c h a p t e r t w e n t y - t h r e e

29 20 0
                                    

Isabel's POV

Napahikab ako pagkagising ko at napahawak sa aking sentido nang may maramdaman akong sakit sa aking ulo. Sakit sa ulo na parang pinipiga. Ini-angat ko ang aking katawan para mas maayos na makahinga.

Tinignan ko ang aking cellphone para malaman kung anong oras na. 8:47 AM. Not too late dahil wala namang gagawin. Nanlaki ang aking mata nang inalala ko kung anong araw ngayon.

"Sabado ba ngayon?" pabulong na pagtanong ko sa aking sarili.

Tinignan kong muli ang aking cellphone para malaman kung anong day ngayon. Thursday. Napalunok ako nung nalaman ko na ang totoong araw ngayon. Lagot ako nito kay sir lalo na't hindi ako nakapagpaalam na hindi ako makakapasok. Akma na akong tatawag kay sir para informal na makapagpaalam nang may biglang sumulpot na katanungan sa aking isipan.

Paano nga pala ako nakauwi sa bahay eh ang pagkakaalam ko ay lasing na lasing ako at halos hindi na makalakad?

Hinalungkat ko sa aking utak ang mga pangyayari kanina. Nag-aya si sir ng team dinner, maya-maya ay umalis na silang lahat puwera lang kaming apat nina Amor, Jerome, at Brian.

Tapos nag-inuman kaming apat at nag-open sa isa't isa tungkol sa mga heartbreaks. And then nalasing ako at naunang umalis sina Jerome at Amor.

So, naiwan kaming dalawa ni Brian at siya mismo ang naghatid sa akin. Tama siya nga dahil alam niya rin kung saan ako nakatira. Pero wala namang nangyari na kakaiba kaya pasasalamatan ko na lang siya pagkapasok ko. Medyo nahimasmasan na ako kaya naman tumayo na ako at lumabas ng kuwarto.

Napahinto ako sa paglalakad nang may bigla akong naalala. 'Yung nangyaring pagsuka ko kay Brian. Oh my gosh! Anong ginawa ko? Ang dugyot ko.

Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil sa nangyari kanina. Ano na na lang mukhang ipapakita ko kay Brian? Baka mamaya isipin niya dugyot akong babae.

Ano ba 'tong nagawa ko? Pero erase muna ngayon ang mga nangyari kanina dahil kailangan kong makapagpaalam kay sir at makapagpahinga. Tatawag muna ako kay sir para hindi siya magtaka kung bakit wala ako.

"Good morning po, Sir! Uhm, gusto ko po sanang magpaalam na hindi ako makakapasok ngayon dahil may hangover pa po ako. Babawi na lang ako sa pagbalik ko," pagpapaalam ko kay sir.

"Isabel don't worry nasabi na sa akin ni Brian kanina na hindi ka makakapasok. Magpahinga ka na lang muna," tugon nito sa kabilang linya.

"Ganoon po ba, Sir? Sige po. Thank you," mataos na sabi ko at ibinababa ko na ang tawag.

Si Brian na mismo ang nagsabi kay sir? Ibig sabihin ganoon na ba ka-expected na hindi ako makakapasok. Hala! Dalawa na utang ko sa kaniya hindi ko na talaga alam ang gagawin.

"Okay, hinga muna Isabel. Next time mo na lang 'yan isipin kapag nakapasok ka na," bulong ko sa sarili ko at dumiretso na sa kusina para kumuha ng makakain.

"O, gising ka na pala," bigla kong narinig si mama na nagsalita.

Napalingon ako sa dining table. "Opo, medyo masakit pa nga po ang ulo ko eh," daing ko.

Dinala ko na ang plato kasama ang kutsara at tinidor. "Sandali at kukunin ko muna 'yung gamot na binigay sa akin ng ka-workmate mo na si Brian ata 'yung pangalan nun," sambit ni mama.

Agad na napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Umupo ako sabay lapag ng hawak ko. Sandali! Tama ba ang narinig ko? Binilhan ako ng gamot ni Brian. Hala! Ang dami ko na talagang utang sa kaniya.

Ilang sandali pa ay bumalik na si mama dala ang gamot. "Kumain ka muna bago mo ito inumin," maawtorisadong saad ni mama saka nito inabot ang gamot.

"Para naman akong bata sa ginagawa niyo," pagmamaktol ko rito.

Mag-isa ko lang kumain dahil tapos nang kumain si mama bago pa man ako nag-umpisang kumain. Binilisan ko lang ang pagkain dahil hindi naman ako ganoon kagutom saka ko na ininom ang gamit na binigay ni Brian.

Dumiretso ako sa sala upang tulungan si mama sa paga-ayos ng mga sangkap na gagamitin sa restaurant namin.

Umupo ako sa tapat ni mama at nag-ayos ng ilang mga ingredients. "Nanliligaw ba siya?" diretsang tanong ni mama sa akin.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Ligaw? Sino at bakit? Mga katanungan na bumabagabag sa akin ngayon. Si mama talaga kung ano-anong naitatanong na out of the topic. Hindi ko ine-expect na sasabihin niya 'yun.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ako nakasagot. "Ligaw? Sino pong tinutukoy niyo?" Pagtatanong ko rito. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa kilala mo naman kung sino ang tinutukoy ko. Ito ay wala iba kung hindi 'yung lalaking naghatid sa'yo kagabi," tugom naman niya.

"S-si B-brian?" nauutal kong sabi.

"Ma, hindi naman nanliligaw 'yun. Nagmamagandang loob lang 'yung tao tapos pinag-iisipan niyo na ng kung ano-ano," dugtong ko.

"Anak, hindi ako tanga para mahalata na mahal ka nung tao. At alam kong alam mo 'yun. Hindi 'yun basta pagmamagandang loob. Meron 'yun halong pagmamahal," pagpapaliwanang nito na may halong kilig.

"Eh, basta para sa akin walang malisiya 'yun," may diin na wika ko.

"Ang tanong handa ka na bang magmahal muli?" bahagya kaming napatigil sa aming ginagawa.

Tumitig si mama sa aking mga mata. Parang bumabalik na naman 'yung nakaraan na nagmo-move on pa lang ako. Parang pakiramdam ko naulit lang ang nangyari pero ang pinagkaiba lang ay ang magiging sagot ko sa sinagot ko noon.

"Oo," tipid kong sagot.

"Bakit hindi mo man lang ma-appreciate 'yung ginagawa sa'yo ni Brian? O baka naman may mahal ka na bang iba?" seryosong sambi niya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya. Yes, totoo naman. In short, guilty ako sa sinabi ni mama. "'Yun na nga 'yung problema, Ma eh. Mahal na ata ako ni Brian pero iba ang gusto ko. Para tuloy akong naiipit sa iisang sitwasiyon," wika ko na may halong kalungkutan sa boses ko saka ako bumalik sa aking ginagawa.

"Anak, hayaan mo lang 'yan. Bigyan mo pa ng konting panahon ang isip at puso mo kung sino nga ba talaga ang mas karapat-dapat sa'yo. Alam naman natin na hindi dapat minamadali ang pag-ibig. Minsan kusa itong darating," pabibigay gabay ni mama habang nakahawak sa kamay ko.

"Salamat, Ma at hindi mo na ako sinermonan katulad nung ginawa mo noon," saad ko at sabay kaming napatawa.

"O, anak mauna na pala ako. Kailangan na kasi ng kasama ng papa mo. Magpahinga ka na lang muna," paalam nito.

"Sige po," tugon ko.

Tama si mama siguro nga tama lang 'tong ginagawa ko na mas kilalanin ang dalawang lalaki na ito. Balang araw mas mauunawaan ko kung sino sa kanila ang magiging kabiyak ko.

Napa-isip ako kung ano ang mga dapat kong gawin dahil wala naman akong magawa rito sa bahay. Mga gagawin. Sandali parang may bigla akong naalala. Oh, no marami pa pala akong kailangan tapusin dahil malapit na rin ang aming anniversary.

Nagmadali na akong naligo at nagbihis para mas marami pa akong matapos. Pagkalabas ko ng bahay ay pumara agad ako ng taxi. Pagkasakay ko ng taxi ay parang nagdadalawang-isip pa rin ako sa mga puwedeng mangyari dahil siguradong nandoon din si Brian at mahihiya lang akong makita siya.

Napapara ako nung napagdesisyunan kong hindi na pumasok dahil nga nandoon si Brian at malaki ang chance na makita ko siya. Huminto ang taxi at bahagya na akong lalabas ng taxi nung bigla ulit nagbago ang isip ko.

"Kuya, char lang po pala sige diretso niyo na po," pahayag ko.

Napangiti ako ng pilit kay kuya driver pero sinungitan lang ako nito at dumiretso na. Bahala na kailangan ko talagang matapos ang ibang mga reports ko para hindi ako magahol sa oras.

"Isabel you should be a professional. Trabaho ang mas mahalaga sa ngayon," pagmo-motivate ko sa sarili ko kahit na halatang nawi-wirduhan na si kuyang driver sa akin. Masiyado ko na bang pinapaasa si Brian? Pero hindi ko naman talaga sure kung mahal niya ako. Hindi pa naman kasi siya umaamin. Pero kung umamin man siya ang tanong may chance ba siya na mahalin ko rin? Ang sagot ay ewan. Malay ko ba kung anong mangyayari sa future. Basta ang importante hindi ko siya pinapaasa.

Between ThemWhere stories live. Discover now