c h a p t e r e l e v e n

52 21 0
                                    

Third Person's POV

Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang sitwasiyon ng apat, complicated.

Masayang naglalakad si Amor papuntang opisina. "Start na pala ng ber months ngayon, whoaaa! I can feel the cool breeze of air," saad nito sa sarili.

Pagkalabas niya sa opisina ay agad itong dumiretso sa kaniyang desk. Tumingin ito sa kaniyang relo.

"9:22 am na bakit ako pa lang ang nandito,"  pagtataka pa nito.

Then, she got a text message from Jerome. Binasa niya ito.

From: Jerome

Message: Amor, bakit wala ka pa? Nandito na kami sa room kung saan ico-continue ni Sir Frank 'yung announcement niya regarding sa anniversary.

"Omg! Masiyado na ba akong ulyanin. Ngayon ko lang naalala na diretso na pala kami dapat sa meeting room kapag papasok," mahinang sambit niya.

Dali-dali siyang dumiretso sa pupuntahan niya. "Hala! Baka magalit si sir nito," nababahalang sabi niya.

Pagkarating niya ng room ay saktong mag-uumpisa pa lang ang sir nila sa pag-a-announce. Dahil nga late siya ay nasa bandang likod na siya nakapuwesto. Hinanap naman nito si Brian at nakita sa bandang harap.

Well, hindi na nakapagtataka dahil mataas rin ang posisiyon nito kaya kailangan updated lagi. Kasama ni Brian sina Jerome at Isabel na isa rin sa may mataas na posisiyon. Hindi naman mataas ang posisiyon ni Amor pero importante ito dahil isa siyang secretary.
Bigla siyang napansin ni Jerome kaya sinenyasan nito na pumunta sa harap. Wala nang nagawa si Amor kundi ang pumunta sa harap.

Pinagtinginan naman siya ng ibang pa nilang mga ka-trabaho pero hindi na lang pinansin ni Amor ang mga ito.

Nakayuko siyang naglakad papunta sa harap. Nung makarating na ito sa harap ay sakto namang nag-umpisa si Sir Frank sa kaniyang sasabihin.

"Good morning ladies ang gentlemen," bati niya sa lahat.

Makalipas ang kalahating oras ay nasa last portion na sila ng kanilang meeting, 'yun ay ang pagpili ng tema sa kanilang party.

"Dahil sa napagdesisiyunan niyong kayo ang pipili ng tema dadaain na lang natin ito sa bunutan," hikayat ng kanilang boss.

"Last year ang pinilli kong bumunot ay iyong bagong parte ng pamilya natin," tumango-tango naman ang lahat samantalang si Isabel ay nakaramdam ng kaba dahil alam nitong siya ang tinutukoy ni Sir Frank.

Everyones becomes excited nung tinawag ang pangalan ni Isabel. "Anong theme naman kaya this year?" pagtatanong ni Amor sa kaniyang sarili.

Well, last year was really an amazing party. Lahat talaga nag-enjoy.

Amor's POV

Umipisa na. Grabe! Nakakakaba.

Wow! Ang ganda ng mga damit na suot nila. Pakiramdam ko para tuloy akong nasa promenade no'ng high school.

Siyempre kailangan magsuot ng dress dito sa party dahil araw ng mga nagmamahal 'yung theme. Kailangan daw parang makikipagdate sa isang magarang place.

Between ThemWhere stories live. Discover now