c h a p t e r t h i r t y

29 20 0
                                    

Jerome's POV

Pauwi na ako galing sa trabaho nang maisipan kong dumaan muna sa supermarket para bumili ng chocolate, specifically dark chocolate na ibibigay ko kay Amor.

Ilang minuto akong naglakad bago nakarating sa mismong supermarket. Pinili ko 'yung pinakagusto kong dark chocolate. Kinuha ko na ito at dumiretso sa counter para magbayad.

Sinobrahan ko na ang binili ko dahil nagke-crave rin ako nito. Pagkatapos kong magbayad sa counter ay dumiretso na ako sa pag-uwi.

Mahigit kalahating oras na nang ako'y makarating sa bahay. Ipinasok ko ang susi ng aking bahay sa doorknob at binukasan ko ito.

Pagkapasok ko sa bahay ay ibinababa ko na agad ang aking gamit sa lamesa at pumunatang kuwarto. Pagkapasok ko sa kuwarto at hinubad ko agad ang suot kong long sleeves at slacks. Makatapos kong magbihis ay saka ko naman pinuntahan ang gamit na iniwan ko sa sala.

Nakangiti akong umupo sa sofa at binuksan ang aking bag. Kinuha ko ang dark chocolates sa loob kasama ang pambalot nito. Kumuha ako sa ng scotch tape at gunting sa drawer ko para sa pagbabalot.

Ibinalot ko ang mga tsokolate ng may kasamang pagmamahal. Made of plastic naman ang nabili kong pambalot kaya inilagay ko ito sa freezer para hindi na ako mahirapan bukas gumawa ng pambalot. Mas pinili ko na gumawa ng pamabalot para maipakita ko ang totoong pagnamahal ko rito. Ika nga nila mas may effort.

After kong ilagay sa freezer ang mga chocolates ay sinunod ko naman ang paggawa ng letter para rito. Maiksi lang ang ginawa ko dahil mas gusto kong straight forward ito. Saka ko na lang hahabaan sa mga susunod ko pang pakulo. Natulog ako ng may kasamang pagngiti at excitement na mangyayari bukas.

Kinaumagahan ay sinadiya kong pumasok ng maaga para mailagay na ito sa desk niya. Ito rin 'yung sign na nanliligaw na ako. "Sana magustuhan 'to ni Amor," bulong ko sa aking sarili.

Pagka-park ko ng aking kotse ay bumaba na ako at nagmadaling pumunta sa kaniyang desk para walang makakita rito. Pagkabukas ng elevator ay pumunta muna ako sa aking desk para ilagay ang aking bag.

Pagkalagay ko ay naglakad na ako papunta sa desk niya. Mabilis lang ang aking paglalakad pero maingat para hindi mapansin ng mangilan-ngilan kong katrabaho. Medyo na-late ako ng pasok dahil ang plano ko talaga ay pumasok ng sobrang aga 'yung tipong guard pa lang ang nakapasok pero wala eh maaga lang akong nakapasok at hindi sobrang aga.

Konti na lang mailalagay ko na. "Jerome," may biglang tumawag sa aking likod kaya naman biglaan din akong humarap rito at ipinatong ang dala kong chocolate sa isang table.

Nalaman kong si sir Frank pala nung pagkaharap ko rito. "Y-yes, Sir. Ano po 'yun?" nauutal kong saad dito.

Medyo kinabahan ako sa mga nangyayari. Dapat kasi walang makaalam sa panliligaw na gagawin ko kay Amor. Mas gusto ko kasing private ang maging relasiyon namin.

"Buti naman ay napaaga ka. Sumama ka saglit sa office dahil may ipapagawa ako sa'yo," utos nito.

Wrong timing naman si sir. Pumayag na lang ako at sumunod sa kaniya. Binalak kong kunin ang tsokolateng nilagay ko sa lamesa pero hindi ko na nagawa dahil nagmamadali na 'kong hinatak ni sir.

Sana pala hindi ko na lang ito inilapag. Nilingon ko na lang kung saan ko ito inilapag, sa desk ni Isabel. Nagmamadali kong ginawa ang mga pinapagawa pero dahil sa sobrang dami nito ay umabot ako ng halos dalawang oras bago natapos. Medyo okay lang naman sa akin ang pinagawa ni sir dahil magaan lang naman ito ngunit sobrang dami nga lang.

Iniwan ko na lang ang office ni sir at hindi na nagpaalam dito dahil kaalis lang nito. Nagmamadali akong naglakad papunta sa desk ni Isabel para balikan ang chocolates na naiwan ko. Pinagpapapawisan ako nung makarating sa tapat ng desk nito.

Between ThemWhere stories live. Discover now