c h a p t e r t w e l v e

48 21 0
                                    

Amor's POV

Haaay! Napahikab ako at napa-unat ng katawan pagkagising ko. Tinatamad akong tumayo siguro dahil na rin sa walang pasok ngayon, sunday kasi. Inabot ko ang cellphone ko sa table mula sa aking kaliwa para tignan ang oras. 6:09, masiyado pang maaga gusto kong umidlip muna para ma-consume ang oras.

8:02 am

Ano ba 'yang ingay na naririnig ko? Bakit masiyadong malakas? Sigurado akong hindi 'yun tawag.

Napatingin ako sa cellphone ko, okay alarm lang pala. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kisame para magmuni-muni.

Naiinis ako dahil wala man lang dalawang oras ang pagtulog ko. Habang ako'y nakatingin sa kisame ay may naalala ako kung bakit ko in-alarm 'yung phone eh samantalang alam ko naman na walang pasok ngayon at day off ko bukas.

Kinusot ko ang aking mga mata at tumayo na mula sa aking kinahihigaan. Inayos ko muna ang aking higaan bago lumabas ng kuwarto.

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking higaaan. Habang binubuksan ko ang pinto ay chini-check ko rin ang aking messenger kung may nag-messege pero mas nakapukaw ang aking atensiyon sa isang notification.

Papunta na ako ng kitchen para maghanda ng almusal. Tulog pa ang aking kapatid dahil wala rin itong pasok. Pinindot ko kung ano 'yung notification.
Ah, sa calendar pala. Binasa ko kung anong event ngayon, bibisita sa probinsiya. Hala! Ngayon pala 'yung araw ng pagbisita ko at isa rin sa dahilan kung bakit ako magde-day off bukas.

Sabagay, malapit lang naman 'yung pupuntahan ko. Mga dalawa hanggang tatlong oras lang 'yung biyahe.
Papunta na ako sa kuwarto ng aking kapatid para gisingin siya at sabihin kung saan ako pupunta. Akm na akong kakatok sa kaniyang pinto nang bigla na lang niya itong buksan.

"Good morning," bati ko rito.

"Uhm, may pupuntahan sana ako ngayong araw at sa lunes ng kinagabihan na ako makakauwi," pagpapaalam ko sa kaniya.

"Ano? Saan naman?" kunot-noong tanong niya.

"Naalala mo ba 'yung lugar kung saan tayo tumira nung mga bata pa tayo? Sa Laguna, 'yun ang pupuntahan ko. Gusto ko lang kasing magpahinga para at least ma-relieve 'yung mga stress na nararamdaman ko," pagdadahilan ko.

"Ah, okay! Basta pasalubong. 'Wag kang mag-alala ako muna ang bahala rito sa apartment," sambit nito habang nakangiti nang malawak.

Parang may something sa sinabi niya. "Hoy, hoy, hoy alam ko 'yang balak mo ah. Baka naman papuntahin mo rito 'yung mga kaibigan mo at magpa-party kayo," supladang wika ko sabay turo sa mukha niya.

"Party? As if naman na papayag sila," pagtataray niya saka niya binaba 'yung kamay na nakaturo sa kaniya.

"Hindi rin sapat ang space nitong apartment para magparty. Don't worry Ate I'll be busy these coming days kasi may mga gagawin akong reports," dagdag pa nito.

"Siguraduhin mo lang talaga ah," masungit kong pahayag saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Of course ate," pagtataray din nito sabay taas niya rin ng kilay.

"Sige. Kain na muna tayo bago ako umalis," aya ko rito.

Nauna na akong naglakad papuntang kusina para kunin ang mga niluto ko. "Hindi pa ako gutom Ate, mamaya na lang," pagtanggi nito.

Tinignan ko naman siya at nakita kong isinara na niya ang pinto. Okay kung 'yun ang gusto niya.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay natapos na ako sa pagkain, pagligo, at pagbihis.

"Quency mauna na ako," pasigaw kong tawag sa kaniya bago ko isinara ang pinto.

Ilang segundo rin ang lumipas makatapos kong isara ang pinto bago siya sumagot. "Sige, Ate. Ingat."

Between ThemWhere stories live. Discover now