e p i l o g u e

13 5 0
                                    

Third Person's POV

Destiny has its funny way to tangle our lives. People come, peole go. It's a matter of believing that someday even in a most impossible times of your life there is a person can prove that true love does exist.

We experienced pains, heartbreaks, betrayals, etc. We also experienced love, happiness, victories, etc. Remember that these things can happen in your life and no one can stop it.

Hindi talaga natin alam kung anong plano Niya sa atin. 'Yung inakala mong hindi mo na mararanasan o ayaw mo nang maranasan ipaparanas Niya pa rin lalo na't sa ikabubuti mo ito. Ang daming puwedeng mangyari na hindi mo inaasahan kahit na alam mong napaka-imposible nito.

Nag-uumpisa ang lahat sa pagiging estranghero, pagkakaibigan, tapos boom! Hindi mo alam nahulog na pala kayo sa isa't isa. Nakaka-inspire na ang mga taong nasaktan at bumangon nagsasama tapos makabubuo ng isang love story. Ibig sabihin kahit ano palang gawin natin sa love pa rin tayo babagsak. Kahit nga sa paggawa ng hindi maganda minsan dahil pa rin sa love nagagawa nila ang mga bagay na 'yun.

Ang saya siguro talaga sa pakiramdam na mahanap 'yung taong mamahalin mo hanggang sa dulo. It's also a matter of choice, kung hahayaan mo ba ulit ang sarili mo na magmahal o pipigilan mo, take it or not. Pero sa pagkakataong ito parehas nilang binuksan ang bawat puso para maniwala ulit sa power ng love. Nag-risk sila kahit alam nilang may chance pa rin na sa huli masasaktan lang sila.

6 months later

"Para tayong baliw 'no? Kunwari may surprise eh samantalang alam naman na naming magpo-propose kayo," saad ni Isabel na halatang kunwaring kinikilig.

"Ssshhh. Huwag kayong maingay malalaman nilang scripted lang 'to,"  sambit ni Jerome na kumukuha ng video sa kanila. Nasa gilid naman si Amor na kanina pa tawang-tawa.

"Sandali. Kailangan ulitin natin. Dapat kasi 'yung makatotohanan," sigaw naman ni Brian.

Dahil doon inulit nila 'yung mga ginawa mula umpisa. Nag-practice saglit ang dalawa bago mag-umpisa. Ilang minuto lang ang nakaraan bago nag-umpisang muli ang pagvi-video.

"One, two, three. Action!" pagbilang ni Amor na parang director.

"Saan mo ba ako dadalhin. Brian hindi na 'ko natutuwa. Ano ba kasing meron?" wika ni Isabel habang nakapiring at hawak hawak ni Brain ang kaniyang kamay.

"Okay. Puwede mo nang buksan," utos ni Brian.

Lumuhod ito at inilabas ang isang maliit na box na may lamang singsing. Dahan-dahang binuksan ni Isabel ang kaniyang piring. Pagkagulat ang naging expression nito.

"Will you be my wife?" seryosong tanong nito.
Naiiyak si Isabel na anytime babagsak na ang kaniyang mga luha. Tila ba nakalimutan na nitong acting lang ang lahat.

"Y-yes," diretsang sagot nito sabay pagpatak ng mga luha niya.

Isinuot naman ni Brian ang singsing sa daliri ni Isabel. Niyakap nila ang isa't isa nang sobrang higpit.
Parang naiiyak na rin tuloy si Amor ngayong sa mga nakikita.

Nagpalit naman sila ng mga posisiyon dahil ngayon ang wedding proposal naman ni Jerome ang ivi-video.
"One, two, three. Action!" sigaw ni Isabel.

Steady lang ang pag-camera ni Brian. "Amor, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," confident na sabi ni Jerome.

"Will you be my wife?" seryosong tanong nito kay Amor.

Napangiwi naman si Brian dahil ginaya ni Jerome ang linya niya. Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Amor. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.
"Yes," tugon ni Amor sabay ngiti kay Jerome.

Between ThemWhere stories live. Discover now