c h a p t e r e i g h t e e n

46 21 0
                                    

Third Person's POV

Magkatabi sina Amor at Jerome sa left side ng table at samantalang nasa right side naman ng table sina Brian at Isabel na katapat ni Jerome.

Nasa kabilang table naman ang iba pa nilang katrabaho. Medyo kakaiba ang restaurant na pinuntahan nila dahil may mga pagkaing luto na nakahain sa isang malaking lamesa at sa katabi nito ay ang mga pagkaing hindi pa luto o sa madaling salita mga puwedeng ihawin na pagkain.

Um-order ang sir nila ng 3 bucket ng alak para sa inumang magaganap mamaya. Isa-isa na silang tumayo at kumuha ng makakain.

Naunang tumayo si Jerome na halatang gutom na gutom na at kasaunod naman nito ang tatlo pa niyang kasama sa table. Pinili ni Jerome ang favorite nitong sweet and sour, sisig, kare-kare, at chicken curry. Pinili naman ni Amor ang pastel, afritada, at bicol express.

Si Brian ay kumuha ng Caldereta, dinuguan, lechong baboy, at chicken cordon bleu. At ang kinuha naman ni Isabel ay menudo, lechong manok, giniling, at beef steak. Hininintay ng bawat isa na makarating sa kani-kanilang puwesto bago nagsimulang kumain.

"Thanks sa pakain Sir," pasasalamat ng isa sa mga katrabaho nila. Nagpasalamat din silang lahat sa kanilang sir.

"Walang anuman," tipid ngunit sincere na tugon ng kanilang sir.

Sinumulan na nilang lahat kumain na para bang hindi magkakakilala. Sikat ang restaurant na pinagkakainan nila ngayon dahil sa masasarap na putaheng kanilang inihahain.

May karaoke naman sa itaas para sa mga gustong kumanta habang nagiinuman. Masayang nagkukuwentuhan ang kabilang table samantalang wala namang kibo ang table nina Jerome.

Halos isang oras na ang lumilipas ngunit tahimik pa rin ang apat. Naisipan nang magsalita ni Jerome dahil hindi na niya kayang tiisin ang ganitong klase ng katahimikan.

"Can we talk about our lives?" tanong nito sa kanilang tatlo.

Napatigil naman sina Isabel at Amor sa pagkain samantalang si Brian ay wala namang reaksiyon sa sinabi niya at tuloy lang sa pagkain.

"Okay, kung 'yan ang gusto mo. Pero ikaw muna ang mauna magkuwento," pagpayag ni Isabel.

"Kailangan may specific topic muna tayo," sambit ni Amor bago sumubo ng kinakain niya.

"About work kaya," suhestiyon ni Brian na siyang ikinagulat nilang tatlo.

"Trabaho na naman. Pero okay kung 'yan ang gusto niyo," pahayag ni Jerome.

Mabilis na umukit sa mukha ng dalawang babae ang pagkadismaya sa pagpayag ni Jerome sa topic na sinabi ni Brian.

"Sandali ayoko nung topic puwedeng palitan?" tanong ni Isabel.

"Okay kung 'yan ang gusto mo," pagpayag ni Brian.

"What about tungkol sa families natin?" suhestiyon ni Amor.

"Masiyadong namang intimate 'yung topic eh hindi pa naman tayo masiyadong magkakakilala," hindi pagsang-ayon ni Brian.

"Okay basic questions muna tayo tungkol sa mga sarili natin," saad naman ni Isabel.

Napansin ni Jerome na tapos na pala sila kumain pati ang mga kasama nila sa kabilang table. At parang paalis na ang mga ito.

"Sir, bakit parang paalis na kayo?" takang tanong ni Brian.

"Oo, magbabayad na ako sa counter tapos aalis na tayo," tugon nito.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Amor sa sinabi ni sir. Samantalang nalungkot naman si Isabel sa kaniyang narinig.

Between ThemWhere stories live. Discover now