Chapter Fourthy-Five

29.3K 461 37
                                    

(11 months later)

"Den push.."

"Aaaahhhh."

"Omg! Hon ang lakas naman!" Reklamo ko habang nakapikit at hawak hawak ang kamay ni Dennise.

"Push harder Dennise!"

"Aaahhh! Bwisit ka Alyssa! Andami mong reklamo... Ahhhh! Papatayin talaga kita pag lumabas na yang sinlaki mong anak!"-Den

"Aaah! Aray! Hon masakit! Huhuhu."

"Ayan na lalabas na. Isa pa Den, lalabas na si baby." Excited na sabi ni doctor Carla. Itinaas ko ang kanang kamay ko at itinakip sa tenga ko ng marinig ko ulit ang sobrang lakas na boses ni Dennise. Paano kasi nakasabunot yung dalawang kamay niya saakin habang nakalapit ang ulo ko sa mukha niya.

Umangat ako ng tingin sakanya nakita ang saya sa mukha niya ng marinig namin ang iyak ng sanggol na pinag hirapan niyang ilabas. Pinunasan ko ang pawis sa noo niya at mabilis itong hinalikan sa labi. "Hoy! Kakapanganak pa lang ni ate! Pag pahingain mo muna! Loko ka!" Rinig kong sabi ni Justine nang makapasok siya ng kwarto. Dala na rin niya ang mga gamit ni baby at dala naman ni Bang ang mainit na tubig at bimpo.

"Aly pwede ka ng lumabas."-Carla

Kaagad naman akong lumabas at umupo sa sahig. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko ngayon, siyam na buwan din kaming naghintay sa magiging anak namin ni Den. Siyam na buwan din kaming nagdasal na sana buhay itong lumabas. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakayanan ni Den ang manganak.

Isang oras na akong naghihintay sa labas ng magbukas ang pintuan. Lumabas si Justine hawak ang palanggana. "Oh! Ibaba mo muna to... Tawagin mo na rin sila mommy, pwede niyo nang makita si baby at ate." Utos niya saakin bago ayusin ang salamin niya.

"Salamat Justine." Nakangiting pasasalamat ko bago bumaba. Isang taon rin ay bumalik si Justine sa dati niyang ugali, naging mabait at hindi na masungit. Masasabi kong isa siya sa mga taong pinaka importante sa buhay ko at sa buhay ni Dennise. Lagi rin namin siyang kasama sa bahay simula nung ikinasal kami, tinotoo niya yumg sinabi niyang pag lumipat ng bahay si Den eh lilipat din siya. Kaya nandito lagi siya sa bahay namin ni Den.

Nang makababa ako ay sinalubong ako ni yaya Vina. "Salamat yaya." Pasasalamat ko at tinulungan na siya sa pag tapon ng mainit na tubig.

"Walang anuman Alyssa. Kamusta naman ang panganganak ni Den? Lalake ba o babae?" Excited niyang tanong.

"Ok lang naman po. Ang lakas po ng ire ni Den..." Natatawang sagot ko at inalala ang tanong niya. "Halla! Hindi ko po nakita kung babae o lalake!" Mabilis kong sambit at napasapo sa noo. Tumawa si yaya Vina at tinap ako sa balikat.

"Hay naku! Ikaw talaga anak... Dali na ako na dito, umakyat kana sa mag-ina mo."-yaya Vina

Dumaan muna ako sa sala at tinawag ang mga magulang ko at ang mga magulang ni Dennise. Tinanong ni daddy kung ano ang kasarian ng apo niya pero napakamot ako ng ulo at ngumiti ng nahihiya. Nakakahiya kaya yun! Lalo na kila mama Michelle. Anong klase akong asawa? Kainis. Nakalimutan ko talaga eh.

"Ikaw talaga anak. Halika na, alam kong pinalabas ka kaagad ni Justine kaya hindi mo na nakita." Tito Mike

"Salamt tito. Nakalimutan ko talaga eh, kasi biglang pumasok si Justine."

Tumawa lang sila habang paakyat kami ng hagdanan. "Ako muna bubuhat sa apo ko!" Kaagad na sabi ni daddy ng makarating kami sa pintuan.

"Anong ikaw? Ako!"-Tito Mike

"Anong kayo?! Kami kaya!" Sabay na sabi nung dalawang matandang babae at mabilis na pumasok ng kwarto. Akma sana silang lalapit sa anak ko na buhat ni Den nang pigilan sila ni Justine.

The Reality (MSF book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon