Chapter Fourthy

27.8K 435 24
                                    

Alyssa Valdez

I blink twice as I saw a big truck, it's fast and I don't know what to do. I keep staring on it and waited for it's bang on my car. My tears won't stop from falling, it's endless and my chest hurts me because of it's fast and loud beat.

*beeep

I ignored the horn of the truck and press my phones menu button. A girl's face pop-up on my screen and i bit my lower lip to stop from sobbing. "I love you baby..." I murmur and the last thing I knew... Everything went painful and dark.

Bumaling ako sa kanang bahagi ng katawan ko, pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko. Sinubukan kong bumaling sa kabila at hindi naman ako nabigo, pero ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa ulunan ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at ramdam kong nakalutang ako sa ere, para akong mahuhulog, para akong nahuhulog sa isang bangin. Hinintay ko nalang ang pag bagsak ko, pero nabigo ako dahil wala akong maramdaman.

Nanatili akong nakapikit at sinubukang igalaw ang mga kamay ko pero nabigla lang ako dahil sa gulat. "Deeen!" Nanginginig kong sigaw kasabay ng mabilis kong pag-upo.

"Eiii. What's wrong?" Nag-aalalang tanong saakin ni Den ng makapasok siya ng kwarto. Hindi ako sumagot at humagulgol nalang ng yakapin niya ako. Yumakap ako sa bewang niya at dun umiyak ng umiyak. Hindi ko alam pero natatakot ako. Nakakatakot ang panaginip na iyon. Pakiramdam ko wala akong buhay. Pakiramdam ko, baka pag hindi ako nagising wala na. Hindi ko na makikita ang liwanag. "Sssh. It was just a bad dream baby.." Pag aalo saakin ni Denden habang hinahaplos ang ulo ko pababa sa likuran ko.

Humarap ako sa chan niya at dun ko itinago ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula ako dahil sa init na nararamdaman ko. Pakiramdam ko basang basa ako ng pawis, pero alam kong sa panaginip dugo ang bumabasa sa katawan ko at hindi pawis. Sariwa at mainit na dugo iyon.

"Mhie... Huwag mo na akong iwan please. Dito ka lang sa tabi ko." Humihikbing paki-usap ko kay Dennise. Hindi ko alam, pakiramdam ko siya lang ang makakapag pakalma sa pagpapanik ng buong katauhan ko. Ayoko pang mamatay. Ayoko pang mawala siya sa paningin ko.

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakapulupot ng braso ko sa bewang niya at yumuko siya para mapag pantay ang mukha naming dalawa. Hinalikan niya ako sa tungki ng ilong at inihipan sa mukha. Napapikit ako dahil sa amoy ng hininga niya, halatang kakatapos niya lang mag brush at nagpapagaan iyon ng pakiramdam ko. Kusang dumapo ang mga kamay ko sa batok niya at masuyo niya akong hinalikan sa noo. "Hinding hindi kita iiwan dhie. Pangako yan." Seryoso at malambing niyang sabi at dahan-dahan akong itinayo.

Itinaas nito ang dalawang kamay ko at hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Nakatitig lang ako sa mukha niya na ngayon ay seryosong itinataas ang damit ko. "Close your eyes." Sabi pa nito at kaagad namang sinunod iyon ng mga mata ko. "Breath in..." Sambit nito at naramdaman ko ang pag alis niya sa harapan ko. "Hold it dhie. Pag sinabi kong pakawalan mo na, saka mo lang pakawalan." Tumango naman ako at nagpigil nga ng hininga. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng maramdaman ko siya sa likuran ko. May pinapahid siyang mainit sa likuran ko.

"Breath out now..." Aniya nang maisuot na niya ang damit ko. Nilabas ko na nga iyon at para akong nanghina. Habol ko ang aking paghinga ng maimulat ko ang aking mga mata. Mabilis siyang tumingkayad at kaagad na kumalma ang pagpapanik ng katawan ko ng mabilis niyang idikit ang labi niya saakin. Bumukas ang bibig niya at para niya akong tinutulungang huminga. "Stay still dhie.." Sambit nito.

Napayakap ako sa katawan niya ng unti-unti ko ng mabawi ang lakas ko. At naramdaman ko ang pag ngiti niya sa labi ko ng kagatin ko ng bahagya ang labi niya. Hinaplos niya ako sa mukha ng makalayo na siya saakin. Nakangiti ito at para bang sobrang gaan na ng pakiramdam niya, yung mga mata niyang nagsasabi na dapat ngumiti ako dahil ang araw na ito ay para saaming dalawa.

The Reality (MSF book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon