c h a p t e r t w e n t y - o n e

31 20 0
                                    

Brian's POV

Palabas na kami sa restaurant ni Isabel ngayon at papunta na sa kotse ko para makauwi. Nauna nang umalis si Jerome at Amor dahil mas malayo ng konti ang mga bahay nila.

Inakbay ko ang kamay ni Isabel sa aking balikat at nag-umpisa nang malakad. Halatang lasing na siya dahil hirap na siyang makalakad na tipong maling hakbang ko lang ay matutumba kami.

Dahan-dahan ko siyang pinasakay sa aking kotse para maging komportable siya sa magiging biyahe namin. Ipinuwesto ko siya sa bandang kanan ko para naman hindi ako magmukhang driver niya at mas madaling ilabas kapag bababa na.

In-start ko na ang aking kotse para makauwi na kami. Habang nasa biyahe kami ay bigla akong nakaramdam ng hilo at antok at the same time. Pakiramdam ko makakatulog ako nang wala sa oras kaya naman naghanap ako agad ng pinakamalapit na 7-eleven store para bumili ng kape pampagising.

Alam naman natin na hindi lahat ng tao nagigising sa kape kapag umiinom nito pero sa akin malakas ang talab nito. Kape ang naging kasangga ko lalo na sa college life ko at parang nagsilbing tubig ko sa tuwing nauuhaw pero always remember na ang lahat ng bagay na sobra ay nakasasama sa atin kaya naman most of the time after kong uminom ng kape ay umiinom din ako ng tubig.

Ilang minuto ang lumipas bago kami makahanap ng 7-eleven store. Bumaba ako ng kotse at iniwan si Isabel para bumili ng kape. Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko na ang antok at hilo ko kaya naman mas binilisan ko ang aking lakad.

Pagbukas ko sa pinto ay hinanap ko agad kung saan nakapuwesto ang mga kape. Walang ibang customer ngayon dahil 1 am na rin.

Papalapit na ako sa kape at tipong aabutin na ito nung bigla na lang akong natumba. Halos mandilim ang paningin ko at isang sigaw ng babae na lang ang narinig ko.

Humina ang boses niya hanggang sa wala na akong marinig at pati na rin ang buong paligid ay madilim na. Pero pinilit kong bumangon dahil naalala kong kasama ko siya at hindi puwedeng maiwan na lang siya bigla.

Kaya dahah-dahan akong tumayo saka ibinukas ang aking mga mata. Nakatingin sa akin ang babaeng kanina'y sumisigaw.

Pinainom niya ako ng tubig at pinaupo para mahimasmasan. Mayamaya pa ay bumili na ako ng kape pati na rin dark chocolate na paborito ko at gamot sa hangover saka na umalis at nagpasalamat sa babae.

Sinimulan ko nang inumin ang kape para tumalab agad ito. Pagkasakay ko sa kotse ay nagpahinga muna ako at binuksan ang binili kong dark chocolate. Buti na lang talaga ay naalala ko ang dark chocolate dahil isa rin ito sa mga nagpapagising sa akin lalo na kapag nagrereview ako nung nag-aaral pa ako.

Tinitigan ko si Isabel at ayun tulog pa rin. Nag-umpisa na ulit akong mag-drive pauwi sa bahay nila Isabel. Habang nagdadrive ako ay bigla na lang nag-ring ang phone nito. Kinuha ko ito mula sa kamay ni Isabel at sinagot ang tawag.

"Hello po," panimula ko.

"Sino ka at bakit nasa sa'yo ang cellphone ng anak ko?" takang tanong nito sa akin.

"Uhm, kasi po may nangyaring team dinner ngayon kaya ayun po nagkayayaang uminom saka nalasing si Isabel at nakatulog kaya naman po ako na ang naghatid sa kaniya pauwi sa inyo," maingat na sagot ko sa kaniya.

"Ay, ganun ba. Salamat sa paghahatid sa anak ko at mag-iingat kayo lalo na't madaling araw na rin sigurado akong pagod ka rin," sambit nito.

"Sige po at thank you sa paalala," pahayag ko naman dito at saka ibinaba ang tawag.

Medyo nagising na rin ang katawan ko pagkatapos kong uminom ng kape at kumain ng dark chocolate. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa bahay nila Isabel.

Between ThemWhere stories live. Discover now