Chapter Twenty-Nine

23.1K 421 12
                                    

I look at myself on the mirror and saw a cute person smiling at me. I pinch my cheeks and nose, poke my forehead, but the smile on my face is still there. I pouted my lips but then it formed to a smile again.

"Nababaliw kana."-Ara

"Oo nga eh. Pamental mo na nga ako." Nakasimangot kong sagot. Hindi niya ako pinansin at dumeretso sa harapan ng laptop niya. "Bati na ba kayo nung ex mo? Yung Shiela ba yun? Or Bang?" Sunod sunod kong tanong.

"Shiela or Bang pareho lang yun."-Ara

"Bati na nga kayo?" Excited kong tanong.

"Malapit na. Liligawan ko nalang siya." Sagot nito at nakita kong nag se-search siya ng kung ano-ano sa google. Nilapit ko ang mukha ko doon, agad niya akong hinila at pinaupo sa tabi niya. "Tuturuan kitang manligaw."

"Manligaw?"

"Oo!"-Ara

"Sino naman liligawan ko?"

"Eh di si Dennise." Nakangising sagot nito. Humarap ito saakin at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Umamin ka nga saakin best friend! Siya ba dahilan ng mga ngiti mo kanina?" Makabuluhang tanong niya.

Kaagad kong tinabig ang kamay ni Ara at mabilis na tumayo. "Huy hindi ah! Ano ako mang-aagaw? May boy friend na yun noh!" Mabilis kong sagot.

"Pero pag wala siyang bf, liligawan mo ba?"-Ara

"Bakit ko naman siya liligawan?"

"Kasi gusto mo siya?"-Ara

Napanganga ako sa naging sagot nito at napakamot nalang ng ulo. Nakita kong may sinesearch si Ara kaya napaupo ako ulit. "Ano ba yang sinesearch mo huh?" Takang tanong ko sakanya.

"Ayan oh!" Sagot nito at tinuro ang monitor. Sumingkit ang mga mata ko at tinitigan ang litrato. I scratch my eyes and look again on the monitor. This time i gave her a puzzle look. "Sino yan?" Nakangiting tanong niya.

"Hindi ko alam. Si Dennise yung isa eh." Sagot ko sakanya. Kinuha nito ang salamin at iniharap saakin. "Oh ano naman to?" Takang tanong ko.

"May unggoy!" Mabilis niyang sagot at umismid. "Tignan mo nga yang mukha mo. Baka kasi kamukha mo yang kasama ni Den eh!" Pabalag niyang sagot.

Inilapit ko ang salamin sa gilid ng kompyuter at pinagkumpara nga iyon. Inayos ko ang buhok ko at tumingin ulit doon. "Eyes, nose, lips... Wait! Ako nga yan." Mabilis kong sabi at ibinaba ang salamin.

Mabilis kong pinaharap saakin ang computer at magta-type na sana ng bigla akong hilain ni Ara at iclose lahat ng tabs doon. Nakita kong parang nataranta ito at hindi mapakali. "Hindi ikaw yun. Kamukha mo lang siguro, naniwala ka naman sa sinabi ko." Mabilis niyang sabi.

Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi niya. Para rin kasi siyang hindi mapakali na ewan. Sasagot na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko.

*ring *ring

Mabilis kong kinuha at sinagot iyon, nang makitang si mama ang tumatawag. "Hi ma, kamusta po?" Nakangiting tanong ko.

"Mabuti naman anak. Ikaw? Kamusta kana?"

"Ok lang po ma. Napatawag ka po ma?"

"Gusto ka lang naming kamustahin ng papa mo. Sabi ni Ara, gumimik daw kayo kagabi?" Masayang tanong ni mama.

"Opo ma. Nakilala ko rin po yung barkada niya. Grabe nga eh, lahat sila sikat."

"Mabuti naman kung ganun anak. Basta sinasabi ko sayo, huwag mong gagayahin si Ara huh?"

The Reality (MSF book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon