c h a p t e r s i x t e e n

48 21 0
                                    

Isabel's POV

"Paano kung unti-unti na akong nahuhulog sa'yo?" seryosong sabi niya.

Mahigit dalawang minuto rin ang lumipas bago ako sumagot. Kinabahan ako sa sinabi niya pero isinantabi ko na lang 'yun dahil baka wala lang siyang maisagot sa tanong ko kanina.

"Hay! Wala akong time para makipagbiruan sa'yo," sambit ko.

Iniwan ko siya at kumuha na lang ng mga biskuwit at nilagay sa cart. "Anong mas gusto mo sa biscuit 'yung plain or may palaman?" pag-iiba ko ng topic.

"Plain," diretsang sagot nito.

"Ako 'yung may palaman," sabi ko sabay kuha nung may may flavor na biscuit.

"Puwede bang hintayin mo 'ko saglit? May kukinin lang ako sa may mga frozen food at mga karne," paalam ko rito.

"Samahan na lang kita baka kasi may makita akong gustong bilihin," hikayat nito.

"Sige, wala naman akong magagawa kung 'yan ang gusto mo," pagpayag ko.

Naglakad na kami papuntang frozen foods at bilihan ng mga karne. Medyo malayo rin ang nilakad namin dahil nasa dulo kami nanggaling at sa kabilang dulo naman ang pupuntahan namin.

Nang makarating kami ay kinuha ko agad ang mga pagkaing gusto kong ulamin. Samantalang si Brian naman ay pumunta na sa mga bilihan ng ice cream mukhang gusto nitong bumili. Siguro nabo-boring na rin dahil puro na lang sa akin 'yung pinapamili namin.

Well, ako lang naman talaga ang may balak mag-grocery at sumama lang siya kaya hindi ko siya masisisi kung mainip siya. Napansin kong masiyado na atang puno 'yung cart na dala ko at nahihirapan na ako sa pagtutulak.

Nagulat ako nung bigla na lang may kumalabit sa akin,. Si Brian pala. Agad niyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa cart at iniabot ang isang cup ng ice cream. Vanilla flavor 'yung akin samantalang 'yung kaniya as usual 'yung favorite niyang dark chocolate.

"Ano may bibilhin ka pa ba?" tanong nito sa akin.

"Wala na, tara na sa counter," pag-aya ko sa kaniya.

Tumagal ng 20 minutes ang paghihintay ko bago kami nakasunod. Samantalang 10 minuto naman bago matapos ang sa amin. Isang kahon ang napamili ko at dalawang malaking plastic, isa para sa mga hindi nakakain (hygiene, panglinis at kung ano-ano pang pambahay) at 'yung isa ay para sa frozen foods at karne. Iniwan muna namin ang mga nabili sa baggage counter. Nakaramdam na rin kasi kami ng gutom.
Pumasok na kami sa pinakamalapit na restaurant na puwede naming kainan. Um-order ako ng 1 pc. Chicken, 2 rice, at coke na may kasamang fries. Samantalang siya naman ay 1 pc. Chicken, 2 rice, at coke with burger.

Siyempre treat ko. Ang dami niya ring naitulong para sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya malamang konti lang ang mabibili ko. Kahit na labag sa kaniyang ako ang manlilibre ay wala siyang nagawa dahil inunahan ko na siyang nagbayad bago pa man siya nakapaglabas ng wallet niya.

Minuto na naman ang lumipas bago kami nakapag-umpisang kumain. Nung dumating na ang mga order namin ay tila ba nakalimutan na naming may kasama kami dahil na rin siguro sa sobrang gutom.

Natawa na lang ako sa kaniya dahil ang hindi niya alam ay nalagyan na siya ng gravy sa bandang taas ng kaniyang labi. Dahil hindi ko rin kayang tignan na ganiyan siya habang kumakain ay kinuha ko 'yung tissue at ipinunas ito sa may nalagyan ng gravy na part.

Napahinto siya sa ginawa ko. Nakatitig lang siya sa akin. Ang awkward tuloy namin ngayon pero ilang sandali lang ay nginitian ako at nagpasalamat saka bumalik na ito sa pagkain.

Salamat naman at nawala na ang awkwardness sa pagitan namin. Mas nauna siyang natapos kaysa sa akin. Tinitigan niya lang ako habang kumakain. Para sa akin okay lang na tinitigan ako habang kumakain.

Between ThemWhere stories live. Discover now