Chapter Thirty-One

22.2K 415 31
                                    

Nakatitig ako sa mukha ni Den na ngayon ay naglalagay ng bandage sa noo ko. Lumuhod ito sa harapan ko kaya napalunok ako ng sunod sunod. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya at mas lalo akong nailang. I saw Ara on my peripheral vision kaya nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi.

"Masakit pa ba?" Tanong ni Dennise.

"Yeah, i mean hindi na." Taranta kong sagot at kaagad na nag-iwas ng tingin sakanya. Nakakahiya ang bastos naman nun.

"Yung totoo Ly, masakit pa ba o hindi na?"-Den

Hindi ako sumagot at bigla nalang tumayo. "Huy sagutin mo siya!" Mapanlokong sabi ni Ara. Sinamaan ko siya ng tingin at akma sanang maglalakad palayo ng maramdaman ko ang kamay ni Den sa kamay ko.

"Sorry na. Hindi ko naman sinadyang tapakan yung preno kanina eh." Malungkot na sabi niya.

Muntik na kasi kaming maaksidente kanina. Ewan ko ba, sinabi ko lang naman yung sinabi ng daddy niya tapus bigla nalang niyang tinapakan yung preno. Sinong hindi maiinis at magagalit dun? Pinapahamak niya sarili niya eh, tapus ang bilis niya pang magpatakbo. Oo mahiyain ako, pero feeling close ako pag ganung usapan.

"Labas lang ako!"-Ara

"Tol! Wait moko." Sigaw ko sakanya.

"Sabay na kayo ni Den! Bye love you. Muah!" Sabi pa nito at sinabayan pa ng kindat at flying kiss.

Humarap ako kay Dennise at nakatingala ito saakin. Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko na pinagtaka ko. Tumayo ito at tumingin sa likuran ko. "I meant it, im sorry." Malumanay niyang sabi.

"Sorry rin kung..."

"No. Ako dapat yung mag sorry. Kasi muntikan ka na namang mapahamak ng dahil saakin."-Den

Yumuko ako at pinagpantay ang mukha naming dalawa. "Oo na, you're forgiven miss Dennise. Pero smile ka muna, yung smile mo kanina." Pagpapasigla ko sakanya. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng labi niya at pinangiti iyon. "Oh huh! Ang cute cute mo na!" Tumatawang biro ko.

Ngumiti na nga ito at hindi ko napaghandaan ang pagsundot niya sa tagiliran ko, kaya kaagad akong napalayo sakanya. Binelatan ko siya kaya naman mabilis kong binuksan ang pintuan at tumakbo palabas.

"Ahm! Hindi ito beach para mag habulan po kayo!" Sabi nung Ella saamin. Natigil ako sa pagtakbo at tumingin kay Denden.

"Panira ka talaga ng moment besh!"-Den

"Oo nga eh! Kanina pa yan nambabara! Ang sarap itulak sa pool." Singit nung Rachel ata yung pangalan.

"Ganyan talaga pag walang lovelife ate! Bitter!" Tumatawang biro ni Jia. Oo si Jia lang ang memories ko ang name. Lagi ko kasing napapanood yan sa may teleserye achuchu sa tv. Ewan.

Hindi na ako nakisingit at naglakad sa may nakalagay na 5 ft. Nakaboxers at sando lang naman ako, kaya ok lang yan. Daming alam nung gwardiya! Dapat bathing suit lang daw. Hmp! Mas ok na to. Makatalon na nga!

Nang bumagsak na ako sa pinakamalalim na bahagi ng pool ay nanatili muna ako doon. At ng makataas ako ay saka ko nakita si Myco na nasa isang gilid. May kausap itong babae, pero hindi ko kilala. "Huy Alyssa!" Tawag nito saakin, kaya napilitan na akong ngumiti sakanila. "Nasaan si Den?" Tanong nito at nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya.

Hinanap ng mga mata ko si Den at nginuso nalang kung nasaan siya. Hindi iyon na gets ni Myco kaya tinuro ko na si Den gamit ang hintuturo ko. "Salamat, pare." Sabi pa ni Myco bago humarap sa babaeng kasama niya, napalunok ako ng sunod sunod ng makitang hinalikan niya ito sa labi. Umiwas ako ng tingin at lumangoy sa kabilang gilid.

The Reality (MSF book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon