Vampire Princess 35 - She's Dead

3K 74 1
                                    

Hegamon's POV

Napatigil kaming lahat sa narinig naming pagputok ng baril. Pati ang mga bampirang kalaban namin ay napatigil din at tumingin sa direksyon kung saan nanggaling yung tunog.

Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin ang dugo mula sa dibdib niya. P*ta! Napaiyak nalang si Dhine at napaluhod sa damuhan. Agad ko naman siyang nilapitan at tinulungan na tumayo

Hindi.. hindi ito pwedeng mangyari.

Nagkatinginan siJag at Khine sa nangyari. Mulat ang mga mata nilang dalawa...

Tumakbo na kami papunta sa kanila. Nasalo naman siya ni Jag bago siya bumagsak

"Harangan mo yung sugat," seryosong saad ni Ilecs habang inaayos ang mga gamit niya para sa operasyon. Siya ang magaling sa ganito dahil isa siyang doktor. Siya din ang guro ng mga nag nanais maging doktor sa kaharian nila. 

"Jag! Dhine! Mamamatay na siya!" pagsisigaw niya.  Nagising naman kaming lahat kaya lumuhod na din ako para tulungan si Ilecs sa ginagawa niya.

Hindi parin kami makapaniwala sa nangyari

Nakita ko si Khine na mahinang nakangiti, "Patawad..." kahit nahihirapan na siya, nakayanan niya parin ilabas ang gusto niyang sabihin

"Bakit mo yun ginawa?!" sigaw ni Dhine sa kanya. Nakangiti lang siya at hindi sumagot

Nagulat din si Ledgas sa kanyang nagawa at nabitawan ang hawak niyang baril, "Hindi... hindi ito maari," bulong niya

Hinila ni Khine ang kwintas na suot niya at binigay ito kay Dhine

Yung kwintas na binigay ni Ledgas na dati ay kulay asul.. naging pula na

"Kinausap ako ni mom... bago ako pumunta dito..." pagpipilit niya. Napaiyak nalang si Jag dahil paghihirap ni Khine

"Please... huwag ka nang magsalita..

"Sinabi niya sa akin na... magiging tao na ako kapag... and dugo ng isang tao at bampira ay nagsama at inilagay sa kwintas," tumulo na ang mga luha ni Khine, "Ayoko nang ganito Dhine... ayoko na..." mahinang saad niya

Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng dugo niya. Mas lalo siyang nauubusan ng dugo

"Pero hindi namin naamoy na isa ka nang tao noong nagpakita ka" naiiyak na sinabi ni Dhine. Tama si Dhine. Nung dumating dito si Khine, naamoy parin namin siya bilang isang bampira

"Kasi suot ko yan... at ginamit ko yang kwintas na yan para iligtas si Jag. Huli na ang lahat ...para maprotektahan ako ni Jag kaya...sinalo ko yung bala. Gusto ko na... ako naman ang promotekta sa inyo.."

Flashback

Khine's Point of View

"Please, Khine.. " pagpipigil niya sa akin kaya tumigil ako, "May alam akong paraan" humarap ako sa kanya at tinignan ang mga mata niyang nasasaktan. Dahil sa nangyayari

"Alam ko na gagawin mo 'to at alam kong hindi kita mapipigilan. Pero anak.. kailangan mong maging tao" dahil kapag naging tao ako, mawawalan ng dahilan si Ledgas na gawin akong prinsesa ng kaharian niya

"Pero paano mom? Malayo palang, malalaman na nila agad na hindi ako bampira"

"Yang kwintas" tinuro niya yung kwintas ko. "Lahat ng nakita mo sa libro, yung mga palamuti na ginagamit ng mga bampira para hindi nila mahalata na bampira ka"

"Paano--"

"Nakita ko yung lapis na may dugo sa library. Pero nakalimutan mo yatang nagbabasa din ako, Khine" napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya. Mahilig siyang magbasa ng libro. Kahit na madaming alikabok dun, siya parin ang dahilan kung bakit may library kami

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon