c h a p t e r f o u r

54 20 0
                                    

Brian's POV

*the phone is ringing*
🎵Pull the windows down, the night was young
So we'd hide under the sheets until the dawn
We were calling out familiar thoughts
When we'd find spaces that we once dreamed of
Bright eyes, taking in
Wondering, wondering when it begins
Quiet sky open mind
All of fear cast aside🎵

🎵Sunrise
I have run this far still I find you
Sunrise
Show my weary heart that a new day will soon arrive...🎵

"Hello! Insan, ba't napatawag ka?" takang tanong ko sa kaniya.

"I will take a leave today. Ikaw na muna ang bahala sa office," sambit nito.

"Sure. Ako na bahala," sagot ko naman sa kaniya.
"At may pakikisuyo nga pala ako sa'yo. Samahan mo si Amor para sa pag-check ng mga darating na supplies sa mga factory. At pakisabi pala kay Jerome na siya na muna ang bahala kay Isabel sa pagtuturo ng gagawin niya," paki-usap nito. Nag-oo na lang ako at ibinababa ang tawag kahit na hindi ako sang-ayon sa mga sinabi niya.

Grabe! Bakit siya pa? Puwede namang si Jerome na lang ang lasama niya kasi mas close sila. First time ko pa naman na pupunta sa lahat ng factory. Madalas kasi paisa-isa lang ang pinupuntahan ko. Tapos ang assuming pa naman nun mamaya sasabihin na naman niya pinapahirapan ko na naman siya.

Bahala na nga kung ano mangyari basta be professional na lang 'yun naman 'yung importante sa work na kahit sino man 'yung makatrabaho mo dapat marunong ka makisama para walang gulo.

Dahil sa maaga akong nabulabog ay este nagising ay pumunta muna ako ng grocery store para bumili ng mga makakain paubos na rin kasi stock sa refrigerator ko. Bibili na rin ako ng makakain namin ni Amor mamaya medyo nakaka-hassle kasi 'yung magiging biyahe namin.

Matapos kong mamili ay medyo matagal pa rin 'yung time kaya umidlip muna ako ng konti. Pagkagising ko humigop na lang ako ng kape at kumain ng almusal saka na umalis papuntang trabaho.

Nasa kalagitanaan na 'ko ng biyahe nang bigla kong nakalimutan 'yung mga pagkain na dapat ay kakainin namin sa biyahe ni Amor. Dahil hindi pa naman heavy traffic bumalik muna ako sa aking condo para kunin 'yung pinamili ko masasayang lang kasi 'yun kapag hindi ko dadalhin.

Binilisan ko na lang ang aking pagda-drive para makarating akong on time sa work at masabihan sila na naka-leave si sir.

Pagkarating ko ay agad kong hinanap ang secretarya ni sir pero wala akong nakita ni anino ni Amor sa office. Nainis ako dahil siya dapat ang mas mauuna sa akin para masamahan ako sa pag-a-anounce.

Amor's POV

Hala! Lagot na 'ko nito. Ngayon pa naman kami bibisita sa mga factory para i-check 'yung mga darating na supplies. Dali-dali akong umalis ng bahay kahit hindi pa nakasuklay at wala man lang nailagay na kolorete sa katawan like 'yung hikaw at bracelet ko.

Sa taxi na 'ko nagsuklay at naglagay ng mga kolorete sa katawan ko. Habang papalapit na 'ko sa company namin ay nag-text si sir sa 'kin. Sinabi niya na naka-leave daw siya ngayon kaya hindi niya ako masasamahan sa pagbisita sa factory. Bigla naman akong natuwa sa sinabi niya. Pero nanghina sa mga sumunod kong nabasa dahil si Brian daw ang makakasama ko.

What? Seriously? Hala! Hindi pa nga ako nakakamove-on sa mga ginawa kong kagagahan tapos makakasama ko pa siya. Feeling ko wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kaniya. Ano naman kaya ang puwede kong i-alibi para payagan akong hindi pumasok?

Nagkasakit ako? Hindi puwede kasi ang sigla-sigla ko kahapon. May pupuntahan? Hindi rin puwede kasi magtataka sila. Eh hindi naman ako umaalis o may pupuntahan unless nakapagpaalam na 'ko one day before ako aalis.

Between ThemWhere stories live. Discover now