c h a p t e r t h i r t y - s i x

5 5 0
                                    

Third Person's POV

Aligaga pa rin si Isabel sa gagawin niya mamaya. Plano niya kasing sabihin agad kay Brian na hindi niya ito gusto kung may pagkakataon. Ilang araw din itong hindi maka-concentrate sa kaiisip ng magiging impact ng gagawin niya. It's her first time na mag-reject ng isang lalaki. Sa mga napagdaanan niya kasi siya 'yung laging iniiwan.

Bumangon ito mula sa kaniyang pagkakahiga at dumiretso sa labas. Madilim ang buong paligid maliban sa kusina nilang iniiwan na bukas tuwing gabi. Maghahating gabi na nung naalimpungatan siya sa isang hindi kaaya-ayang panaginip.

Umupo muna ito sa isang bench sa labas ng kanilang bahay. Nagmuni-muni lang si Isabel ng ilang minuto at saka bumalik muli sa kaniyang pagtulog.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Isabel upang tumulong muna sa restaurant nila. 2 PM pa kasi ang date nila ni Brian.

Nagising ito sa lakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Tumayo siya at nagsuklay muna saka na lumabas kasama ng cell phone nito.

Ipinihit nito ang doorknob ng kaniyang pinto at naglakad papuntang kusina na madalas niyang unang pinupuntahan tuwing pagkagising. Naamoy nito ang niluluto ng kaniyang mama at napansing pamilyar ito. Nalaman niyang afritada ang niluluto ng kaniyang mama bago pa ito nakarating sa mismong pinaglulutuan.

"Mmmm, mukhang masarap 'yang niluluto niyo ah," takam na sambit nito.

Isa kasi ito sa specialty ng kaniyang ina. Mahilig din silang magluto ng mga heavy meal tuwing umaga. "Hindi lang mukhang masarap. Totoong masarap ito," saad ng mama niya.

Kumuha ito ng kutsara para tikman kung sakto na ba ang timpla nito. "O, ito ikaw nga tumikim," utos nito sabay abot ng kutsara kay Isabel.

Nasanay ang pamilya nila na ang umagahan ay mga pagkaing hindi ganoon kadali iluto tulag ng mechado, pastel, caldereta, giniling, sisig, at marami pang iba. "Uhm, okay na okay na para sa akin," tapat na sabi ni Isabel saka nito nilapag ang kutsara sa lababo.

Madalas kasing si Isabel ang tumitikim kung wala ang papa nito. Silang mag-ama kasi ang may pinaka-magaling na panlasa sa kanilang pamilya. Ilang sandali lang ay gumising na rin ang papa nito. "Tamang-tama ang gising mo't luto ang ulam," bungad nito sa kaniyang asawa.

Inilipat na ng kaniyang mama ang niluto nito sa isang lalagyan. Halata pa ang pag-usok nito habang nililipat dahil nga kaluluto pa lang nito. Samantang kumuha naman ng mga pinggan si Isabel para sa kanilang tatlo.

Umupo na ang mga ito habang nagsasandok ng kanin ang papa nito. Ang mama naman nito ang naglalagay ng ulam sa kanila. Nagsimula na silang kumain matapos magsandok ng kanin at ulam.

"Handa ka na ba sa magiging date niyo mamaya ni Brian?" tanong ng kaniyang mama bago ito sumubo.
Napapikit bigla si Isabel matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ina. Tila bumalik na naman ang kaba na matagal naniyang nararanasan. Ang pagtulong nito sa restaurant ang kaniyang rason para mawala muna sa kaniyang isipan ang plano niya.

"Medyo," sagot nito matapos sumubo.

"Medyo? Bakit kinakabahan ka ba? Hindi naman ito 'yung unang beses na makikipag-date ka," pahayag naman ng kaniyang papa.

Ang maganda kay Isabel bilang isang anak ay open ito sa kaniyang mga magulang. Lagi siyang humingi ng advice sa mga ito kung ano dapat ang tamang gawin. Hindi naman siya pinilit ng kaniyang magulang dahil choice niya ang pagsabi ng mga nangyayari sa kaniya at sa bandang huli siya para rin ang masusunod sa mga desisiyon niya sa buhay.

Dapat talagang maging open ang bawat anak sa kaniyang mga magulang o guardian dahil isa sila sa makakatulong sa'yo lalo na kapag may problema kang pinagdadaanan. Wala naman kasing magulang ang gustong mapahamak o mapariwa ang kanilang sariling anak. Tottoo namang communation talaga ang isa sa best way para magkaroon ng maganda at matatag na relasiyon.

Between ThemWhere stories live. Discover now