"Tubig, gusto mo?" napaangat ako ng tingin nang makita ko sa harapan ko yung isang bote ng tubig. Kinuha ko naman yun at uminom
"Salamat" sabi ko. Nanginginig parin hanggang ngayon ang mga tuhod ko. Naalala ko na naman kasi yung una kong nasubukan si Ayn. Nagwala din siya.
Pero kakaiba yung pagwawala kanina na ginawa ni Ayn. Parang ayaw niya talaga sa akin
"Subukan mo nalang yung ibang kabayo. Siguro, hindi ka na niya natatandaan dahil hindi ka na nakadalaw sa kanya ng matagal" napayuko nalang ako sa sinabi ni Mon Mon. Kahit hindi yun ang tunay na rason, nagiguilty parin ako
"Hindi dapat natatakot ang tulad mo" napatingin ako sa kanya. Iba yung tinitignan niya pero parang may kakaiba yung mga salitang yun para sa akin. Hindi ko nalang din siya pinansin at tumingin kay Ayn
Si Ayn. Wala na sa akin. Wala na siya. Ganun din ba ang mangyayari kapag nalaman nila kung ano ako? Pero tao parin naman ako. Kalahating bampira nga lang.
"Kailangan mo yata ng pahinga" napaangat ako ng tingin nang makita ko si Jag sa harap ko
"Salamat... kanina" napaiwas ako ng tingin
"Magpahinga ka na" yun lang ang tanging sagot niya kaya ngumiti naman ako ng pilit habang pinapanood siyang maglakad palayo
Siguro nga, kailangan ko talaga ng pahinga.
***
Asan na kaya yung batang yun? Sinabi ko na sa kanya na hindi siya pwedeng tumakbo eh. Magkakasugat na naman siya. Ang kulit kulit ng batang yun.
Oo! Alam ko na hindi siya bata pero parang bata kasi siya eh.
"Ilecs? Magpakita ka na kasi. Ang dilim na oh. Mapapagalitan pa yung mga guwardya kung hindi ka—"
"Bulaga!"
"Wahhh!" napatakip ako ng tenga at umupo. A-ano yun? "Grabe ka Ilecs. Bakit ka kasi tumakbo bigla? Kinabahan ako sayo. Tsk. Ilang ulit ko ba sasabihin sayo?" naiinis na sinabi ko sa kanya. Bakit ba ang kulit niya?
Nakayuko siya habang pinaglalaruan niya yung mga daliri niya, "Sorry, Onee-chan." tapos humarap siya sa akin ng nakapuppy eyes. Tsk. Hindi na ako matatablan niyan.
"Gusto mo ba talaga ako na nag aalala? Tapos kanina, ginulat mo pa ako. Mamatay na ako sa takot" sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at may binulong pa.
"Takot, saan?"
"Aba, ikaw talagang bata ka! May binubulong bulong ka pa diyan? Gusto mo sipain kita diyan pabalik sa palasyo—"
"Wahhh! Ayoko onee-chan! Gusto ko dito!" ayan! Nag iba na naman siya! Naging bata na naman. Nagpapacute na naiiyak na ewan.
May dalawang guwardya na lumapit sa amin. Sinabi na pinapatawag na kami ni Mon Mon at Jag doon sa loob ng kastilyo
Kinabahan nga ako kasi tumakbo si Ilecs papunta doon sa maze garden. Gabi pa naman. Eh hindi pa naman niya kabisado yun. Kaya kinabahan ako. Bigla bigla nalang kasi tumatakbo. Tapos ginulat pa ako.
"Nako nako Ilecs, pinapagod mo ang prinsesa natin" sabi ni Mon Mon at inakbayan ako. Kakapasok lang namin sa kwarto at ganito na ang bungad niya -_-
Napatingin ako sa labas. Bukas na magaganap yung full moon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin bukas. Kung magiging bampira ba ako kasi nga kalahating bampira lang ako.
Nabanggit din ni Ledgas na unti unting mawawala ang bisa ng laway niya sa katawan ko. Ang kaso, kapag hindi ko iinumin yung dugo ni Ledgas, mawawalan ng bisa daw ang pagiging bampira ko. Hanggang ngayon, may taglay parin akong kakayahan na bampira lang ang nakakagawa kaya alam kong nasa akin parin ito ang pagiging bampira ko
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Ledgas. Ang laki nang naitulong ng kwintas na ito sa akin. Nakakalakad ako ng walang problema sa sikat ng araw, hindi maputla ang kulay ng katawan ko. Parang... normal lang ako
"Ano ba yan, hindi na naman nakikinig si Khine." pag aarte ni Mon Mon at ginulo niya yung buhok ko. Sinamaan ko siya nang tingin habang inaayos yung buhok ko pero nag peace sign lang siya at ngumiti
"Matulog na tayo" cold na pagkakasabi ni Jag at nauna na sa taas. Sana naman ngayon, sa katabing kwarto na sila matutulog
Umakyat narin ako habang nakacross yung mga dalawang darili ko. Sana naman sa kabilang kwarto na sila matutulog. Sana... sana..
Pagbukas ko nang kwarto ko, isang kama nalang ang nandun kaya naluwagan ako. Salamat naman! Makakatulog na ako ng maayos!
"Good night princess Khine"
"Good night Onee-chan!"
"Good night" nakangiting saad ko. Hinintay ko muna na pumasok sila sa kwarto nila bago ako pumasok.
Hay! Sa wakas! Wala na ang mga makukulit dito! Yayayaya! Yeah!
Bumangon agad ako nang may kumatok sa pinto ko. "Pasok!" aish. Ang ganda na nga ng mood ko eh.
"Jag?" anong ginagawa niya dito? May gagawin na naman siyang hindi katuwa tuwa. Hindi siya pumasok at nagstay lang sa labas ng pinto
"Tawagin mo lang ako, pag... uhmmm... kailangan mo nang tulong" yun lang ang sinabi niya at lumabas na.
"Eh?" hindi man lang ako nakasagot dahil umalis nalang siya bigla
Anong tulong? Hindi ko kaya kailangan ng tulong. Tulog, oo. Hahahaha
***
Kahit tanghali palang, kinakabahan na ako sa mangyayari mamayang gabi. Hindi pa kasi nagpapakita si Ledgas. Wala ba siyang sasabihin? Payo para mamaya? Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Mon Mon sa akin kaya napatingin ako s akanya at binigyan siya ng pekeng ngiti
"Gutom lang siguro ko. Kunain na ba kayo?" pag iiba ko sa pinag uusapan namin
"Ito oh, cake. Gusto mo?" napatingin ako kay Ilecs na busy ngayon kakakain at may isang maid sa gilid niya at pinupunasan yung icing sa bibig niya. Cake sa lunch?
"No thanks. Hindi ako mahilig sa sweets." nagpout siya at kumain ulit.
Pinagpapawisan na yung kamay ko. Makakayanan ko ba mamayang gabi? Kasi yun yung unang oras na magiging bampira ako. Makokontrol ko ba?
Madami pa kaya akong hindi alam bukod sa nabasa ko?
"Kumain ka na" napatingin ako kay Jag na nagbabasa ng libro. Napansin ko naman na may mga maid na naglalagay ng pagkain sa mesa nito. At nagsisimula naring kumakain si Mon Mon
Nginitian ko naman yung maid at naglagay na siya ng pagkain sa plato ko. Sana naman makatulong ang pagkain sa problema ko
Napapatingin ako kay Jag na tumitingin sa akin. Tapos kapag tinitignan ko siya, umiiwas siya ng tingin
"Tawagin mo lang ako, pag kailangan mo nang tulong"
Ano ang ibig niyang sabihin?
Nagsimula na akong kumain. Pero yung nalalasahan ko lang kasi sa kinakain ko, parang walang masyadong lasa. Nilagyan ko nang sili para magkaroon pero wala parin
"Uy. Ang dami na niyan." kumuha si Mon Mon ng pagkain ko tapos kinain niya. Hindi pa niya nangunguya, nilabas na niya agad at uminom ng maraming tubig
"Ganun ba kaanghang yan? Eh wala pa ngang—"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makaramdam ako ng matinding uhaw. Tapos napatatingin nalang ako bigla sa batok ng mga kasama ko
Hindi.. hindi pwedeng..
"A-alis muna..." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko at umalis nalang
Hawak hawak ko yung lalamunan ko habang paalis doon. Ayoko...
Napatingin ako sa kalangitan.
Sana lumipas nalang ang gabi...
Ayokong uminom ng dugo
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?