c h a p t e r n i n e

54 20 0
                                    

Isabel's POV

Bigla na lang akong nagulat sa ginawa sa akin ni Brian. Paano ba naman eh nanghihila na lang basta-basta akala mo naman kung boyfriend ko siya.
"Brian sandali nga puwede bang bitawan mo 'ko?" pag-iinarte ko.

"Bakit kasi si Brian pa puwede namang si Jerome na lang," bulong ko sa sarili ko gabang sinusuong namin ngayon ang malakas na ulan.

"Puwede ba umayos ka mababasa tayong dalawa?" paki-usap nito sa akin.

Saka niya ipanatong ang kaniyang kamay sa balikat ko. Mas inilapit ang katawan ko sa kaniya. Unti-unting nagkadikit ang aming mga katawan na siya namang kinainisan ko.

"Sino ba kasing nagsabi na hilain mo ako at payungan? E puwede naman akong maghintay na—"

"Delikado. Gabi na. Malakas ang ulan. Maraming kung sino-sino ang dumadaan. Baka kung anong mangyari sa'yo," pagputol nito.

Sa bilis at straight to point niya magsalita ay natulala na lang ako habang unti-unting bumabagal ang lakad ko. Napatingin ako sa kaniya at naramdaman ko 'yung feeling ng pag-slow motion ng kaniyang mukha.
Bakit ganun? Okay naman pala siya. Mabait at caring. Pero bakit sobrang caring niya sa 'kin? May gusto ba siya sa akin?

Kasi sa pinapakita niya pakiramdam ko may something siya sa akin. That awkward feeling. Medyo iba rin pakikitungo niya sa akin.

Bumalik ang aking presensiya nung naramdaman ko na lang 'yung tubig na winisik niya sa aking mukha. Medyo may pagkamakulit din pala 'tong si Brian.
Kapag una mo talaga siyang makikita he always looks serious at tahimik. Pero kapag nakilala mo na pala siya biglang mag-iiba perspective mo sa kaniya.

"Abay bastos 'to ah," pasigaw na sabi ko sa kaniya.
Dahil sa kaniyang ginawa ay naisipan kong bawian din siya. "Okay, puwede ba tumigil na tayo," paki-usap nito sa akin matapos kong basain ang kaniyang mukha.

"Ikaw kaya nauna,"  tugon ko naman rito.

"Sorry na," mahinahong sabi niya sa akin.

Luh, pa-fall talaga 'to. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Pumunta kami sa isang malapit na mall dahil mas lumakas ang ulan. Pagkapasok namin ay agad akong pumunta sa supermarket dahil naalala kong paubos na pala 'yung stock ng pagkain sa bahay.

Habang namimili ako ay pumipili rin si Brian ng bibilhin niya. Nung nakita ko na 'yung hinahanap ko ay may naramdaman akong dumampi sa aking palad.
Kamay pala ni Brian.

Actually, kamay ko 'yung dumampi sa kamay niya. Sa bilis ng reaksiyon ko ay nasiko ko siya bigla sa mukha.

"Sorry," nag-aalalang wika ko.

"It's okay," garantiya niya sabay abot nung halos pinag-agawan namin kanina.

"Thanks," tugon ko naman sa kaniya.

Hindi naman kami nagtagal sa supermarket dahil hindi rin naman gano'n kadami ang pinamili namin.
"Ako na riyan," alok nito saka niya inilahad ang kaniyang kamay para kunin 'yung mga dala ko.
"Huwag na, okay lang," pagtanggi ko.

"Ako na," pangugulit nito.

"Sige na nga baka hindi mo rin ako tatantanan," sabay abot sa kaniya ng mga dala ko.

"Of course yes," mahinang sabi nito pero dinig ko pa rin. Sakto namang humina na ang ulan kaya naman mas madali na kaming makakahanap ng sasakyan.
Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na ... kotse? What? Tapos may biglang bumaba na isang lalaki at tinawag si Brian.

"Sir, ito po 'yung susi," sabay abot nito sa hawak niyang susi.

"Salamat Kuya," pahayag niya kay kuya.

Between ThemWhere stories live. Discover now