Dhine's POV
Alam ko na naglihim ako sa kapatid ko. Nagsimula ito nang maamoy namin si Ledgas sa kwarto ni Khine. Nung nakita ko sa kwarto ni Khine ang kwintas, alam kong si Ledgas ang nagbigay nun kaya agad kong ipinaalam kay dad
Nalaman niya agad ang ibig sabihin nito: magiging bampira si Khine.
"Magpahinga ka na Dhine," sabi ni Jag sa akin
Ngumisi ako at inayos ang buhok ko, "Salamat pero hindi ako pagod, Jag. Hindi tayo napapagod,"
Wala kaming alam noon kung kelan mangyayari ang kaganapan na iyon. Sinubukan namin ang lahat para maiwasan ang pagiging bampira niya. At sa hindi inaasahang araw, nangyari nga
Ang rason kung bakit hindi gusto ni dad na maging bampira si Khine ay dahil sa koneksyon niya kay Ledgas at ang balak niyang gawin siyang lobo sa oras na tanggapin niya ang tungkol sa pagkatao ko. Sa oras na maging lobo siya, maaalala niya rin ang lahat. Sa nangyari sa kanya noong bata siya kasama si Ledgas at Jag.
May tatlong paraan para maging isang lobo. Ang isa ay ang maisilang mula sa dalawang lobo. Gaya ko, naisilang ako mula sa tatay kong lobo at ang nanay kong mortal. Ako ang pinaka una unahang lobo na naipanganak bilang kalahating lobo at kalahating mortal.
"Magsisimula na ang pulang buwan," pagsasabi ni Hegamon sa amin at umupo naman siya sa tabi ko, "Kamusta ka? May balita ka na ba kay Sunshine?"
Tumingin ako kay Khine, "Wala sa batas natin ang ginawa ni Sunshine. Ang nasa batas ay huwag gumawa ng away sa mga bampira. Kalahating bampira at kalahating tao si Khine—"
"Kalahating tao," pagpuputol ni Ilecs sa sinasabi ko. Seryoso ang boses niya at mga tingin niya sa akin. Ibang iba talaga siya sa nakikita ko sa araw araw na pagsasama nila, "Nasa batas din nating mga lobo ang hindi manakit ng mga tao," paglalaban niya
Hindi nakinig si Sunshine sa amin noong sinabi namin sa kanya na walang alam si Khine sa nangyayari. Sinisisi niya si Khine sa lahat ng ito dahil bampira sya at ang koneksyon niya kay Ledgas
Naiintidihan ko siya dahil alam kong nag aaalala siya sa kaharian niya. Isa pa, hindi lang siya ang nasa sitwasyon na ito
"Alam ko," napabuntong hinga ako, "Pero hindi ngayon ang tamang oras para alalahanin yan," tumingin ako kay Khine at napatingin naman ang lahat sa kanya
Ang pangalawang paraan para maging isang lobo ay magawa ng tama ang isang ritual. Isa ito sa pinakadelikado pero pinakamabisang paraan. Karamihan ng mga nangyayaring ritual ay para sa mga normal na tao na may dedikasyon para maging isang lobo. Ang dahilan lang kung bakit ito delikado ay dahil sa agarang kamatayan ng taong iyon kapag nagawa ng mali ang isang ritual
Sa dami ng populasyon naming mga lobo, wala ni isa sa kanina ang may kakayahan na gawin ang ritual na ito.
Pero nalaman namin na may isang nakakagawa ng ritual ng tama... isang mortal na tao.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Khine. Ang pulang buwan ay nagsimula na
"Argh!!"
Ang ikatlong paraan ay ang kagat ng isang alpha. Hindi katulad ng mga bampira, hindi malakas at hindi mabisa ang mga kagat namin. Ang mga normal na lobo kagaya ni Sunshine ay may taglay na kaunting lason sa kagat nila para gawing lobo ang isang mortal. Kaming mga alpha naman ay doble ang lakas ng lason pero hindi parin ito sapat para maging isang lobo ang isang mortal. Mas malaki ang posibilidad na mamatay ang isang tao dahil sa lason at mas maliit din ang pag asa nitong maging lobo.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?