Chapter Fourthy-Two

22.2K 468 96
                                    

"Den! Please don't leave me!"

Nagulat ako sa isang sigaw kaya nilibot ko ang aking paningin sa isang lugar. I don't know where I am. I look around again and noticed that Im inside a big building, specifically an office... My dad's office.

"Ma please! Tell tito Mike na huwag siyang pumayag sa gusto ni Den! Mahal ko siya!"

"They decided already Alyssa. Pakawalan mo na siya."

"Dad!"

I turn around on my back and my knees weakened as i saw myself kneeling infront of my dad and mom. "Why am I crying?!" I asked as my mom wiped my tears. She kneeled down infront of me and kiss my forehead.

"Sinaktan ka na nila anak! Tama na, huwag mo ng ipagpilitan yang sarili mo!"

"Dad mahal ko siya..."

"Hindi ka niya mahal!"

Napahakbang ako patalikod ng naglakad ang katauhan ko patungo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nanatili lang akong nanonood sa isang eksenang ako ang gumagawa.

Sinundan ko ang aking sarili sa kotse niya at napaluha na rin ako ng umiyak siya. "Bakit ba ayaw makisama ng tadhana saakin?! Bakit?!" Sigaw niya habang nakayuko sa manibela. Bakit nga ba?

"Just wait for the right time..." Mahinang bulong ko at hinawakan siya sa likuran pero laking gulat ko ng hindi ko siya mahawakan. "What's happening?" Kunot noo kong tanong sa aking sarili at tumingin sa taong nakayuko pa rin sa manibela, ang aking katauhan.

Kumabog ng husto ang puso ko ng humarap siya sa kinauupuan ko, at ngayon kitang-kita ko na, na ako talaga iyon. Para akong nanunuod sa isang sinehan, para kong pinapanuod ang aking sarili sa aking nakaraan.

"Mahal na mahal kita Den."

Napailing ako at tumingin sa harapan. Kasalukuyan siyang nagmamaneho sa isang lugar. Malayo iyon sa syudad. Pumikit nalang ako hanggang sa nagising ako sa isang mausok maingay at magulong lugar. Napagtanto ko nalang na nakaupo na pala ako sa tabi niya.

"Hi pretty! Can i join you?"

Sabay kaming napalingon sa likuran at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Claire. Gusto kong magtanong kung anong ginagawa ni Claire sa lugar na to. Gusto kong magtanong sakanya, pero hindi ko rin nagawa dahil alam kong hindi niya ako naririnig.

Tumingin ako sa aking sarili at magkaiba kami ng reaction, kunot na kunot ang noo niya at para bang hindi niya kilala ang babae.

"You may." Sagot niya nalang at humarap ulit sa bar counter.

"Claire..." Sambit ko ng makaupo na siya sa tabi ko. Hindi niya ako pinansin at parang malanding humarap sa katauhan ko. She's flirting with me! What the hell.

"What's your name?"-Claire

"Aly! Alyssa Valdez, and you are?" Pakilala ng katauhan ko at halos mapamura ako dahil nag pacute pa ito at ngumiti nang manyak. Gusto ko siyang sapakin, pero alam kong ako ang masasaktan pag ginawa ko yun. Isama mo pang hindi ko siya mahawakan. Ganito ba ako dati?! No way!

"Shit! Huwag kang magpakilala!" Sigaw ko kay Claire sa isang tabi. "Baka mareyp ka niyan Claire gago! Bata kapa uy!" Sigaw ko habang hinihila ang kamay niya pero napasipa ako sa paa ng katauhan ko ng hindi ko siya mahawakan.

"Claire. Claire Dela Cruz."

"Nice! Nice name."

Pinanuod ko lang siya at napasapo ako sa noo ng maghalikan sila sa harapan ko. Tumingin ako sa kamay nila at kung saan saan na napadpad ang kamay ng katauhan ko. "Ginawa ko yun?! Lasing ako tang-ina." Sambit ko at pilit na hinihila ang kamay ng katauhan ko sa katawan ni Claire pero hindi ko mahawakan ang kamay niya. "Wake up! Hey! Puteks!" Sigaw ko pa.

The Reality (MSF book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon