c h a p t e r f i v e

55 20 0
                                    

Isabel's POV

Kinabahan ako sa sinabi ni sir Brian kanina buti na lang at pinalagpas niya ito. Siguro marami pa 'yung gagawin kaya ayaw na niyang pansinin 'yung mga maliliit na bagay.

Ang malas lang ni Amor ba 'yun? 'Yung babaeng kasama niya hahaha kasi medyo masungit si sir Brian buti pa ako napakabait at gentleman ng makakasama ko.

"O, ganito mga gagawin mo," sambit niya sabay pakita ng kailangan kong gawin.

Sa totoo lang talaga alam ko naman na ang gagawin. Siyempre ilang years na 'kong nagtatrabaho sa company at halos pare-parehas lang ng ginagawa. Ang pinagkaiba lang ay 'yung sa mga katrabaho mo, the place, and the environment.

"Sir Jerome, can I ask you a question?" saad nito sabay tingin niya sa akin.

Grabe biglang nag-slow motion ang lahat. His thick eyebrows, pinkish lips, toned face, bright eyes, messy hair, and perfect smile made my heart beats so fast.

Teka lang! Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan tuloy ako. Dapat pala hindi ko na siya tinanong.

"Okay, what is it?" pahayag nito.

Ang cool kasi wala man lang halong kaba sa boses niya at isa pa open siya sa 'kin it means may tiwala siya kahit na bago palang ako.

"Ilang taon ka na pala rito?" interesadong tanong ko.

"Uhm, I am not sure but I guessed more like four or five years," tugon nito.

Magtatanong pa ba ako sa kaniya o hindi na? Feel ko 'wag na lang sa susunod na lang marami pa namang pagkakataon. Pero curious ako sa life niya kung okay ba siya, may love life ba siya, hobbies, talent, etc.
Dahil sa dinami-dami ng tinuturo nito ay inabutan na kami ng lunch. Gusto ko sanang makisabay pero ang awkward naman kung gagawin ko 'yun tapos medyo busy ata siya kaya naman magkahiwalay kaming kumain.

Ang lungkot lang sa part ko kasi bago pa lang ako it means wala pa akong friend na puwedeng kasabay kumain. I finished my lunch early. Marami pa raw ituturo si Sir Jerome sa akin.

Naghintay ako kung saan kami huling nagkita. Mas nauna ako sa kaniya pero after a few minutes dumating na rin siya.

Tinunlungan ko siya sa mga dala niya masiyado kasing madami no'ng sinilip ko naman ito ay parang mga papers lang. Dinala namin ito sa lahat ng departments ng office.

Win-win na rin 'yun kasi habang nagdi-distribute kami sinasabi niya rin sa 'kin ang mga mahahalagang information na kailangan kong malaman. Tapos parang may bigla akong naalala.

Narito kami ngayon sa isang room kung saan ay parang kanang kamay daw ng boss naming si sir Frank. May nakita akong picture na naka-display tapos bigla ko nang naalala na siya nga 'yung lalaking nakita ko bago ako magpa-interview. Naalala ko siya dahil sa katawan nito sa picture.

Wait! Bigla nanlaki ang mga mata ko no'ng nilapit ko ang picture sa mukha ko, Sir Brian. Siya pala 'yun. Grabe! Expectation versus reality nga naman. Akala ko mabait siya 'yun pala masungit. Nakatagilid kasi ito no'ng nakita ko siya kaya hindi ko agad napansin na si Sir Brian pala 'yon. Siya pa naman 'yung pinagpapantasiyahan ko no'ng una buti na lang dumating si Sir Jerome kaya naman sa kaniya napunta 'yung atensiyon ko. No'ng una curious ako tungkol sa kaniya pero no'ng nakita ko ang awra niya bigla na lang nawala ang lahat ng ito.

Makalipas ang tatlong oras ay pumasok kami sa isang room. Room na kung saan ang daming nakalagay, mukhang storage room. Okay naman ako sa ginagawa namin ngayon. Ilang oras na rin ang nakalipas simula no'ng nagtuturo siya. May inilabas siya na naging dahilan ng pagkagulat ko. Sobrang pagkagulat.

Brian's POV

Nakakapagod naman 'tong ginagawa namin tapos nakakagutom. Oo nga pala magla-lunch na kailan kaya balak nitong kumain.

"Saan mo pala gusto mag-lunch?" nagulat ako sa biglang pagsasalita niya.

Pakiramdam ko tuloy naririnig niya sinasabi ko ng utak ko at dapat ako magsasabi sa kaniya nun. Pero wala akong magagawa nasabi na niya.

"Kahit saan basta ang importante makakakain tayo," pahayag ko rito.

"Ah, okay," tugon naman nito.

Siya na ang pumili ng reastaurant na pagkakainan namin pero sinuggest ko na mag-search na lang siya kay pareng google sa pinakamalapit na restaurant na makakainan. Sana doon sa may unli rice.

By the way, I really love rice bata palang kasi ako mahilig na ko sa kanin at siguro nasanay na rin ako sa sinabi ni mama na importante raw ang pagkain ng kanin lalo na sa umaga. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakahanap na rin siya ng makakainan.

12:14 pm

"Ma'am/Sir ano po order niyo?" tanong nung waiter.

"Uhm, ano kaya ang pipiliin ko para sa akin lahat naman masarap pero dapat ang pipiliin ko 'yung best," bulong ko sa sarili ko.

"Baka gusto niyo po i-try 'yung couple meals namin?" banat ni kuyang waiter.

Sabay kaming napatingin sa kaniya na may nanlalaking mata. Wala kaming nasabi ni isang salita sa loob ng halos tatlumpong segundo hanggang sa naglakas loob na siyang magsalita.

"Kuyang waiter, hindi naman po kasi kami couple we're just co-workers," may diin na sabi ni Amor sa waiter.

"I'll go with the best selling couple meal," maawtorisadong sambit ko sa waiter.

Aaminin ko nahihibang na 'ko sa ginawa ko pero kailangan ko talagang gawin 'yun para hindi na humaba ang usapan namin. Ano naman kaya ang iisipin ni Amor nito? Baka mamaya akalain niyang may gusto ako sa kaniya. Baka mag-assume na naman siya.

Basta kapag tinanong niya kung bakit ko nagawa 'yun ang idadahilan ko ay nagugutom na talaga ako kaya nagawa ko 'yun. Pero siguro naman hindi na niya ako tatanungin may hiya rin naman siya.

Nagka-boyfriend na ba siya? Medyo mabait din kasi 'tong si Amor. Reminder medyo mabait lang. Kung meron man siguro kawawa boyfriend kasi lagi na lang nag-aasume kaya ayun nasasaktan sa dulo o kaya naman napapahiya.

"Nasaan ka na kaya Hailey? Masaya ka na ba? Kasi ako okay na ako. Masaya na rin at kontento," saad ko sa aking sarili.

No'ng nakita ko si Isabel pakiramdam ko si Hailey siya. Bago palang siya pero feeling ko ang tagal ko na siyang kilala. Para talagang si Hailey si Isabel kahit hindi ko pa siya nakakasama. Medyo magkahawig din sila. Akala ko nga ikaw si Hailey siya no'ng una ko siyang nakita. Kinabahan din ako na baka siya 'yung ex ko pero hindi naman pala.

Binuksan ko ang aking phone at ibinukas ang data. Pagka-open ko ng data ay nakita ko agad ang post ni Hailey sa facebook. Nakasaad sa post na happy second anniversary, Hon. Pinatay ko agad ang data at ibinack ang facebook app ko.

Ayaw ko pa siyang makita lalo na kapag nakikita siyang masaya sa piling ng iba. Hindi pa kami okay pero naka-move on na ako. Medyo bitter paminsan-minsan kaya laging galit. Pero mabait naman ako sobra, dati.

Nagbago ako simula no'ng nagkahiwalay kami, let me rephrase it. No'ng iniwan niya pala ako. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya. 'Yung babaeng kayang ibalik lahat ng kabutihang meron ako. Siya na kaya 'yung the one ko kahit hindi ko pa siya nakakasama? O kaya itong babaeng nasa harap ko na mahilig mag-aasume?

~~~~~

Haiyo!

Thanks for reading my work. If you enjoyed this chapter, please don't forget to vote or comment or share.

Paano kayo pumipili kapag may dalawa o higit kayong pagpilian?

Again, thank you po. Stay safe and healthy. You guys are amazing.

Love,
anotsoromanticguy

Between ThemWhere stories live. Discover now