c h a p t e r t h i r t y - n i n e

7 5 0
                                    

Third Person's POV

Umuwi na parehong sawi sina Jerome at Brian. Alam na nilang dalawa na mangyayari ang lahat ng 'yun kaya naman medyo handa sila sa nararamdaman nila.
Kinaumagahan ay pumasok silang dalawa ng kanilang usual na pagpasok. Napansin nilang wala ang dalawa kaya naman nakaramdam sila ng lungkot.

Maging sila ay hindi pa rin nakaka-move on sa nangyari hindi pa rin ito naging dahil para sila'y lumihan. Hindi naman in-expect ng dalawa na magkakasabay sila sa lunch. Madalas kasing pareho ang kanilang pinagkakainan.

Dahil nga friends naman ang dalawa naisipan nilang sa isang table na lang sila kumain. Halata sa mga mukha nilang may hindi magandang pinagdadaanan ang dalawa.

"Jerome, may problema ka ba?" casual na tanong ni Brian.

"Nagsalita ang halatang may problema rin,"  saad naman ni Jerome saka sumubo ng kanin.

"Alam mo bang na-busted ako kagabi?" may diin na sabi ni Brian.

"Sino? Ay, kilala ko na. Si Isabel, 'no?" nakalolokong sambit ni Jerome.

"Galing manghula eh samantalang na-busted din naman siya. Sino? Si Amor, 'no? bawi ni Brian.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ni Jerome.

"Siya lang naman ang nililigawan mo eh," tugon ni Brian.

Alam ng dalawa kung sino ang nililigawan ng isa't-isa. Parehas nilang sinusuportahan kung sino ang nililigawan nila.

"Pero Brian alam mo kahit na binusted ako ni Amor hinding-hindi ko titigilan ang panliligaw sa kaniya hanggang sa mapasagot ko siya," pahayag ni Jerome na may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ako rin. Hindi ko man siya napasagot sa unang pagkakataon susubukan ko pa rin hanggang sa maging kami," seryosong wika ni Brian.

Masayang bumalik sa trabaho ang dalawa na may halong panibagong pag-asa.

Ilang araw na ang nakalilipas ay hindi pa rin maka-move on sina Amor ar Isabel. Nag-leave rin ang dalawa sa kanilang trabaho para na rin siguro makapag-isip-isip. Kailangan nila ng oras para makapagpahinga hanggang sa makabalik sa dati.

Ilang araw na rin silang binabangungunot sa kanilang mga ginawa. Para silang may pinatay na ngayon ay binabalikan dahil sa 'di matahimik na kaluluwa. Lagi nilang iniisip ang mga lalaking ni-reject nila.

Dahil nga ba sa awa o baka naman may something na? Paulit-ulit nilang nararamdaman na mali ata ang nagawa nilang desisiyon.

Samantala sa mga lumipas na araw ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng kung ano-ano sina Brian at Jerome para sa kanila. Pilit ipinaglalaban ang kanilang pagmamahal. Ayaw sumuko ng mga pusong uhaw sa pagmamahal.

Sila 'yung mga klase ng lalaking hindi basta-basta sumusuko sa laban. Alam kasi nilang pagsubok lang ang pangre-reject sa kanila. Gagawin pa rin nila ang lahat para lang makamit ang matamis na oo. Naniniwala sila na darating din 'yung time na mamahalin din sila pabalik ng mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit nalilito ngayon sina Isabel at Amor. Sa tuwing umaasa ang dalawa hindi nila mapigilan na bigyan pa ng chance sila para manligaw. Hindi nila maikakaila na totoo talaga ang nararamdaman nila sa kanila. May chance pa kaya silang dalawa?

Amor's POV

It's been days pero hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over. Ewan ko ba, ang hirap kasing tanggapin 'yung ginawa ko. Ilang araw na rin siyang hindi mawala sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Should I just give him a chance? Paano kung mag-failed ulit? Edi mas doble 'yung sakit. He deserves someone better than me. Nanumbalik ako sa aking presensiya nung biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto.

Between ThemWhere stories live. Discover now