c h a p t e r t w e n t y - f o u r

29 20 0
                                    

Amor's POV

9:03 AM. Nagising ako mula sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Oh my gosh! Chineck ko ulit ang oras para masiguro kung tama ba ang oras na nakita ko.

9:04 AM. Shems! Ibig sabihin tinanghali na ako ng gising. Ang sakit-sakit ng katawan ko na parang hindi makakilos. Gustuhin ko mang hindi pumasok ngayon ay wala akong magagawa dahil marami akong kailangan tapusin ngayon. Malapit na rin kasi ang anniversary ng kumpanya at kailangan before dumating ang araw na 'yon ay matapos na namin ang mga importanteng gagawin.

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at nagsuklay bago lumabas ng kuwarto. Pagkatapos kong magsuklay dumiretso na ako sa kusina para kumain ng almusal. Pagkaupo sa lamesa ay may nakahain agad na soup halatang kaluluto lang.

"Wow, buti naman at nasipagan ang aking kapatid na magluto. Teka! Hindi ka pa ba papasok?" bungad ko rito.

Saka ako naglagay ng soup sa aking bowl. "Actually Ate ininit ko lang 'yan dahil kaninang madaling araw pa 'yan niluto ni Kuya Jerome. Don't worry Ate dahil maliligo lang ako at aalis na rin," sambit naman nito habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit.

"Jerome? Tama ba ang narinig ko?" pagtataka ko na dahilan kung bakit ako muntikan nang mapaso sa kinakain ko.

"Of course, Ate. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakauwi ka pa rito ng buhay?" pagsusungit nito habang hawak ang kaniyang tuwalya at paligo na.

"Okay, fine naniniwala na ako. Maligo ka lang diyan para hindi ka na ma-late sa pagpasok," tugon ko bago ako humigop ng soup ni Jerome.

Hinipan ko muna ito bago kainin. "Ang sarap pala niya magluto," puri ko sa soup na kinakain ko.
"Late na nga ako Ate eh pero okay lang dahil wala naman kaming gagawin masiyado ngayon," pasigaw na sabi nito.

Sinabayan niya kasi ang ingay na dulot ng shower. Tulala ako ngayon dahil medyo makakalimutin pa naman ako kapag nakainom. Sigurado akong may nagawa na naman akong kalokohan o mas worst mga nasabing katotohanan.

Well, ganoon talaga ako dahil sa tuwing nalalasing ako nakakalimutan ko lahat ng mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko ay para silang invisible sa paningin ko. Tanging ang paggawa lang ng kalokohan tulad ng pagsuka ko nang bigla bigla sa kahit sinong taong nasa paligid ko, o kaya naman pagkanta ng kung ano-ano hanggang sa makatulog na, at marami pang ibang walang kakuwenta-kuwentang mga bagay.

Pero ang madalas kong nagagawa ay ang pagsasabi ng totoo. Madalas naman talaga sa tao na maging totoo kapag nakainom. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko sa pagsabi ng mga hinanakit ko at katotohanan. 'Yun ang disadvantage ko kapag nakainom. Curios tuloy ako sa mga nagawa ko kanina at sigurado akong may nagawa ako na hindi kaaya-aya.

Hala! Ano naman kaya 'yun? Baka naman nasukahan ko siya. O kaya nakaihi ako sa pants ko at pati kotse niya o siya ay nabasa. Puwede ring nagwala ako kanina at pinalo-palo siya hanggang sa mapagod ako. Isa lang ang tanging paraan para malaman ang nagawa ko kanina. 'Yun ay ang pag-alala sa mga nanyari kanina.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko pa rin alam kung saan nga ba ako mag-uumpisa. Tinapos ko muna ang pagkain para naman mas makapag-focus ako sa iisipin ko.

"Ate, I'm done taking a bath so after kong magbihis aalis na rin ako at ikaw na bahala rito. O, ito nga pala 'yung gamot na ibinigay sa akin ni Kuya Jerome na kailangan ko raw ipainom sa'yo. Matanda ka na kaya ikaw na bahala kung kailan mo gusto inumin 'yan. Sige, Ate," pahayag nito sabay abot ng plastic na may lamang gamot.

"Thanks," tipid kong sagot rito at saka iniligpit ang aking pinagkainan.

Nung tinignan ko ang gamot na binigay ni Jerome ay napaga-alaman kong para ito sa hangover. Itinabi ko ito dahil hindi naman ako nahihilo. Well, kanina oo pero ngayon hindi na.

Naghugas muna ako ng mga pinagkainan para hindi na kami matambakan. Akala niyo hindi ko alam maghugas puwes sanay na ako dahil ito naman talaga ang nakatoka sa akin ever since. Masaya naman ako sa paghuhugas except kung masiyado nang madami ang mga ito. Ngayon namomroblema ako kung ano talaga ang nangyari.

"Saan pala ako mag-uumpisa para malaman na ang totoong nangyari," bulong ko sa sarili.

"Hindi ko alam," sagot ko sa aking sarili.

Feel ko nababaliw na ako sa kaiisip dahil hindi ko man lang alam kung saan mag-uumpisa. Hindi ko namalayan na sa pagiging paranoid ko ay natapos na pala ako sa paghuhugas.

Pinunasan ko ang aking kamay bago ako bumalik sa kuwarto ko ngunit pagkatapos kong magpunas ay kumuha na lang bigla ang aking kamay ng isang basong tubig. Kinuha ang gamot na binigay ni Jerome at ininom. Kaya ayun napaisisip ako kung paano nakabili ng gamot 'tong si Jerome eh kasama niya ako at wala akong napansin pero unless na lang kung bigla akong nakatulog at saka siya umalis kaya hindi ko na maalala kung paano siya nakabili.

Binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto at dumiretso sa kama para mag-ayos ng mga gagamitin. Okay lang na late ako ngayon. Magpapaliwanag na lang ako mamaya kay sir kung bakit ako na-late.

Ganito kasi 'yung nangyari. Nag-drama ako tapos doon na nag-umpisa ang lahat. Nagkuwento kami ng kaniya-kaniyang karanasan sa pag-ibig. Nagkantahan pa nga kami tapos nag-inuman. And boom nalasing ako. Nag-umpisa na rin doon ang kabaliwan ko. May paulit-ulit akong binabanggit kay Jerome na hindi ko maalala sa ngayon.

Nag-ring bigla ang phone ko at agad ko naman itong sinagot. "Good morning, Sir," bati ko.

"Amor, papasok ka ba ngayon? Marami kasi tayong kailangan gawin," diretsang saad ni sir.

"Yes, Sir maliligo lang po ako at saka paapsok na," sagot ko naman.

"Good, see you in the office at ihanda mo na rin ang ilang mga reports," paalam nito.

Hay! Isipin mong mabuti Amor kung ano na 'yung paulit-ulit mong sinabi kay Jerome. Dahil nga sa nahihirapan akong alalahanin ang mga nangyari ay naligo muna ako para makapaasok na.

10:37 AM, kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng heavy traffic. Wala akong magawa kaya inisip kong muli 'yung mga pangyayari. Uhm, wait alam ko na kung ano 'yun. Si Brian. Siya nga, siya 'yung paulit-ulit kong binabanggit kanina. Inakala ko kasing si Brian ang naghahatid sa akin. Tapos pinatulog ako ni Jerome para makapagpahinga muna ako. And then tinanong ko siya.

"Brian, do I have the chance for you to love me?" seryosong tanong ko rito.

Katahimikan lang ang tanging sagot nito sa akin. Tinanong ko pala 'yun ibig sabihin ang nao-awkwardan si Jerome that time. Paano ba naman kasi puro na lang Brian ang bukambibig ko.

"Brian, bakit hindi mo ako sinasagot?"
At nagawa ko pa talagang inalog-alog ang kaniyang katawan. Napansin kong may gasoline station na hinituan si Jerome.

"Full tank," saad nito sa nagpapagas.

Ilang minuto lang ang nakalipas matapos nitong magpagas ay narating na namin ang apartment. Ginising ako ni Jerome pero ang totoo hindi naman talaga ako nakaidlip sadiyang nakapikit lang ako.

Tapos tinanggal niya ang seatbelt and then hinalikan ko siya ng mabilis. Parang smack lang. Inakala ko that time na si Brian 'yun kaya nagawa ko 'yun. Ano ba 'tong nagawa ko? Hindi lang nakakahiya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko at ni Jerome once na magkita kami. Malapit pa naman na ako sa office at kailangan ko nang harapin ang kabaliwang nagawa ko.

Waaaah! Baka napagkamalang niya akong nababaliw. Hay! Naguguluhan na talaga ako sa mga pinaggagagawa ko. Baka isipin niya patay na patay ako kay Brian at gusto ko siyang mahalikan pero ang totoo ay gusto ko lang ito at hindi pa mahal.

Bahala na kung anong mangyayari sa amin. Bahala na siyang umintindi at mag-isip ng tungkol sa akin basta ako gagawin ko lang ang tama. 'Yun ay ang paghingi ng tawad sa hindi magandang asal na ipinakita ko nung nalasing ako. Lord, bahala ka na po sa akin. Nawa'y ipaintindi niyo po kay Jerome kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon.

Between ThemWhere stories live. Discover now