c h a p t e r s i x

54 20 0
                                    

Amor's POV

Natawa naman ako no'ng sinabi niya i-search ko na lang daw kay pareng google kung saan kami kakain, hahaha. Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi niyang couple meal na lang daw kakainin namin.

Medyo may pagka-makulit din pala 'tong si Sir Brian at mabait. Actually si kuya talaga 'yung may kagagawan eh masiyadong ma-issue kaya 'yan tuloy napapa-assume na naman ako.

Pinapaasa na naman ako ni sir at pa-fall pa. Luh! Ayoko ng ganito gusto ko nang umuwi baka kung saan pa kami makapuna nito. Hotel? Motel? Charot lang, ang landi ko na naman. Self kalma lang okay, normal lang 'yan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang in-order namin. "Wow! Ang sarap."

Akma na sana akong kakain nang bigla niya akong pinigilan. Nakalimutan ko pala na may kasama ako rito. Nagmumukha tuloy akong patay-gutom sa harap niya. Nakakahiya. My gosh! Again, kalma lang self, dalagang Pilipina lang dapat.

Sabay na kaming kumain nang mahinahon. Tapos biglang may nagpop-up sa utak ko. Naisip kong magtanungan portion na lang kami para naman maalis ang awkwardness 101 at hindi kami maboring.

"Sir Brian, puwede ba kitang tanungin?" magalang na tanong ko matapos kong lunukin 'yung nginunguya ko.

Napatigil ito sa pagkain. "Ano naman 'yun?" pahayag nito.

"Puwede bang tawagin mo na lang akong Brian," sambit nito bago pa man ako sumagot sa tanong niya.

"Sige. Magtatanong ako about sa perspective mo about life," tugon ko naman saka ko siya tinuro-turo gamit ang tinidor ko.

"O, sige basta puwede rin kitang tanungin," kondisiyon nito sabay hawak niya sa braso ko para ibaba ito. Nakalimutan kong nakaturo pa pala ito sa kaniya.

"Sure," garantiya ko saka ako muling sumubo.
"Okay ka ba sa life mo ngayon?" unang tanong ko habang ngumunguya.

"Uhm, well okay naman ako. Masaya ako pero parang may kulang na hindi ko alam kung ano 'yun," biglang naging seryoso ang tono ng boses niya.

"Alam mo na may parang kulang pero hindi mo alam," naguguluhang saad ko sa kaniya.

"Oo, basta hindi ko ma-explain pero masaya naman ako ngayon. Ikaw kumusta buhay mo ngayon?" balik-tanong nito sa akin.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Ako? Siguro masasabi kong contented," confident na sagot ko rito.

"What do you mean by contented?" siya naman ngayon ang naguguluhan sa sinabi ko.

"I mean contented ako sa kung ano ako ngayon. Kuntento ako sa kung anong meron sa akin. Kuntento ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Basta kuntento ako sa life ko at thankful," Napahawak-hawak pa ako sa magkabilang pisngi ko sabay tingin sa kisame.

Mabilis akong bumalik sa aking presensiya. "Why I should not be depressed right now or why people should not be depressed?" sunod na tanong ko rito.

"Because we can't live forever," tipid nitong sagot.

"Ikaw, ano naman sagot mo?"

"Because we are all blessed having the chance to live," nakangiting wika ko habang umiinom ito ng tubig.

"Okay gawin nating straight to the point. I'll ask you and answer it. Then I'll answer it after you answered."

Tumango lang ito. "Why other people hate themselves?"

"Because they are insecure, they feel they are not special, and they feel they are good for nothing."
May diin nitong sabi. Para siyang may pinaghuhugutan.

Between ThemWhere stories live. Discover now