c h a p t e r t h r e e

56 20 0
                                    

Isabel's POV

Sobrang sikat niya na ngayon at siyempre proud na proud ako dahil isa ako sa mga tumulong kung nasaan man siya ngayon.

Today is his conference meeting. So, I was expecting na may mga tanong siyang kailangan sagutin sa mga taong naririto. Nag-uumpisa na ang tanungan portion.
"Kung papipiliin ka ng genre ng isang pelikula o series na pagbibidahan mo, ano iyon?" tanong nung babaeng malapit sa harapan.

"Well, sa totoo lang kahit anong genre gusto ko pero if I will have a chance maybe I would choose Romance," tugon niya sa babae.

"Bakit?" follow up question nung babae.

"I want to make every girl na kiligin," pagpapaliwanag nito.

At naghiyawan ng sobrang lakas ang mga tao rito sa loob. Pati ako kinilig sa sinabi niya, maiksi pero dama.

Marami pa ang mga tanong na sumunod like anong ideal girl mo (parang ako ata dinidescribe niya, charot!), favorite food, hobby, etc. Then a girl suddenly ask an intimate question.

"Do you have a girlfriend?" biglang natahimik ang kanina'y malakas na hiyawan. Karamihan ay kinakabahan sa magiging sagot ni Andrew.

Mabilis akong nakaramdam ng parang karera sa loob ng dibdib ko. Unti-unti ring namuo ang pawis sa noo ko. Ilang segundo na ang lumilipas subalit wala pa itong sagot. Napabuntong-hininga ako bago pa man siya nagsalita.

"Wala pa," tugon niya. Bigla silang naghiyawan.
Samantalang nanlaki naman ang mga mata ko. Parang gusto kong sumugod sa harap at ipagmalaking girlfriend niya ako. Pero hindi ko magawa dahil alam kong gulo lang ang mangayayari.

Pakiramdam ko ginagawa niya lang 'yun kasi ayaw niya na magulo ang relationship namin at may maki-alam sa private life niya. Mas lalo akong nalungkot sa mga sumunod na tanong.

"Meron ka bang crush o artista na gustong makapareha? If meron sino at bakit?" tanong naman nung isang lalaki sa bandang harap.

As usual umpredictable sagot niya which is oo. "Si Reychel Dominguez," agarang nitong sagot.

Mas lalo lumakas ang hiyawan ng mga tao. I wish na sana artista na rin ako para masabi niyang ako talaga ang hinahangaan niyang artista pero hindi eh.
"Bakit siya?" sigaw nung lalaki sa likod.

"Uhm! Siguro kasi mabait siya, matalino, humble, talented, at marami pang iba," tugon ni Andrew.
Iba 'yung naramdaman ko sa pagsasagot niya. Sincere. Walang halong joke. Seryoso. Pakiramdam ko tuloy parang wala lang ako.

Lumipas ang halos isang oras bago natapos ang conference. Nang pumasok na sa van ay tinawag ko siya para maka-usap pero hinarangan ako ng mga guwardiya niya.

Nagtanong sa 'kin 'yung guwardiya. "Kaano-ano niyo si sir Andrew," tanong nung isang body guard niya.

"Girlfriend niya po," sagot ko naman dito.

Tumawa nang malakas 'yung body guard kasama ng ibang mga fans niya na kanina pa nagkikikumpulan.

"Siya?"

"Seriously?"

"Tama na sa pag-aadik Ate."

"Assumera si Ate."

"Weh? 'Di nga?"

"Single pa ang aming Andrew. Hindi kayo bagay."
Mga bulong ng ibang tao sa akin. Ang sama pa ng tingin nung iba.

"Totoo po," pagpupumilit ko rito.

Hinintay ko kung anong magiging reaksiyon nung body guard pero hindi na niya ako pinansin. Mayamaya pa'y umalis na ang sasakyang sinasakyan ni Andrew.

Between ThemWhere stories live. Discover now