"Besh, pakisabi nalang kay besh Den umalis na ako ah? Two days lang, promise babalik ako sunday night. Thank you besh." Sabi ko kay Ella habang nag iimpake ng damit ko.
"Huh? Huy! Lagot ka dun! Isang linggo ka na ngang hindi pinansin, pati ba naman ngayon?"-Ella
"Please?" Pagmamakaawa ko dito, baka kasi malate ako eh.
"Oo na oo na. Pero pag ready ka ng sabihin sakin... Sasabihin mo na ah?"-Ella
"Opo besh, promise." Mabilis kong sabi dito bago tumayo at buhatin ang back pack ko. Konting marami kasi akong kinuhang damit eh. Oo konting marami, konti na marami. 2 days lang naman eh.
"Basta huwag kang mag papahalata sa pagbaba mo, baka mamaya gising na yun."-Ella
Tumingin ako sa orasan. "6 palang naman eh. 9 naman yun nagigising pag sabado eh."
"I know right. Malay mo lang... Nag hihintay pala yun sayo sa baba."-Ella
"Besh?!"
"Oo na oo na. Ingat ka."-Ella
Tumango tango lang ako skanya bago yumuko at ibeso siya. Nakahiga pa kasi ito sa kama, tinatamad daw bumangon. Lagot yan pag nagising yung mga yun, siya kaya ang cook ngayon. Hmp! Wala tuloy akong nakain.
Dahan dahan nga akong bumaba at lumabas ng dorm. "Hayss." Tumingin ulit ako sa dorm at parang timang na binato ng maliit na bato ang pinto. "Ill gonna miss you dorm."
"Sino yan?"
At mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako papuntang parking lot. Alam ko kasi kung kaninong boses iyon. Kay besh Den, ays bahala siya jan. Hindi niya din naman ako papansinin. Bahala siya sa buhay niya.
*ring *ring *ring
Agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa ko at napangiti ng makita ang name niya doon. Kanina pa siguro to nag hihintay. 5:30 kasi usapan namin eh.
"Good morning love." Nakangiting bati ko dito na para bang nakikita niya ako.
"Love mo mukha mo. Nasan ka na?"-Jus
"Parking lot hehe."
"Hays Alyssa Valdez."-Jus
"Oh sorry na. Tumakas pa kasi ako eh." Natatawang sagot ko dito.
"Nakita ka ba? Naku lagot ka."-Jus
"Si besh Ella lang. Muntikan na rin kanina. Oh sige na, mag da-drive na ako."
"Ok. Take care love, love you."-Jus
"Love you too."
Binaba ko na nga ang phone ko. Habang nasa highway ako ay hindi ko maiwasang mapasibol, tahimik kasi. Tapus mainit pa.
Ang tagal umusad ng traffic, nakakabagot. Ganito naman lagi sa manila eh, kahit maaga kang umalis ng bahay traffic pa rin. Kailan kaya mauubusan ng sasakyan sa manila? Tsk, pati nga ata madaling araw marami pa rin.
Oh well, sanay nako. Tsk. "Here we go buddy." Mahinang sabi ko ng maipasok ko na sa garahe nila tita Mich ang sasakyan ko. Bumaba na ako doon at pumasok sa loob. "Hi tita, good morning po." Bati ko kay tita na kumakain sa dining kasama si Jus.
"Good morning Aly. Come here, join us."-Tita Mich
"Hi love." Bati ko kay Jus nang makalapit ako sa tabi niya, hinalikan ko rin siya sa pisngi bago umupo.
"Ang tagal mo ata love?"-Jus
"Traffic love."
"Really? Ang aga na nmn ata ng traffic."-Tita Mich
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomanceMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.