c h a p t e r t h i r t y - o n e

19 14 0
                                    

Brian's POV

Maaga akong nagising para bumili ng bulaklak na ibibigay kay Isabel. This is my first day sa panliligaw sa kaniya kaya naman uumpisahan ko muna sa pagbibigay ng bulaklak. Ganito rin 'yung ginawa ko nung nanligaw aki kay Hailey.

Naligo muna ako at nag-almusal bago umalis ng bahay para diretso na sa pagtatrabaho. Sumakay na ako ng kotse at dumiretso sa flower shop na laging kong pinagbibilhan ng bulaklak. Binuksan ko ang pinto ng flower shop.

"Good morning po! Kuya Albert," bati ko rito at tumingin-tingin ng mga bulaklak dito.

Kumpleto sila rito ng iba't ibang bulaklak kaya naman sa tuwing bibili ako ay nahihirapa akong pumili sa sobrang. "Ito na lang pong red roses," sabi ko at itinuro ko ito.

Ilang sanadali pa ay natapos na rin ito sa pag-aayos. Inabot ko ang aking bayad at saka nagpasalamat. Umalis na ako at dumiretso na sa kumpanya. Nakangiti kong pinark ang aking kotse habanng napansin ang baguhang lalaki na aking uutusan para mag-abot ng bulaklak kay Isabel. Kailangan kasi hindi nila malaman na nangliligaw ako kay Isabel.

Baka magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ibang mga workmates ko. Pinsan ko pa naman ang CEO ng company namin. Saka na lang kapag kami na. Binuksan ko ang aking kotse at bumaba kasabay ng mga bulaklak.

"Sir, good morning po!" bati nito sa akin.

"Okay, kilala muna kung sinong babae ang pagbibigyan mo hindi ba?" tanong ko rito.

"Yes, Sir," masigalang tugon niya at sumaludo pa ito sa akin.

"Good. Mamayang 2 pm mo ito ibibigay ah. Maliwanag?" bilin ko at binaba na nito ang kaniyang kamay at ngumiti.

"Noted Sir," wika niya at saka ito tumango.

"Thank you," sinserong saad ko.

"No problem, Sir. Papasok na po pala ako."

At umalis na ito. Iniwan ko muna ang bulaklak sa aking kotse. Mamaya ko na lang ibibigay ang susi sa kaniya kapag kailangan na niyang ibigay ito. Maingat kong inilagay ang bulaklak sa kotse.

Pagsara ko ng pinto ay naglakad na ako papuntang office. Napansin kong pumasok na rin si Isabel pagkatapos kong makaupo makalipas ang ilang minuto.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa kaniyang pag-upo. Bahagya itong pangiti nung parang may tinitignan ito sa kaniyang lamesa. Dahil sa curiousity ko ay hindi ko na napigiling tumayo ng konti at sinilip kung ano ang dahilan ng pagngiti nito.

Isang regalo? Nakita kong inilagay nito ang regalo sa drawer ng kaniyang desk. Bumalik na ako sa pagkakaupo ko at nagtrabaho. Tinignan ko lang si Isabel sa bawat tatlumpong minutong lumilipas.
Sa pang-apat na pagkakataon ay napansin kong nilagay niya ang regalo sa isang fridge. Ibig sabihin chocolate 'yun na kadalasang ibinibigay.

Ang tanong sino kaya ang nagbigay nun? Bumalik na ito sa pagkakaupo. Bago pa man ako bumalik sa aking pagkakaupo ay napansin kong si Jerome ay may tinignan din sa fridge. Anong bang meron ngayon bakit may tinitignan sila sa fridge? Ako lang ba ang walang chocolate? Hinayaan ko na lang dahil wala namang akong paki-alam.

Dali-dali kong chineck ang aking desk kung may chocolate din ako. Pati sa drawer ng desk ko wala rin. Hinayaan ko na lang baka bukas pa ako magkakaroon. Hahaha.

Mabilis lang akong nag-lunch dahil sa excitement at kabang nararamdam ko. Malapit na kasing mangyari ang plano ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinintay ko na lang ang before 2 PM para para mabuksan na ang kotse at maibigay na sa baguhang si Albert ang bulaklak na kailangan niyang ibigay kay Isabel.

Between ThemWhere stories live. Discover now