c h a p t e r t w e n t y - n i n e

29 20 0
                                    

Amor's POV

Alas nuebe na nung ako'y nagising sa malakas na tunog ng alarm clock. Napahikab ako pagkatapos ko itong patayin. Diretso lang ang tingin ko ngayon sa kisame nang bigla kong naisipan na kunin ang phone ko. Merong two messages ang nakalagay.

From: Quency

Message: Ate, hindi na kita binangon kasi mukhang tulog na tulog ka. Maaga akong umalis dahil may pratice kami ng mga groupmates ko. Sorry kasi biglaan lang. Thank you.

Binuksan ko rin ang isa pang message sa isang number ko.

From: 0920*******

Message: Pasensiya na. Naubusan na ako ng load kaya nakitext na lang ako sa friend ko, ako 'to si Quency. Uhm, magagabihan nga pala ako uwi. Thank you ulit sa pag-unawa.

Hindi ko na ito nireplayan dahil tinatamad ako pero ang importante alam ko nang umalis siya kasama ang groupmates niya kuno at magagabihan siya.

Well, sanay na ako sa ganitong eksena at buo pa naman siyang nakakauwi kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya. Today is sunday kaya naman wala akong work. Bumungon ako mula sa kinahihigaan ko para magluto ng almusal.

Pumunta muna ako sa dining table para malaman kung nasipagan ang kapatid ko. Inangat ko ang pantakip at boom may ulam. Pritong itlog nga lang. At dahil tinatamad ako magluto pinagtiyagaan ko na lang 'tong niluto ng kapatid ko. Parehas lang naman na papasok sa bunganga ko at ilalabas sa puwet. Sorry for the unwated word hehehe.

Sumandok ako ng kanin at dumiretso na sa pag-upo at kumain. Ilang minuto ang nakalipas at saka ako naghugas ng pinagkainan. Naligo na rin ako para kapag naisipan kong mamasiyal ay diretso alis na agad. Kasalukuyan akong nagpupunas ng buhok pagkatapos kong magbihis nang biglang may kumatok sa pinto.

"Nandiyan na po," magalang na sabi ko.

Naglakad ako papunta sa pintuan. Ipinihit ko ang doorknob at binuksan ito. Nagulat ako sa nakita ko. "Brian," gulat kong saad.

"Flowers for you."

Saka nito inabot ang ang hawak niya. "P-para sa akin?" takang tanong ko rito.

"Of course, wala naman na 'kong puwedeng pagbigyan nito dito bukod sa'yo," sambit nito na may kasamang pagngiti.

Omg! Kinikilig na ako. Parang may mga fireworks sa buong paligid. "Hindi lang kasi ako makapaniwala," nahihiyang saad ko.

"Tuloy ka," pag-aya ko.

Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo. Inilapag ko ang bulaklak na ibinigay niya. "Ano nga pala 'yung sadiya mo?" takang tanong ko.

"Gusto ko sanang mamasiyal kasama mo kung okay lang sa'yo. Puwede ba? Kung wala ka namnag gaga—"

"Sure."

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at agad na 'kong pumayag.

"Magbibihis lang ako saglit," paalam ko sabay tayo mula sa kinauupuan at dumiretso na 'ko sa kuwarto upang magbihis kahit hindi pa ito nagrerespond.

Mabilis lang akong nagbihis para hindi siya mainip na maghintay. Agad din kaming umalis ng bahay pagkatapos kong mag-ayos. Buti na lang talaga ay nakaligo na 'ko.

Pumunta kami sa kung saan-saan na puwedeng mapasiyalan around Metro Manila. Ilang beses din kaming kumain sa iba't ibang restaurant. Namasiyal lang kami maghapon at hinatid na niya ako pauwi.
"Maraming salamat pala dahil pumayag ka na samahan akong mamasiyal," sinserong saad nito na may kasamang pagngiti.

Niyakap ko ito nang mahigpit dahil sa hindi mapigilang kilig at kasiyahan. Kumawala ako sa pagkakayap nang bigla nitong inilgay ang kamay nito sa magkabilang pisngi ko.

Dahan-dahan akong napapikit sa gagawin niya. Dahan-dahan rin siyang lumalapit at inilalapit ang mukha ko. Kinakabahan ako dahil ito 'yung magiging first kiss ko sa kaniya. Ramdam ko na ang kaniyang hininga...

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko habang nakanguso. Idinilat ko ang aking mata at hinawakan ang aking mga labi. Panaginip lang pala. Kainis na alarm clock moment ko na sana 'yun na mahalikan siya kahit sa panaginip man lang, pero ano? Dahil sa pag-alarm nito nawala lang ng 'yun.

Hawak ko ngayon ang cell phone ko. Napatigil ako sa panggigigil nang makita ang ilang notifications ko. Missed alarm, 6:30 am. Ano? Ibig sabihin. Tinignan ko ang oras. 9:26 am. Hala! Takte naman o.

Dali-dali akong naligo, kumain, at nagbihis. Pumara agad ako ng taxi. Pagsakay ko ng kotse ay wala na akong ginawa kung hindi ang magreklamo. "Kasalanan 'to ng panaginip ko," inis na sambit ko sa aking sarili.

Lagot ako kay sir baka pagalitan na naman niya ako. Baka tanggalin na niya ako sa trabaho. Oh no! Huwag naman sana. Pero dapat think positive lang. "Kuya pakibilis naman po," pagre-request ko kay kuya. Binilisan naman nito ang kaso lang ay naipit pa rin kami sa heavy traffic.

Almost 11:30 AM na nang ako'y nakarating sa kumpanya. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nung nalaman kong wala si sir. Hay! Thank God talaga.

Umupo ma ako sa aking desk at nag-umpisa na sa pagtatrabaho. Nag-lunch lang ako sa pinakamalapit na restaurant at bumalik agad sa pagtatrabaho.

Lumipas ang oras nang may lalaking biglang lumapit sa akin at may dalang bulaklak. "May nagpapabigay."

At inabot nito sa akin ang bulaklak. Umalis agad 'yung lalaki at hindi na hinintay ang respond ko. Napangiti ako nung nakita ko kung sino ang nagplbigay. Si Brian.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko. Pasimple akong napangiti. "Wow naman Amor haba ng hair," biglang may nagsalitang babae.

Lumingon ako at nakitang si Isabel pala. "Ni hindi ko nga alam kung sino nagbigay nito," medyo pabebeng tugon ko.

"Ito nga pala 'yung pinapagawa ni sir," saad niya sabay abot nito nung mga files sa akin.

"Sabi niya kasi ibigay ko raw sa'yo tapos ibigay mo na lang sa meeting niyo," dugtong nito.

"Thank you," pahayag ko saka na ito umalis.
Inilagay ko ang mga files na ibinigay sa akin ni Isabel sa isang lalagyan. Napabaling ang aking atensiyon sa bulaklak na ibinigay sa akin ni Brian. Napansin kong may note pala itong kasama. Kinuha ko ito at sinimulang basahin.

Hello, hindi ko alam kung paano na uumpisahan. Sign na pala ito na nanliligaw na ako. I'll do everything para ma-fall ka sa akin.

-Brian

Shems! Sa totoo lang na-fall na talaga ako sa'yo. Kahit hindi mo na ako bigyan ng flowers ang mahalaga makita lang kita. Omg! Ano ba 'tong ginagawa ko? Erase. Erase. Erase. Masiyado nang maharot. Okay, mas gusto ko muna palang magpaligaw para mas nakakakilig.

Isinantabi ko ang bulaklak na bigay sa akin para bumalik sa na sa pagtatrabaho. Binalingan ko muna ang bulaklak saka binukasan ang laptop ko. "Amor."
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa lalaking nagsalita. Kilalang kilala ko ito. Siya lang naman ang nagbigay sa 'kin ng bulaklak—si Brian.

"Can we talk?" seryosong tanong  nito.

Shems! Hindi ko na alam gagawin ko. Baka himatayin na ako anytime. Can someone save me please? Hindi pa ako handang kiligin ulit.

Between ThemWhere stories live. Discover now