c h a p t e r t w o

58 20 0
                                    

Amor's POV

Kagigising ko lang no'ng tumawag siya sa akin. Gusto niya akong makita sa lugar kung saan kami unang nagkita.

Sinabi niya rin na may importante siyang sasabihin kaya naman dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng maganda.

6 pm ang gusto niyang oras para kami'y magkita. Sobrang excitement ang aking naramdaman na may halong kakaibang kaba.

Ilang buwan na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil na rin sa sobrang busy namin sa kaniya-kaniyang trabaho.

10 minuto bago ang alas sais ay nakarating na ako sa lugar kung saan kami magkikita at hanggang ngayon ay ramdam ko ang kaba.

Ilang minuto ang nakalipas at saktong alas sais ay dumating na siya dala ang paborito kong tsokolate. I was ecstatic when I saw the chocolates in his hands but his apprehensive expression suddenly changed my mood.

Umupo siya sa paborito naming bench at tinabihan ko siya. Gusto kong magsalita pero ayaw bumuka ng aking mga bibig.

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya tulad ng kumusta na siya, miss ko na siya, at I love you pero pareho lang kaming tumingin sa mga bituwin.
Mag-iisang oras na kaming nakatitig sa kalangitan. At noong nagtagal pa ng ilang minuto ang ganoong pangyayari ay hindi na ako nakapagtiis kaya naman naglakas-loob na akong magsalita.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin?" panimula ko sabay titig sa kaniyang mukha. Umaasa akong babalingan niya rin ako ng tingin ngunit hindi niya ito ginawa.

"Ayoko na, pagod na ako Amor," mga salitang tanging lumabas sa kaniyang bibig.

"Edi dapat hindi mo na ako tinawag dito at nagpahinga ka na lang. Siguro nami-miss mo na ako, 'no?" pabiro kong sabi.

"Iba ang ibig kong sabihin," naiiyak nitong sabi.
Alam ko ang gusto niyang ipaintindi sa akin. Ayoko lang isipin na ayaw na niya, na sawa na siya, na nanlamig na siya.

8 years na ang nakalilipas simula no'ng nagkakilala tayo. I want to kiss you, I want to hug you, and I want to hold your hand.

Pero hindi ko iyon magawa ngayon. Nanigas ang aking katawan sa mga narinig ko. Hindi ko maigalaw kahit ang aking mga kamay. Nanghina ako na parang babagsak ang aking katawan.

Ngunit nagpakatatag ako at imbes na ipakitang nasasaktan ako ay ngumiti na lang ko na parang walang nangyari. Tinanong ko siya kung bakit pagod na siya sa normal na paraan.

"I am sorry," tanging sagot niya sa tanong ko.
Tatlong salita na kayang tapusin ang lahat. Walong letra na maaring magpasaya o magpalungkot sa'yo. Pero sa sitwasiyon ko ngayon sobrang sakit ang aking nararamdaman.

Bumuntong-hininga ako at pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit dahil natatakot ako na baka iyon na ang huling yakap ko sa kaniya.

Habang yumayakap ako sa kaniya nang mahigpit ay tinanong ko siya. "Can you love me until the end?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan sa magiging sagot niya.

"Yes," tipid nitong sagot na naging daan para mawala ang kabang aking nararamdaman. Lumuwang ang aking pagkakayakap sa kaniya.

"Pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa'yo noon. Mahal kita bilang isang kaibigan na lang," direktang tumulo ang mga luha ko mula sa aking mga mata.
Ang saya ay biglang naging lungkot. "Bakit ang paasa mo?" tanong ko sa aking isipan.

"May mahal ka na bang iba?" pilit na tanong ko sa kaniya.

Naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot niya ngunit wala akong narinig ni isang salita.
"May mahal ka na bang iba?" pag-ulit ko na may halong diin.

Between ThemWhere stories live. Discover now