c h a p t e r t h i r t e e n

47 21 0
                                    

Jerome's POV

Kasalukuyan akong nasa biyahe papunta kung saan ako nagbakasiyon nung bata pa ako. Gusto ko lang mamasiyal ng kahit ilang araw para naman matanggal ang stress ko. Nakaramdam ako ng pang-ring ng phone ko.

"Hello! Sir, ano po 'yun?" tanong ko rito.

"May gagawin ka ba bukas? Balak ko sanang ipadala 'yung mga reports sa mga naka-meeting ko last week," sambit ni sir.

"Pasensiya na Sir, wala kasi ako riyan sa Manila eh. Nagbabakasiyon ako sa probinsiya. Hindi po ba puwede si Amor?" tanong ko rito.

"Nasa bakasiyon din siya katulad mo," tugon niya.
"Pasensiya na Sir," pahayag ko.

"No problem, Jerome. Baka ako na lang magbigay. I-try ko na lang na isingit sa sched ko. Ingat ka na lang diyan. Sige ibababa ko na," paalam niya.

Ibinababa na niya bago pa man ako makapagsalita. Grabe! Ang bait talaga ni sir.

After 2 hours

Waaah! Ang daming pinagbago ng lugar na 'to. Hindi ko inaasahan ang malaking pagbabago.

Sabagay, 15 years na rin ang nakalipas. Narito ako ngayon kung saan ako huling nagbakasiyon nung bata pa ako. Binisita namin sina lolo at lola nun kasi nga gusto na ata maghuling habilin.

Siyempre matanda na rin sila. Nasa 80+ na ata sila noon kaya kung saka-sakaling mamatay man sila eh nakapaghabilin na sila at hindi na mangangamba sa mga bagay na hindi nila nagawa nung sila'y nabubuhay pa.

Namatay na sila 10 years ago pero narito ako binibisita ang lugar nila. Gusto ko kasing balikan 'yung mga panahong hindi pa masiyadong nakaka-stress ang buhay, mga panahong ako'y bata pa.

Nakakamiss kasi tapos ang fresh pa ng air hindi katulad sa lugar na tinitirahan ko masiyado nang polluted. Nakakamiss 'yung mga bagay na nagagawa ko noon na ngayon hindi ko na magawa. Nakakamiss 'yung mga panahong bibigyan ka lang ng tsokolate ay masaya ka na. O kaya 'yung tipong kahit sa maliliit na bagay ay sasaya ka na.

Ang sarap siguro balikan ang mga oras na iyon. Ang sarap sa feeling na lahat ng iyon naranasan ko, o in short na-enjoy ko ang pagkabata ko.

Hindi katulad ngayon na puro cellphone na ang hawak ng mga bata. Mataas na rin ang demand nila dahil hindi na sila nakukuha sa simpleng mga bagay, nakikipagsabayan na kasi sila kung anong kailangan ng mga matatanda.

'Yung tipong gusto na agad nilang tumanda ngunit ang hindi nila alam nakaka-stress ang tumanda. Marami sa kanila parang hindi na kayang mabuhay kapag nawala lang sa tabi nila ang phone o kahit anong gadget nila.

Nariyan pa ang mga toxic sa lipunan na tila ba wala nang magawa sa buhay kung hindi ang manira ng kapwa. Hindi ko namalayan nagda-drama na pala ako rito.

Naalala ko 'yung mga ginawa ko sa lugar na 'to lalo na 'yung batang nakalaro ko na hindi ko man lang natanong ang pangalan. Sa totoo lang marami kami nun pero siya lang talaga ang pinaka-tumatak sa akin. Ang daldal ba naman kasi at ang kulit. Mas makulit nga lang ako dahil pinilit ko sila sa isang laro na hindi nila gusto pero napapapayag ko naman sila dahil na rin siguro sa ka-kyutan ko.

Nabo-boring ako nung mga time na 'yun siyempre wala akong kakilala, wala pang nag-a-approach sa akin, masiyado silang busy sa mga bagay-bagay.

Tapos lumabas ako ng bahay nila lola para maghanap ng puwedeng mapaglaruan. Sakto namang may mga batang naglalaro ng nanay at tatay. Binalak kong sumali sa laro nila pero nung nakita ko kung ano 'yung suot ko, sa tingin ko hindi babagay.

Tinanong ako nung batang babae kung gusto ko raw sumali. Siyempre nag-oo ako, 'yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako lumabas ng bahay nila lolo. Pero may isang bagay akong ni-request nung pagkasali ko. 'Yun ay ang paglalaro namin ng kasal-kasalan, hindi ko naman talaga gustong laruin 'yun pero dahil nga sa damit ko iyon ang naisip ko para naman hindi masayang 'yung suot ko.

Between ThemWhere stories live. Discover now