c h a p t e r t h i r t y - t w o

19 14 0
                                    

Isabel's POV

Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kahapon. Para akong na-busted kahit hindi pa naman ako umaamin.

Pero ang pinakanagustuhan ko ay naagapan niya agad ang pagkakamaling nagawa niya. Hindi na niya hinintay na mas patagalin pa ang pag-assume kong para sa akin talaga ang chocolate na 'yun.

Ilang days na rin ang nakalipas simula no'ng nangyari 'yun. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay parang wala lang nangyari. We're still friends at nagpapansinan pa rin naman. Dahil nga sunday ngayon at wala ako sa mood na mamasiyal naisipan kong tumulong na lang sa eat all you can restaurant namin.

Kasalukuyan akong kumakain ng almusal at mag-isa na lang dahil sinabi kong susunod na lang ako sa kanila. Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko lang 'yung usual na ginagawa ko. Naghugas ng pinggan, naglininis saglit ng kuwarto, naligo, at nagbihis.

Almost 10 AM na rin nung nakarating ako sa restaurant. Tinulak ko ang pinto at napansing medyo maraming kumakain ngayon. Madalas ang kumakain sa restaurant namin ay magkakapamilya, although open naman talaga sa lahat. Pero ngayon ay hindi lang magkakapamilya ang nandit. May magkakapamilya, magkakaibigan, mag-asawa, magkasintahan, at magkatrabaho.

Pumasok ako at dumiretso sa counter. "Hi! Ma," bati ko kaya mama ba busy sa pag-aayos ng pera.

"O, nandito ka na pala," tugon niya saka ako nito binalingan ng tingin.

"Ikaw na bahala rito," maawtorisadong sabi niya at isinara nito ang kaha.

"Ma, ayoko. Gusto kong tumulong sa pagtimpla ng karne," panghihikayat ko kay mama.

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo," walang ganang sambit nito.

"Sorry," saad ko na halong pangangantiyaw.
Napatawa naman si mama sa sinabi ko. "Doon ka na nga. Tulungan mo ang papa mo," pag-takwil nito sa akin.

Napag-usapan kasi namin kagabi na gusto kong tumulong sa restaurant. Sinuhestiyon naman ni mama na sa counter na lang daw ako para makasama naman ni mama si papa habang nagtatrabaho sila.

Nasa iisang pinagtatrabahuan nga sila pero madalas ay hindi ito nagkakasama sa iisang ginagawa. Palaging sa counter si mama at samantalang si papa ang bahala sa kusina.

Pumuyag naman ako dahil ako naman itong nagsabing tutulong kaya anumang ipagawa nila mama ay susundin ko na lang. Pero ewan ko, nito lang umaga ay nagbago bigla ang isip ko at ayaw ko na sa counter.

Mas gusto ko talaga sa kusina para naman matuto sa ilang mga techniques ni papa. Bata pa lang si papa ay natuto na siyang magluto. Panganay kasi ito sa kanilang magkakapatid. Pangarap niya talagang maging chef someday pero dahil nga masiyadong mahal ang pag-aaral ng culinary arts at mahirap ang buhay nila papa hindi na siya nakapag-college.

Si mama naman ay nakapag-aral ng culinary arts kahit hindi niya naman talaga gusto ang kursong ito kaya naman hindi niya rin ito tinapos. Tapos nakilala ni papa si mama. And then ang mga sumunod na pangyayari ay cliché na.

Nabuntis ni papa si mama, nagpakasal sila, at hindi na natuloy ni mama ang pag-aaral niya. Nag-ipon sila papa para makapagpatayo ng isang canteen at ngayon napalago na nila ito na naging isang eat all you can restaurant.

Tunutulungan ko ngayon si papa sa paglalagay ng pampalasa sa mga karne. Katulad nga nung sinabi ko nung una sa restaurant namin ikaw ang magluluto. Puro ihaw kasi ang mga hinahanda namin. Kaya naman ang more on naglalagay lang ng pampalasa ang ginagawa ni papa.

Naghuhugas ako ngayon ng lettuce. Isa kasi ito sa mga ipanapartner ng mga customers sa karneng baboy na hiniwa sa maninipis na parang bacon basta 'yun. Inilagay ko ito sa isang lalagyan at isnunod naman ang paghihiwa ng mga karne.

Pumasok ang isa naming kasama na nagtatrabaho sa restaurant. Inilgay niya ang mga natimplahan na karne isang malaking tray. Unlimited namin kasi rito kaya customers ang bahala kung ano at gaano karami ang kukunin nila.

Pagkalabas nito ay saka naman pumasok si mama. "Isabel, may naghahanap sa'yo. Ayiiee," kinikilig na sabi nito.

"Sino naman?" takang tanong ko.

At naghugas ng kamay. "Ikaw na ang umalam. Nasa pinakadulo siya nakapuwesto," sambit nito.

At agad na itong bumalik sa counter. Baka naman ineechos na naman ako ni mama. Naglakad na ako palabas ng kusina baka kasi importante 'yung kailangan ng taong naghahanap sa akin. Pero sino kaya 'yun?

Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa pinakadulong part ng restaurant na ito.

Brian? May dala itong bulaklak katulad ng binigay nung lalaki kay Amor. "Flowers nga pala," saad niya sabay tayo at pag-abot ng bulaklak sa akin.
"Para sa akin?" tanong ko.

Baliw talaga ako halata naman na sa akin dahil 'di ba nga manliligaw siya sa akin? Hay! Naku talaga Isabel.
"Ah, I mean thank you. Maupo ka," sambit ko at sabay kaming umupo.

"Paano mo nga pala nalaman ang lugar nitong restaurant?" curious na tanong ko.

Paano niya malalaman eh samantalang hindi ko pa naman siya pinapapunta rito. "Naihatid na kita rito dati," sagot niya habang inaayos ang bulaklak sa gilid ng table.

"Ay, oo nga pala. Kumuha ka na ba ng order mo?" tanong ko rito habang inaayos ko ang aking upo.
Medyo hindi ako komportable sa kinauupuan ko ngayon. O baka naman dahil kaharap ko ngayon si Brian. Ay, ewan.

"Hindi pa nga eh," nahihiyang sabi  ito.
Ngayon pa siya nahiya eh samantalang kanina niya pa ako kinakausap. "Kuha ka na lang. Unlimited naman 'yan," pahayag ko saka kami tumayo.

"Gusto ko sanang samahan mo ako sa pagkain. May gusto lang akong sabihin sa'yo na importante," saad niya.

Kinuha ko ang bulaklak. "Sige. Pero ilalagay ko lang itong bulaklak sa loob. Kumuha ka na rin pala ng mga iluluto natin," wika ko.

Gutom na rin kasi ako. Naglakad na kaming dalawa at dumiretso na ako sa kusina. Ipinatong ko sa kusina ang bulaklak. Napansin ko ring kumukuha na si Brian ng mga lulutuin.

Lumabas na ako ng kusina at dumiretso sa mga pinagkukuhanan ng pagkain. Kumuha rin ako ng lalagyan para naman makain ko ang mga gusto ko. Pagkatapos namin ay pumunta na kami sa pinakadulong puwesto. Isinalang na namin ang mga karne.

"Ano nga pala 'yung gusto mong sabihin sa akin?" interesadong sambit ko rito.

"Puwede ba tayong mag-date sa susunod na linggo?" seryosong saad nito.

Date? OMG! Hindi ako ready. Pero meron naman akong isang linggo para maghanda. Sige, 'yun na rin 'yung time para diretsahin siya na hindi ko siya gusto.

"Sige. Anong oras ba?" tanong ko naman dito habang binabaliktad ang mga niluluto ko.

"9 AM," diretsang sagot nito.

"Sige. May kailangan ka ring malaman na importante," pahayag ko saka ako nagbuhos ng malamig na softdrinks sa bawat baso namin.

Kailangan kong paghandaan ang lahat dahil ayaw kong makasakit ng damdamin. I mean masasaktan talaga siya pero at least 'yun hindi gano'n kasakit.

Ayaw ko siyang biglain dahil baka mamaya hindi na niya ako kausapin ever. Nasasayangan nga lang ako dahil kumbaga dumating na 'yung taong handang mahalin ako pero ako naman 'tong hirap tanggapin ang pagmamahal niya. Kung sasagutin ko siya paano naman 'yung feelings ko?

Parang andaya lang dahil kailangan magbase sa nararamdaman ng lalaki. Kung sino 'yung dumating siya na agad. Tapos madalas wala pa kaming option na mga babae dahil kung sino 'yung manliligaw sila lang 'yung maaring makatuluyan ko. Kung puwede nga lang manligaw ang babae ginawa ko na.

Well, puwede naman pero marami kasing manghuhusga iisipin ng iba o ng karamihan desperada ka kaya naman kaming mga babae hindi ginagawa 'yun. Siyempre gusto ko ring maranasan na suyuin.
Kumain kami ni Brian na parang normal lang na magkaibigan. May tawanan at kuwentuhang nagaganap. Next sunday kailangang mangyari ang operation sabihin ang tunay kong nararamdaman sa kaniya ng hindi siya masiyadong nasasaktan.

Between ThemWhere stories live. Discover now