*knock *knock *knock
"Dhiieee! Open the door." Sigaw ni Den mula sa taas. Napasimangot ako at inayos ang aking salamin. Tanghaling tapat tapus may nang iistorbo na naman saakin. Hindi ko na nga matapos tapos tong librong pinapabasa niya saakin, paano kasi. Utos siya ng utos, pag natapos ko na yung isa ayan na naman siya uutusan niya akong maglinis, maghugas at kung ano ano pa. Pati pa nga pagligo inuutos niya. Nakakainis na ah! Para siyang si Ella! Asal donya. Tsk.
*knock *knock *knock
"Daddyyyy!"-Den
"Ano?! Ang ingay ingay mo mhie!" Inis kong sigaw at padabog na tumayo. Napakamot nalang ako ng makita siya sa likuran ko, nakataas ang isang kilay nito at naka cross arms pa. Kaloka! Ganito ba buhay ko dati? Hindi ko alam kung nakakaya ko ba o kaya ako naaksidente kasi gusto kong makawala sa pagiging ganito niya? Ays ewan.
"Please?" Pagpapacute niya at ngumuso pa sa harapan ko. Ayan! Bigla-bigla na naman pong nagbabago yung aura niya. Sadista na bipolar pa.
"Ikaw na nga kasi nakarinig eh." Bubulong-bulong kong sabi at naglakad na patungo sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim at unti-unting inikot ang door knob. Napanganga ako ng makita ko si Justine, Ella, at ang barkada. May dala silang mga basket at tupperware tapus yung iba naman may mga hawak na box of wine or something. Ano to? Mag-iinuman sila?
"Good noon babeeee."-Justine
"Hi bessssh! Anong ingay niyo?"-Ella
"Nag-aaway ba ang mag-asawang Lazaro at Valdez?"-Kim
"Mag-asawa?! Duh!" Sabay naming sigaw ni Den at isinara ko na ulit ang pinto. Humarap ako sakanya at kita ko ang pang-gigigil sa mukha niya. "Buksan mo!" Sabay naming sabi nang makapunta na ako sa tabi niya. Nagkamot ako ng batok at namula ako ng amuyin niya ako sa kili-kili at yumakap saakin ng mahigpit.
"Ang bango ng baby kooo."-Den
"Huyy! Para kang baliw jan eh!" Reklamo ko at tinulak ang mukha niya palayo. "Kanina daddy, ngayon naman baby! Ano ba talagang trip mo huh? Para kang baliw jan eh. Napaka bipolar mo."
"Eh kasi naman po, yun yung tawagan natin dati. Kaya binabalik ko lang. Saka alam ko namang kinikilig ka eh. Diba?" Sagot nito at mas lalo akong namula dahil sa pagkindat niya at pag nguso niya saakin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Kanina pa kasi siya ganyan, ang weird weird na ng galaw niya. Simula nung sinabi niyang mag-uumpisa na siya, ayan na! Para siyang ewan. Jinijowa nga ata niya ako eh, baliw lang ata siya. May part sakin na gusto ko yung ginagawa niya, pero may part din saakin na naiilang. Ewan! Nakakapanibago siya. Yun nga ata yung epekto ng pakikipag break niya dun sa bakulaw niyang ex bf.
*knock *knock *knock
"Dennise Michelle! Mainit dito! Pag ako nainip lagot kayo saakin!"-Justine
Tumingala saakin si Dennise at binigyan niya ako ng lagot-tayo-kay-boss-look. Tumalikod na ito saakin at naglakad papalapit sa pintuan. Kakamot kamot lang ako ng ulo ng mabuksan niya iyon. Paano kasi, ang sama ng tingin saakin ni Justine. Para na naman siyang kakain ng buhay. Magkapatid nga sila. Tsk.
"Bro! Wuzzup?" Kaagad na bati saakin nila Kim, Ara, Gretchen, Dj, Marge, Amy at A nang makapasok sila ng bahay. Itinulak pa nila yung mga girls i mean yah! Sila Ate Dzi kaya halatang nag usok ang kanilang mga ilong. Nagkamot ako ng ulo dahil isa isa nila akong hinaplos sa mukha. Oo haplos sa mukha.
"Ok lang. Kayo kamusta?" Nahihiyang tanong ko.
"Nahihiya kapa rin saamin?! Sapakin kita jan eh!"-A
"A! Gusto mo ako manapak sayo?" Singit naman ni Dzi ng makapasok na sila. Nag peace sign lang si A at niyakap pa ako.
"So saan tayo?"-Bang
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomansaMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.