Alyssa Valdez
Habang nakadikit ang hintuturo ko sa sentido niya ay biglang pumasok sa isip ko ang kasama siya sa harapan ng altar. Kumabog ng husto ang puso ko dahil sa isiping iyon. Kusang ngumiti ang mga labi ko at bigla nalang akong nagsalita ng...
"Ang ganda mo Denden, crush na kita." Pumikit ako ng ilang beses at napakagat labi. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at nakita ko ang saya sa mga mata niya, ang kakaibang saya na nakita ko sakanya. Na siya namang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa pagkatao ko.
Inilayo ko ang daliri ko at mas lalong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinaplos ko ulit ang sentido niya at mas lalong lumapad ang ngiti. "Bagay sayo tong nunal mo. Bumagay sa maganda mong mukha." Masuyong sabi ko.
Napansin ko ang pamumula ng mukha niya kaya kaagad akong lumayo. Nag-iwas ako ng tingin at napakamot nalang ng batok ng makitang nakatingin silang lahat saamin. "May problema ba?" Takang tanong ko sakanila.
Mas lalo akong nakaramdam ng kahihiyan dahil sa pagtawa nila ng malakas. Tumayo ako at akma sanang aalis ng biglang magsalita yung Gretchen. "You really are Alyssa Valdez hahaha!" Sabi pa nito.
Humarap ulit ako sakanila at kinakabahang ngumiti. "Alam mo ate Aly? Be yourself nalang. Saka huwag kang ma-ofend, kasi lahat ng sinasabi namin biro lang. Kaibigan mo kami, wag kang mailang." Sabi nung babaeng nakasalamin, Dzi ata pangalan nun.
"Oo nga tol! Hindi ka na iba saamin. Umupo ka nalang ulit."-Kim
"Oo nga naman, saka sabi ni Ara palabiro ka rin daw?"-Rachel
Nanatili akong nakatayo at tumingin sakanila isa-isa. "Beshie na kita! Yehey!" Biglang sigaw ni Ella at yumakap pa saakin. Inalalayan ko siya at humawak sa bewang niya.
"Naku Ella! Mababatukan ka na naman!"-Bang
"I know! Mukhang mabibigat na ngang drama ang ginawa nung isa kanina eh." Natatawang sabi ni ate Fille.
Humiwalay na nga si Ella at nagsalita "asus! Kung hindi ko nga lang mahal ang buhay ko matagal ko ng pina-ibig si Aly." Tatawa-tawang sabi nito, bago umupo.
"Anong masasabi mo dun tol?"-Ara
"Pwede. Maganda naman si Ella."
"Ay naku! Denden, lahat ng babae sinasabihan niya ng maganda."-Jia
"Eh lahat naman talaga ng babae sa mundo maganda, yung mga lalake gwapo. Wala namang pangit dba?" Nakangiting tanong ko sakanila.
Nakita ko ang paghulog ng hawak ni Michelle na plastic cup. Napatingala silang lahat at napanganga. May mali ba sa sinabi ko? Nag-iwas ako ng tingin at nagkamot nalang ng ulo. "Hehe. May mali ba sa sinabi ko?" Takang tanong ko sakanila.
They all shook their heads kaya napailing nalang ako at umupo ulit sa tabi ni Denden. Nang makabawi sila sa mga reaction nila kanina ay nag-umpisa na naman silang mag-ingay. Shempre nakisama na rin ako. Marami naman kaming napag-usapan, ang dadaldal nila. Lalo na yung mga wafs, nakakaawa nga yung kwento nila tungkol kay Ara. Di ko alam na nagka ACL, MCL at bone bruises pala siya noon.
Mabuti nalang daw at gumaling yung tuhod niya, kasi pag hindi. Hindi na siya makakapaglaro kahit kailan. De La Salle daw ata yung team nila Mika, Michelle Gumabao, Kim at si Aby Maraño. Tapus yung kila Denden and the rest Ateneo daw ata. Narinig ko na rin yun, kasi sabi ni Ara dun daw ako nag-aral which means rivals kami inside the court.
Well, yan yung kwento nila. Parang ang saya-saya ata ng buhay ko noon, pero sabi rin nila wag ko na daw pangarapin ang balikan iyon. Kasi nga past na daw. Hindi ko nga alam eh, nung yun ang usapan parang ingat na ingat silang magsalita. Pero ok lang naman saakin yun, atlist nga nakakapag kwento sila eh.
BINABASA MO ANG
The Reality (MSF book2)
RomanceMy Secret Fiancé's book 2. Better read the book 1, so that you can understand... This story.