c h a p t e r f o r t y

7 5 0
                                    

Amor's POV

Agad kong tinext si Jerome para ngayon na isagawa ang plano namin ni Isabel.

To: Jerome

Message: Jerome, can we meet? Sa Park kung saan tayo nag-date last sunday. I'll just want to talk to you. Text me back if you want.

Sent

Kinabahan ako nung nakita ko ang sent sa screen ng phone ko. What if hindi siya puwede? O kaya ayaw niya? Naglakad ako ng paikot-ikot habang hinihintay ang respond niya.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad akong huminto sa ginagawa ko at umupo habang tinitignan ang text niya.

1 new message

From: Jerome

Message: Yes. What time pala?

To: Jerome

Message: After sana ng work mo mga 6:30.

Sent

1 new message

From: Jerome

Message: Gusto mo sunduin na lang kita?

To: Jerome

Message: It's okay, maghintayan na lang kung sino mauna.

Sent

1 new message

From: Jerome

Message: Okay. Ingat ka.

Hindi ko na siya ni-reply-an sa huli nitong message. Hindi ko alam kung tama ba 'yung ginawa ko pero bahala na.

Ilang oras ang lumipas saka ako nagpasiyang maligo na. Pagkatapos ay nagbihis na agad ngunit medyo nahirapan ako sa pagpili ng isusuot. Hinalungkat ko ang aking cabinet and thank God nakahanap na rin ako ng puwedeng isuot.

Nag-make up lang ako saglit at umalis na sa bahay. Napansin ko namang dumating na ang aking kapatid. Kumatok ako ng ilang beses bago magsalita.

"Quency, may lakad kasi ako ngayon puwede bang ikaw muna magluto ngayon?" pagtatanong ko rito.
"Sige, ingat ka," matamlay nitong tugon.

Busy na naman siguro sa pag-aaral. Pagkasara ko ng pinto ay pasigaw akong nagpaalam. "Mauna na ako."
Pagkapara ko sa taxi ay chineck ko ang phone ko. 5:49 PM. Shems! Malapit nang mag-6:30. Naaligaga ako at nakaramdam ng kaba.

"Kuya, pakibilisan naman po."
Tumango naman si kuyang driver. Makaraan ang halos isang oras ay nakarating na rin ako. It's already 6:37 PM at late na ako.

Nakakahiya dahil ako 'yung nag-set ng time tapos ako 'yung na-late. Kaya dapat kung anong oras ang usapan kailangan sundin.

Lahat tayo busy sa sari-sariling nating buhay kaya sana isipin natin 'yung mga taong naghihintay sa atin. Every second in our life is important. Learn to adjust and value your time.

Huwag niyo sana akong gagayahin. Remember, mahirap magsabi ng valid excuse sa pagiging late. Minsan nagagawa pa nating magsinungaling para lang mapagtakpan ang pagiging late natin.

Nakita ko siya sa 'di kalayuan doon sa may dating puwesto namin. Maraming tayo ngayon na namamasiyal. Nandoon siya sa 'di mataong lugar. Nakaupo lang ito habang nakatingin sa kalangitan.

Lumapit ako rito pero inayos muna ang sarili bago ko siya tawagin. Eh kung kalabitin ko na lang kaya? Sige, ganun na lang. Kinalabit ko siya at may narinig naman akong pagtawag ng pangalan ko sa 'di kalayuan.

Between ThemWhere stories live. Discover now