c h a p t e r s e v e n t e e n

49 21 0
                                    

Third Person's POV

Today is a usual day for the four. Lahat sila ay naging busy for some reasons.

Maagang pumasok si Amor dahil marami pa siyang tatapusing reports ngayon and also they have two meetings na magaganap sa mismong company lang din nila.  Brian is doing his job as usual as well as Jerome and Isabel. Nagulat na lang ang lahat nung biglang may in-announce ang boss nila.

"Listen everyone. Tonight we will have our team dinner. So, dapat lahat tayo maagang matapos para maaga rin tayong magdi-dinner at hindi na rin magagabihan sa pag-uwi. Is everything clear?" tanong ng sir nila.

"Yes, Sir," sagot naman nila.

"Amor, tara na we will have our first meeting now,"  bigla namang itinigil ni Amor ang kaniyang ginagawa at agad na sumunod sa sinabi ng sir niya.

After one hour

Natapos na rin ang meeting nila Amor at bumalik na sa kaniyang trabaho. Pagkabalik niya sa kaniyang desk ay nakaabang na rin si Jerome.

"Ito na nga pala 'yung mga reports na pinapagawa sa akin ni sir," sambit nito.

Agad itong umalis kahit hindi pa nakakasagot si Amor. Pagkaupo niya naman sa swivel chair niya ay dumating si Brian.

"Amor, nasa flash drive nga pala 'yung mga documents na pinapahanap ni sir. Paki-print na lang at ibalik mo na lang mamaya," saad ni Brian. At saka nito ito inabot kay Amor.

Nakaramdam si Amor ng kaba dahil sa ginawang paghawak ni Brian. Hindi naman alam ni Amor na nakatingin si Jerome sa kanilang dalawa na halatang masaya sa isa't isa.

Nakaramdam tuloy si Jerome ng selos mula kay Brian. Umiwas ito ng tingin at nagkunwaring may ginagawa nung biglang tumingin sa gawi niya si Amor.

"Okay! Ako na ang bahala," pahayag ni Amor.

Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Amor ang kamay ni Brian. Nakalimutan niya na aalis na pala ito. Biglang bumitaw si Brian sa pagkakahawak ng kamay ni Amor nung nahagip ng kaniyang mata na paparating na si Isabel.

"Umagang-umaga ah," wika ni Isabel sabay ngiti sa dalawa saka umalis.

Bahagyang nainis si Brian sa nangyari pero wala na itong nagawa dahil nangyari na. Bumalik na si Brian sa kaniyang desk at itinuloy ang ginagawa.

Makalipas ang dalawang oras ay kailangan na nilang mag-lunch. Nauna si Amor na umalis ng kumpanya para mag-take out ng pagkain para diretso na agad ito sa susunod na meeting.

"Isang fried chicken po, french fries, at coke. Taka out po," pag-order nito sabay abot nito sa kaniyang bayad.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakuha na ni Amor ang kaniyang order at bumalik na agad sa kumpanya.

"Anne, nakita mo ba si Amor kung nasaan siya?" tanong ni Jerome sa katrabaho niya.

"Ay, umalis kani-kanina lang nagmamadali may meeting daw kasi sila ni sir ng 12:30 kaya nauna nang nag-lunch," tugon ni Anne.

"Sige, thank you," dismayadong saad ni Jerome. Tila nawalan na ito nang gana kumain. Balak kasi sana niyang makisabay kay Amor. Pakiramdam niya tuloy ay pinaglalayo sila ng tadhana.

"Jerome, kakain ka na ba? Puwede sumabay?" pangungulit naman ni Isabel mula sa kaniyang likuran.

"O, s-sige," pagpayag niya.

Wala na itong nagawa kung hindi samahan si Isabel tutal wala naman si Amor. Sabay silang lumabas ng kumpanya.

Habang naglalakad papunta sa isang restaurant ay nakasalubong nila si Amor na halatang nagmamadali.

Between ThemWhere stories live. Discover now