c h a p t e r t h i r t y - e i g h t

6 5 0
                                    

Third Person's POV

"Jerome, I'm sorry," mga salitang tanging nasabi ni Amor.

"S-sorry."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak nito na ngayo'y mas halata na. Napaluhod ito na parang nagmamakaawa.

"Jerome, sorry kung hindi ko kayang suklian 'yung pagmamahal na binigay mo. Sorry dahil pinaasa kita. Sorry dahil pinaabot ko pa sa ganito. Sorry talaga."
Napaluhod din si Jerome at niyakap ito. Dahan-dahang pinunasan ni Amor ang kaniyang mga luha na hanggan ngayon hindi pa rin tumitigil.

"Tahan na Amor. Okay lang. Tanggap ko na hindi mo 'ko mahal."

At hinagod nito ang likuran ni Amor. "Puwede bang ganito muna tayo?" suhestiyon ni Amor.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo," pagpayag ni Jerome.
Amor needs comfort. Siya 'yung klase ng tao na ang hirap mag-move kapag nakagawa ito ng hindi maganda sa kapwa niya.

Si Jerome ay maunawaing tao. Lagi niyang iniintindi ang bawat sitwasiyon bago ito kumilos. Alam nito na balak ni Amor na i-reject siya ngayong araw kaya naman medyo napaghandaan niya. Napansin niya kasi sa mga kilos ni Amor simula pa nung nakaraang araw. Kahit alam na ni Jerome na ang mangyayari pinilit pa rin nitong gawin ang mga plano niya. Gusto niya kasi na kahit sa huling pagkakataon ng kanilang pagde-date ay maparamdam nito na espesiyal siya para sa kaniya.

It's too painful for him but he can handle it. Diyan naman siya magaling, sa pag-handle ng mga bagay-bagay. Siya 'yung klase ng tao na hindi pinapakita ang sakit na nararamdaman. Pilit nitong tinatago sa kaniyang maskara.

Mahigit isang minuto silang nagyakapan hanggang sa humina na ang pag-iyak ni Amor. Unti-unti itong kumawala sa mga yakap ni Jerome. Hindi pa rin nito nagawang magsalita. Medyo madilim kaya naman hindi mo mahahalatang umiiyak pa rin si Amor ng pasimple.

Sumunod namang may pumatak sa magkabilang pisngi ni Jerome. Napayuko ito at hindi pahalatang pinunasan.

"B-bakit ka umiiyak?" tanong ni Amor.

Kahit anong tago ni Jerome nahalata pa rin siya ni Amor. Hindi rin tanga si Amor para mapansing hindi nasasaktan din Jerome. Pinagdaanan na nilang dalawa ang ganitong bagay kaya alam nila ang mga sakit.
"Ako? Umiiyak? Hindi ah. Kalalaki kong tao iiyak ako," pagsisinungaling nito na may halong lungkot sa boses niya.

"Huwag mo na 'kong lokohin. Alam ko nasasaktan ka," saad ni Amor na nakatitig lang sa mga mata nito.

Hindi naman na pinigilan ni Jerome ang kaniyang mga luha na dumausdos sa kaniyang mga pinsngi. "Tama ka. Nasaksaktan ako nang sobra. Pero at the same masaya ako..."

Pinunasan muna nito ang basang-basang mga pisngi niya. "... kasi pinagbigyan mo ako na ipakita sa'yo kung gaano kita kamahal," dugtong nito.

Tumingin naman si Amor sa kalangitan dahil ayaw nitong nakikita na may umiiyak sa harap niya. "Sorry ah. Hindi kasi ako 'yung taong nagawa kang mahalin. Hindi kasi ako 'yung bababeng katulad ng pinapangarap mo. Hindi ako kasing ideal mo," pahayag ni Amor.

"Sinabi kong huwag kang magso-sorry. Hindi mo puwedeng sisihin ang sarili mo dahil lang hindi mo 'ko nagawang mahalin pabalik. Ang puso hindi kayang magsinungaling kaya hindi natin puwedeng pilitin ito na mahalin ang hindi mo mahal," kalmadong wika ni Jerome.

"Pero tandaan mo pa rin ito. I will always keep on chasing you no matter what happen. Maaring hindi mo ako mahal ngayon pero hindi ibig sabihin na hihinto na 'kong mahalin ka. Kaya kong hintayin ka hanggang sa maging mutual na ang feelings natin sa isa't isa," dagdag nito.

Hinawakan ni Jerome ang kamay ni Amor. Hindi naman na magawang kumawala ni Amor. Gusto niya rin iparamdam na importante itong tao sa kaniya.
Humiga silang sandali habang tinititigan lang ang kalangitan. Parehas silang nasaktan. Ni-reject man ni Amor si Jerome hindi ibig sabihin na madali lang para sa kaniya ang ginawa niya. Masiyadong mabigat ang naging desisiyon nito.

Between ThemWhere stories live. Discover now