(After One Week)
"Ano?! Omg! Ngayon na yung interview niyo!"-Justine
Napakamot ako ng ulo at lumingon sa aking likuran. "Eh masakit daw yung puson ni Den eh, ready na nga ako eh. Nakapam-porma na ako, namemories ko na nga yung mga sagot ko eh, pero ito nga oh! May sakit si Denden, ayoko namang iwan siya dito." Mahabang paliwanag ko kay Justine.
Hindi ko narinig ang pagsagot niya mula sa kabilang linya, kaya inilayo ko na ang cellphone sa tenga ko at tinignan iyon. Hindi pa naman niya binababa, baka may kinakausap lang saglit. Tsk! Kung kailan ready na kami saka naman siya dinalaw. Hindi ko expected to, ano naman kayang maitutulong ko? I mean babae din naman ako, alam ko din yung pinagdadaanan niya pero grabe yung sakanya. Alam mo yun? Nagulat nalang ako kanina nakahiga na siya sa sahig. Hmp.
"Huy Justine! Nandiyan ka pa ba? Anong gagawin ko? Pupunta pa ba ako?" Sunod sunod kong tanong kay Justine na nasa kabilang linya lang.
"Saglit lang Lyssa, huwag mo munang i-off. May kakausapin lang ako."-Justine
Tumango lang ako na para bang nakikita niya ako. Tinanggal ko na ang neck tie ko at nag-umpisang mag hubad. Ang init kaya nitong coat na pinasuot saakin ni Denden. Sabi niya may aircon naman daw sa studio kaya ok lang, pero ito nga! Tinulugan niya ako. Ayan tuloy! Walang aircon. Hindi naman aircon habol ko dun eh, gusto ko lang linisin ang pangalan ko. Dinungisan kasi ng Myco Antonio na yun, kumukulo dugo ko sa gagong yun eh. Sinaktan na nga si Denden kung ano-ano pang pinagkakalat.
Tsk! Isang linggo niya lang naman po akong siniraan sa social media. Oo alam ko na rin yang mga ganyang usapin na yan. Tinuruan ako ni Justine kung paano yung mga pinag gagawa nila eh, kung paano sumagot sa mga ganyang issue. Oh! Mas magaling yun kay Denden, kung mataray si Den mas mataray yun. Itinuro ba naman saakin kung paano mag bash gamit yung ibang account. Ewan ko dun! Hindi naman na namin kailangang daanin sa courte yung issue namin ni Myco, pero ayun nga! Pati si Janella nakisama.
"Ei Ly! Huwag na kayong tumuloy. Ano bang nangyari jan kay ate huh?" Nag-aalalang tanong nito.
Nagising ako sa realidad. "Ewan ko sakanya. Basta pag akyat ko nalang nakabulagta na siya sa sahig, tapus meron ata siya. May nakita ako eh, and ewan natatakot ako eh." Pagsusumbong ko.
"Para kang ewan jan! Umayos ka nga."-Jus
"Ihh hindi ko nga alam gagawin ko eh." Natatakot kong sabi. "At saka malamig din yung pawis niya, nanginginig pa siya! Pumunta ka nalang kasi dito ah."
"Pumikit ka."-Jus
"Huh?"
"Pumikit ka isa!"-Jus
Kahit nagtataka ay sumunod nalang ako. "Oh ito na, nakapikit na po mam." Sagot ko kay Justine habang nakapikit at nakasandal sa head board ng kama.
"Sure ka? Hindi ka naman ba nagsisinungaling jan huh Lyssa? Please sumunod ka sakin ok? Kahit ngayon lang. Pambawi niyo sa gulong ibibigay niyo na naman saakin."-Jus
"Oo nga nakapikit na ako. Wala ka bang tiwala saakin? Saka sumusunod naman ako sainyong dalawa ah? Ang weird nga ng katawan ko eh! May sariling utak, kung hindi si Denden ang may control, ikaw naman!" Kunot noong sagot ko.
"Hahaha dami mong alam uy! Sige na, after mong pumikit huminga ka ng malalim. Yung tinuro ko sayo nung nag pa-practice tayo for interview."-Justine
Bumuntong hininga ako at kusang napangiti ang mga labi ko dahil sa kaginhawaang naramdaman ko. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid, tahimik na naman ang bahay, tanging ang tunog ng hangin lang ang naririnig ko. Gumalaw ang kanang kamay ko at ng makapa ko na ang hinahanap nito ay saka ko iyon itinaas at dahan dahang inilagay sa bibig ko. Malamig at walang buhay iyon pero pakiramdam ko nagbibigay iyon ng buhay sa kung anong meron sa kaliwang dibdib ko at sa chan ko. Nabubuhay na naman ang mga kung ano-ano doon.
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomanceMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.