, "Masaya ako para sayo. Alam ko na aalagaan ka niya ng mabuti" hinalikan na niya ako sa noo at iniwan na ang hawak hawak niyang bulaklak kanina. Lumabas na siya sa may pinto
"Mag iingat ka, Ledgas" sabi ko at nagpaalam na. Sumunod naman na pumasok si Dhine na nakabusangot
Sobrang saya ko na nakapunta pa dito si Ledgas para batiin ako bago yung pinakamasayang araw ko, "Ano na naman binubusangot mo diyan? Dahil kay Mon Mon no?" natatawang sinabi ko. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako
"Hindi naman yun ate eh!" hala. Bakit siya umiiyak? "Ikaw! Matanda ka na kasi kaya ikakasal ka na!" sabi niya kaya natawa ako.
"I am now 20 years old Dhine! Ikaw nga tong mas bata sa akin pero mukhang matanda ang mukha" sinamaan niya ako ng tingin, "Diba sinabi ko naman sayo na kahit maging reyna man ako, hindi ako mawawalan ng oras sayo? Intindihin mo nalang ako kapag busy ako. Syempre reyna eh" nagkamot pa ako ng ulo
Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan yung luha niya, "Nakakainis lang dahil magpapakasal kami nung Hedgehog na yun. Tapos magiging prinsesa at prinsipe na kami. Tapos kami ang susunod na hari at reyna ng mga lobo!" reklamo niya at nagdabog pa
"Hoy! Pasalamat ka nga merong lalaking mag aalalay sayo. Ang tanda mo na kasi.." sinamaan niya ulit ako ng tingin. Ang cute niya talaga pag nagagalit.
"Aalis na ako ate. Nakakainis ka" sabi niya at nagpunta na sa pinto. Pero tumigil siya doon kaya nagtaka ako
Tapos bigla siyang tumakbo pabalik sa akin at niyakap ulit. Itong batang to talaga, "I love you ate" sabi niya at kumalas
"I love you too Dhine" sabi ko. Ngumiti naman siya at umalis na. Sakto naman na pumasok si Mon Mon at Ilecs.
"Onee-chan! Cute ako diba? Cute ako!" sabi ni Ilecs habang umikot ikot pa para makita ko talaga yung damit niya.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?