Sana laging ganito ang pag gising ko. Yung sobrang sarap sa feeling? You feel energized and full rested.
*buzz *buzz *buzz
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at inabot ang phone sa table. I look at Jus na ngayon ay mahigpit ang pagkakayakap sakin. "Good morning love." Nakangiti kong bati bago siya halikan sa noo.
"Morning. Ang aga aga cellphone na nmn inaatupag mo." Sabi nito habang nakapikit.
"May nag txt kasi."
Tumango lang siya kaya binuksan ko na ang phone ko. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng makita ang txt ni Den.
From: besh Den
'We all automatically close our eyes when we experience something beautiful like a happy dream or an intimate kiss. These days, whenever I close my eyes all I see is YOU!'"Yang labi mo baka mapunit." Tumatawang sabi ni Jus na nakaupo na sa tabi ko. Inaayos nito ang buhok niya kaya kitang kita ko ang mapuputi niyang kili-kili.
"Kaya naman pala may amoy kalamansi eh."
Kumunot ang noo nito at inamoy ang kili-kili niya. "Hindi naman ah?" Takang tanong nito saakin kaya humalakhak na ako. "Eer, kainis ka!" Sabi nito at nag umpisang kurutin ako sa tagiliran.
"Hahaha, maasim ka talaga noh? Haahaha, maligo na yan oh!"
"Che!"-Jus
Binelatan ko lang siya habang umiikot sa kama. "Maligo kana, magmamass tayo." Sabi ko skanya.
"Oo na nga. San tayo mag mamass?"-Jus
"Magtatanong tayo kay Aling Rosa kung may malapit bang simbahan dito."
"Sino si aling Rosa?"-Jus
"Yung kapitbahay natin. Di mo pa ba siya nakikita?"
"Hindi pa naman."-Jus
Umiling lang ako bago tumayo at nag-inat. "Masarap ba tulog mo?" Tanong ko skanya.
"Sobra. May kayakap ako eh."-Jus
"Ganyan tayo eh... Chansing."
"Ang feeling."-Jus
"Totoo kaya. Naku di na ako virgin oh, rinape moko ng yakap kagabi." Tumatawang sabi ko habang naglalakad patungo sa pinto.
"Eerr, ang hangin lang oh! Ke aga aga tinatangay na nmn ako."-Jus
"Oh my gosh! Kumapit ka!" Sabi ko pa at hinawakan ang kamay niya. Agad niya akong hinampas sa braso kaya tumakbo na ako pababa.
"Hahahahaha basag siya oh. Hahha." Tumatawang sabi ko habang nakahawak sa chan ko. "Grabe! Ang saya tlaga ng umaga ko."
"Oo ng umaga mo, pero pag uwi mo ng dorm mawawala na yan."-Jus
"Ok lang, atlist nag enjoy ako ng two days with you."
Ngumiti lang siya sakin bago lumabas ng bahay. Habang naliligo si Jus ay ako naman ang nagluto ng breakfast namin. Masipag naman talaga ako, hindi lang halata. Kasi laging si Den ang gumagawa nito sakin, sweet noh? Nag iba nga lang ngayon...
Nasiraan na ata ng bait dahil sa kasweetan hahaha. Pero sssh, hindi niya alam yun hahaha.
"Ays! Tinamaan ka na nmn. Kinakausap ka ba ng plato at nginingitian mo?"-Jus
Nagmake face lang ako saknya at kinurot siya sa pisngi. "Ang cute cute cute mo Jus. Hmmm, sarap pang-gigilan."
"Ouch..." Daing nito at hinawakan ang pisngi niya. "Ang sakit." Naiiyak na sabi niya bago ako hampasin ng malakas.
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomanceMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.