Two days had pass since we arrived here in Boracay. Yes, tinuloy ko talaga ang plano kong outing well, hindi ko alam kung tatawagin kong outing ito or magkukulong lang kami ni Alyssa buong araw sa loob ng kwarto ng Hotel nila. Ewan ko dito, kahapon pa kami niyayang mag swimming or mamasyal ayaw pa rin niya. Kesyo daw kung ano-anong damit ang isuot ko o kesyo daw may mga lalakeng nakaabang saakin.
"Artist ka kasi hon. Kilala ka ng mga tao, kaya dapat lang na bantayan kita." Yan palagi ang rason niya pag tinatanong ko siya kung bakit ayaw niya akong palabasin. Nakakaasar na nga eh, yun lagi niyang sinasabi... Wala nang iba. Tapus sasagutin ko nalang siya ng "iuntog nalang kaya kita ulit hon, at ng maamnesia ka ulit. Grabe na yang pagiging possessive mo." With matching roll eyes and make face pa yan. Pero shempre di ko pinapakita sakanya, kasi hahalikan niya talaga ako pag nagkataon.
"Ipindot mo kasi yang A! Matatalo na tayo nito eh." Iritang sabi nito mula sa likuran ko. Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na B ang pinipindot. "Denden naman eh, nang-aasar ka ba?!" Ayan na frustrated na naman siya.
"Oh di ikaw na maglaro!" Inis kong sagot, binitawan ko ang controller at binagsak iyon sa hita kong natatakpan ng kumot. Nag cross arms ako at napairap nalang.
Hindi siya sumagot at umayos nang upo sa likuran ko. Nakaupo kasi kami sa couch nakasandal ako sa katawan niya habang nakayakap ang mga braso niya saakin, siya naman ay nakasandal sa sandalan ng couch habang naglalaro kami ng mario. Ganito kami for 2 days. Two days like this was not boring, nakaka-asar lang yung ugali niya.
"Ito naman, joke lang eh. Ako na nga, matatalo kana kasi eh." Kakamot kamot niyang sabi at pilit na inabot ang controller sa hita ko. Umangat ako ng kaunti para makuha niya iyon, at ng makuha niya ay idinikit niya ang baba niya sa balikat ko at nag-umpisang mag laro.
Habang naglalaro siya ay mas lalo akong nagsumiksik sa katawan niya at pinapaulanan ito ng halik sa kanyang pisngi. Ganito kami maglambing pag nagkakaasaran, it's either siya ang magpapaulan ng halik saakin or ako. Nasasanay na rin kami sa isa't isa. Sabi nga ng barkada, para na daw kaming College hahaha. Kung dati High School ngayon naman College. Hindi ko nga alam kung anong pauso nung mga yun.
*game over
"See? Matatalo ka rin." Pang aasar ko sakanya at kinagat ito sa punong tenga.
"A--aray! Ouch! Huhuhu mahal naman eh!" Pagmamaktol niya habang hawak niya ang tenga niya at bahagya pang lumayo saakin. Tumawa lang ako ng mahina kaya mas lalo itong naasar. "Akala mo hindi masakit!" Sambit pa niya.
"Ay! Tampo na baby ko. Halika nga kay mommy." Paglalambing ko at may kasamang pang-aasar na para bang bine-baby talaga siya. Ayaw niya kasi iyon. Hindi daw bagay.
"Kaasar. Huwag ka nga." Pairap niyang reklamo saakin.
"Ay! Tampo talaga ang baby ko.. Huhu, kikiss ka na ni mommy."
"Dennise hindi na nakakatawa ah!" Seryosong aniya habang nakahawak sa bewang ko at inilalayo ako sa katawan niya. Mas lalo kong pinatigas ang katawan ko at nanatiling nakadikit sakanya. Ganito kami araw-araw, asaran.
Humarap ako sakanya at nakita ang kunot na kunot niyang noo. Sumeryoso na rin ako at kinuha na ang controller. "Oo na. Babawiin na natin yung game over mo. Kawawa naman ang baby ko." Nakangiting sambit ko at mabilis na hinalikan ito sa labi. Nang matapos ang halik na iyon ay saka ako humarap sa Flat screen Tv namin at nag-umpisa nang mag laro.
Well mario lang naman kasi yun kaya madali, pero iba ang pinindot niya. Mario bros which is race. Eh hindi kaya ako magaling dun. "Pag natalo mo ako, bati na tayo... Pero pag natalo kita hindi pa rin tayo bati." Seryosong aniya at ipinailalim ang controller niya saakin. Umirap lang ako at bumulong.
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomanceMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.